"pipila ba kami kung hindi?" i raised a brow. tila nahiya siya bigla at tumango nalang bago bumalik sa dating pwesto.

sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa dibdib nalang ni taehyung ang nakita ko dahil tinatakpan niya na ko doon.

i glared at him but he glared back. aawayin ko sana ulit kaso bigla siyang nagsalita. "ang sama ng ugali mo."

"so?" i asked, giving him zero fucks.

he kept his silence after that. inikutan nalang ako ng mata bago bumaling sa mga ulam na nasa umahan.

"ate, isang order po ng sinigang. one rice tsaka mineral water," inabot ko ang pera at agad naman nilang binigay ang order ko.

iniwan ko na siya habang naghahanap ako ng upuan. mabuti nalang at mukhang tapos na ang ibang mga estudyante dahil hindi na puno ang buong cafeteria.

umupo ako sa pang anim na taong lamesa. baka kasi iba ang isipin ng mga ibang estudyante kapag nakita nila kaming dalawa na magkasama sa iisang table lang.

it wasn't even about two minutes or more when he sat down in front of me. adobo ang pinili nyang ulam at may tubig din.

i looked around and saw other students gawking at us. mapa-babae man o lalaki. i wonder if they think that we're a couple?

pero sa sama ng tingin namin sa isa't isa, mukhang hindi naman ganoon ang iisipin nila.

"may recorder sa phone mo?" he asked me before i could even take a bite.

ngumiwi ako binalingan siya. "malamang. bakit? kailangan ba? i thought you're just going to write it down."

"alam mo ba kung gaano kabilis mag salita ang mga prof?" he asked, sarcasm evident in his voice.

"bahala ka kay hoseok," i rolled my eyes. "maduga."

he ignored my mumbles as he started eating. tahimik nalang din akong kumain para hindi na kami muling mag away.

at kahit anong gawin kong deadma sa mga nakatingin sa amin, napapalingon parin talaga ako sakanila para taasan sila ng kilay. sa huli, sila din ang susuko at magiiwas ng tingin.

iyon ata ang mahigit kinse minutong pangyayari sa buhay namin na hindi kami nagbangayan o nagsungitan. pagkatapos kong refill-an ang bote ng tubig ko ay naglakad na kami palabas ng cafeteria upang magsimula.

"oy, egg pie bilhin niyo! ayaw ni madam ng ibang tinapay!" biglang may apat na lalaking nagsitakbuhan papasok. nagunahan pa ang mga ito sa pagtulak ng pinto.

"gago, sana kasi ikaw nalang bumili! dinadamay mo pa kami eh ikaw naman gusto nung prof na yon!"

"bibig mo, tarantado!"

nagaaway pa sila at naghahampasan ng mga ulo. sa sobrang gulo ay nagtutulakan na sila dahil hindi na sila magkasya sa pintuan.

i was about to step aside just so they can enter the cafeteria peacefully but then one of them accidentally got pushed aside on our side.

"hoy!" mukha pa atang ma-a-out of balance ang gagong to.

bago pa ko maka-sigaw ay hinarang na ni taehyung ang katawan niya sa pagitan namin nung lalaking matutumba.

siya tuloy ang natamaan at naitulak kaya tumama siya sa dibdib ko pero buti nalang at hindi nasobrahan. napaatras lang kami pareho kaya agad nyang hinawakan ang mga balikat ko at inalalayang tumayo.

sinipat niya ang mga lalaki na agad namang nagsitayuan ng maayos. i saw them bow repeatedly while mumbling their apologies.

"sorry po! sorry ate! kuya! sorry!"

"hindi niyo ba alam maglakad?" seryoso ang boses niya at mukhang galit na nga talaga.

before he could even scare them more, i quickly grabbed his arm and dragged him outside. muling sumigaw ng sorry ang mga mukhang freshmen palang na mga lalaki.

"nananakot ka din naman pala ng mga freshmen eh," bulong ko bago binitawan ang braso niya.

hindi siya nagsalita at inayos lang ang uniform niya. bago pa ko matawa ay sinungitan niya na ako at dire diretsong naglakad sa building na papasukan namin.

may period ba to?

believe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon