Nilapitan ako ng isang binatilyong chef at ngumiti ng malapad.

"Five minutes pa, miss kasi nakalinya rin ang order rito sa bar, eh."

Tumango ako. "Ayos lang."

"Salamat!"

Bumalik siya sa trabaho kalaunan.

Napansin kong halos lalaki lahat ang chef na naroon at dalawa lang yata ang babae. Sa pagkakaalala ko, babae naman halos ang nasa bar area at ang mga servers nito. Ngayon lang talaga ako nakapasok sa kitchen dito kaya medyo mangha pa.

"Malapit na ang order mo, miss!" sumigaw ang binatilyo.

Binatukan siya ng matandang lalaking chef.

"Huwag ka ngang sigaw ng sigaw sa harap ng pagkain ng guests!"

Tumawa silang lahat, maging ako ay hindi napigilan ang pagtawa.

"Ganito talaga rito, hija. Pasensya ka na, kapag talaga magandang babae marupok ang isang 'to." the old chef commented habang tinuturo ang binatilyo.

"Chef naman, eh!"

Humalakhak ako. Nakakatuwa silang panoorin, medyo hectic ang trabaho nila dahil mukhang wala pang pahinga pero nagkakaisa naman silang lahat.

"Naku! Matinik sa babae ang mga lalaki rito, miss kaya 'wag kang papauto sa mga 'to. Ang iba rito may asawa na!" tumawa ang isang babaeng chef na halos ka edad ko lang yata.

"Kiara naman!" ang iba para tutulan ang sinabi ng babae.

Nagtawanan ulit sila. Umiling nalang ako at nakisabay.

Hindi naman nagtagal at natapos din ang order na kukunin ko. Umabot nga lang ng sampung minuto, halatang sobrang busy dahil sa sunod sunod na receipt na lumalabas sa machine nila.

"Balik ka ulit, miss! Sa susunod, ipatitikim namin ang mga specials dito!" iyong binatilyo ulit.

Umiling ako ngunit nakangiting nagpasalamat. They are all so fun to be with.

Napaisip pa akong isumbong kay Kuya ang tungkol sa sinabi nito pero pabiro ring pinilig ang ulo. Ang sama sama ko talaga. Mukha namang passionate ang mga 'yon at nagbibiro lang siguro nang sabihin papakainin ako ng mga specials ng resto bar.

Hawak ang tray sa isang kamay, dumiretso ako sa gilid ng pool kung saan ako dumaan kanina. Hindi ko lang napansin na may tao pala sa likod ko na nakasunod. Umatras ako nang may batang tumakbo at dahil hindi pa sanay ibalanse ang tray ay paika ika akong umatras at naitulak ang taong nasa likuran.

Dahil sa pagkakabangga namin maiwasan ko lang ang bata kanina, nahulog siya sa infinity pool at maging ang hawak na tray ay hindi nakaligtas dahil nahulog din ito. Nabasag ang dalawang bowl at nagkalat ang sweet potato fries sa gilid at maging sa tubig mismo sa pool.

Napasinghap ang lahat ng nakakita.

Napasinghap din ako at bumilog ang mata nang makilala kung sino ang nabangga. How did I let something like this happen?!

Debrah in her two piece suit and hair tied in a ponytail looked at me angrily. Basa na dahil sa pagkakahulog mula sa pool.

"How dare you!" Umahon siya na sobrang galit, nagulat pa ako dahil parang hindi nito napansin ang basag na bowl dahilan kung bakit sinadya kong itulak siya para hindi niya ito maapakan. Muli siyang nahulog sa pool.

Napasinghap muli ang manonood. Maging ako lalo na nang mapansin ang naapakang basag na bowl. Natusok ang suot kong sapatos at dumiretso sa palad sa paa ko. Hindi ko na nagawang silipin ang kalagayan ng paa dahil bigla akong marahas na hinila ng kung sino.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon