"Jared Gasson."

Hinanap ng usher ang pangalan niya sa iPad nito. Saka lamang siya pinatuloy nito nang makita ang pangalan ni Jared sa guest list. "We have a golf cart to send you to the event's place, sir." Itinuro ng usher ang golf cart na tila terminal ng tricycle na nakapila.

Inalalayan pa siya ni Alexis makaakyat at bago umalis ang golf cart ay sinabihan pa siya. "Enjoy the night, sir Gasson."

Ngumiti na lang siya sa sinabing ito dahil agad ding umandar ang golf cart.

Malamig ang hampas ng hangin.

Bawat metro na tinatahak ng golf cart ay dagdag sa kaba sa puso ni Jared. Kinakabahan ito na na-eexcite. He cannot wait.

Bahagya siyang nagulat nang makita ang dami ng tao na nasa loob ng event's place. It is a great hall that can hold up to five hundred people.

Napa-wow na lang siya nang makababa na ng golf cart at malapitang masilayan ang dekorasyon para sa lugar. Saktong ala-sais na ng makarating siya sa great hall. Nandoon na rin ang karamihan ng mga guest. At halos lahat ng upuan at lamesa sa likod ay hindi bakante.

Ang tanging nakikita na lang niyang maaaring upuan ay ang mga upuan sa harapan.

Nang tahakin niya ang daan patungo sa upuan sa harapan ay saktong pagsisimula rin ng host ng program.

"Ladies and gentlemen, may we all settle down. We will not start the program until you all settle down." Nang sabihin iyon ng host ay saktong nakahanap na rin siya ng mauupuan. "Looks good, sir." Napansin pa nga siya ng host at tinapatan ng spotlight.

Nahiya tuloy siya kaya halos itago na niya ang sarili niya sa ilalim ng mesa.

Nang tumahimik na ang lahat, nagpatuloy na ang host sa kaniyang sinasabi. "Now that everyone is already settled down, I want to first introduce myself. I am Charles David, your host for tonight." May hawak pa siyang isang maliit na script sa kamay.

Tila nakita na niya ang host na ito. Hindi niya lang matandaan.

Biglang sumakit ang ulo niya at saka na lang may mga fragments of pictures na nakita siya.

Kasal.

Spain.

That's all he could remember. Nawala lang ang sakit ng ulo niya nang imulat niya ang mata niya. Nagulat na lang siya nang sabay-sabay na may umupo sa parehas na table na siya pa lang ang nakaupo.

"Jared?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Tiningnan niya ang tumawag sa kaniya. "Leo!?"

Nagkamayan sila. "Nice to see you again." Natutuwang bati ni Jared.

"It's been a long time, repa!" Bati naman sa kaniya ni Kiefer. "How are you?"

Mapait na ngumiti si Jared ngunit sinubukan iyong itago, "I-I'm fine. What doesn't kill you make you stronger, right?"

"How about your memories? Bumalik na ba sila?" Pasigaw na nang magtanong si Leo dahil sa malakas na tunog na nanggagaling sa speaker.

"Most of them."

Leo's eyes wavered to Jared's words.

He looks wondering in disbelief at Jared. "Okay ka lang ba? - I mean, it's-"

Naputol ang dapat sasabihin ni Leo nang mag-announce na ang host, "Everyone, clap your hands together to welcome baby Jaid Yuan Vicedo to the Christian World!"

Jared froze on his seat when a woman that looks exactly just like him walks out from the backstage. Dala-dala nito ang sanggol sa kaniyang braso. Nagpalakpakan ang mga tao.

how to make an alpha male fall in love? (How-To Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon