XXIII - Dazed

Magsimula sa umpisa
                                    

Naririnig ko ang mga bulungan nila kaya sinubukan kong buksan yung mata ko para tingnan kung sino man sila. Kaya lang, hindi ko sila masyadong makita dahil nailagay ko pala yung salamin ko sa desk.

"Nilalagnat si Ia."

Oh, I have a fever. No wonder I feel so sore. It's as if I've overused my body in an entire week.

"Paano na 'yan? Nilalagnat si Ia, free day pa naman natin ngayon."

"Kayo na lang lumabas."

"Ano?"

Unti-unti ko nang na-realize kung sino yung mga tao sa loob ng kwarto at tuwang-tuwa ako nang malaman kong kasama ko si Reece ngayon. Kasama ko siya ngayon... grabe, oras pa lang naman ang nawala simula nung hindi ko siya nakasama, namimiss ko na siya kaagad.

Ibinuka ko ulit ang mga mata ko at pinipilit kong kunin sa may desk yung salamin ko habang hindi sila nakatingin.

"Kayo na lang muna. Babantayan ko na lang si Ia dito, susunod na lang kami kapag gumaling na siya."

"Ah, oh sige. Sasabihin ko na lang kay Ma'am atska sa iba. Dadalhan ko na rin kayo ng pagkain at ng gamot para kay Ia."

Sinuot ko na yung salamin ko at umupo sa kama. Nakita kong palabas na si Rae at si Reece naman sinarado na yung pinto. "Sige. Salamat."

Umubo ako ng konti at nakita niya na akong nakaupo. "Eumeleia..."

Reece sighed, worried, and then pulled out the swivel chair from the desk. He sat on it and faced me, hesitantly. He must've thought that I was mad at him. I was. I really was, but it was just only for a few moments. "I'm really sorry about yeste-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at niyakap na lang siya ng mahigpit.

"It's okay, you have nothing to say sorry about. You're not the one at fault. Everything's fine. It was a mistake, right? I believe you, Reece" is what I really want to say, but I can't. Before I could even part away from him, I realized that I was crying so I just kept hugging him -- hoping that he won't see what my face looks like right now.

I brushed my tears away before Reece broke the hug and said, "Are you really not mad? I'm really sorry. I don't know why she did that, heck I don't even know her. It was such a stupid thing... I'm sorry."

I just smiled and nodded. "Thank you." Bigla niya ulit ako niyakap at natuwa ako ng sobra dahil magkasama na ulit kami. Pagkatapos niya akong yakapin, tiningnan niya ako sa mata at hinalikan ang noo ko. "I love you, you know that right?"

Tumango ulit ako at ngumiti naman siya ng napakalawak. "Higa ka muna, ang init mo sobra eh. Kukuha lang ako ng basang bimpo." Sinunod ko naman siya at kaagad ng humiga. He arranged my hair so that it wasn't on my eyes and grabbed my glasses away from me, he put it on the desk beside the bed and searched through the drawers.

I slowly closed my eyes and felt a little light-headed. "Eumeleia, h'wag ka muna matulog ah? Kumain ka para makainom ka na ng gamot. Tapos kung gusto mo bukas na lang tayo pumunta sa mga lugar na gusto mo puntahan para hindi ka mabinat."

Naririnig kong umupo na siya at inilagay niya na yung bimpo sa may noo ko. Sobrang lamig nung tubig kaya medyo nailagan ko yun ng konti. I moved my hands under the comforter to make myself a little warmer.

"Gusto mo ba ng hug?" Nagulat ako sa sinabi niya at nagtago ako bigla sa ilalim ng kumot. "Hehe, joke lang."

Inangat ko na yung ulo ko mula sa kumot at ngumiti na lang. Maya maya, may narinig kaming kumatok at maingay din sa labas. "Andito na pala sila." Pumunta na si Reece sa pintuan at binuksan yun. Nakita ko sila Aisha. Natuwa ako ng sobra dahil dumaan pa sila dito para kamustahin ako.

Ngayon ko lang na-realize na magkakaibigan pala talaga kami.

Kinamusta na nila ako at ibinigay nila yung pagkain at gamot kay Reece. Inasikaso na niya yun at ibinigay niya sa'kin yung tray tapos pinaupo ako. Kumain na ako ng konti at uminom ng gamot pagkatapos. Nagkwentuhan pa sila at nakinig na lang ako. Umalis na rin sila para makapaglibot sa pinuntahan namin.

Naiwan nanaman kami ni Reece ng mag-isa at sobrang tahimik. Unti-unti ko ulit naramdaman yung antok kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako.

* * *

"...ba nila talaga ako? Bakit 'di na lang sila pumunta dito?"

"Nag-aaway yung mga kaibigan mo at si Rain eh... please, hindi namin sila mapigilan. Bilisan mo na lang! Dali!"

"Bwisit talaga 'yang Rain na yan. Ano nanaman ba ginawa niya?"

"Eumel-" Dahan-dahan ng humina ang mga boses nila hanggang sa nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Nakapikit pa rin yung mata ko at 'di malaman ang gagawin.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa gamot siguro na ininom ko kaya umupo ako at hinanap yung salamin ko. Sinuot ko ito kaagad at tumayo mula sa kama. I walked straight to the bathroom and washed my face with a damp towel. After that, I suddenly had the urge to follow Reece and Yna.

Lumabas na ako ng kwarto at may mga naririnig akong nagsasalita. Nasa may elevators ata sila na nasa dulo pa ng hallway. Dahan-dahan akong naglakad at palinaw na ng palinaw ang mga sinasabi nila. I stopped walking at the intersection of the hallways and hid against a wall, eavesdropping. I don't have the faintest idea why.

"So?"

Reece sighed. "Oo, nalaman mo din. Pinaglalaruan ko lang si Ia."

"Totoo nga? Sinasabi ko na nga ba eh, nakikita ko kasi sa mga mata mo."

"Halat-" For some reason, Yna cut him off and I don't like it. "Reece, I like you."

"Yeah... me too."

I want to laugh, to cry, to scream. I can't, though. I don't know what to feel anymore. Should I be angry, lonely? Do I need to feel anything? This is getting annoying. I've already been through this stage.

Betrayed.

Unloved.

Numb. That's what I feel right now. So... ironic.

* * * A/N: wala ng #ReLeia?! H'wag naman sana Q U Q

Tuwing thursday ako nagu-ud nito kaya gagawin kong weekly UD na lang 'to! Hehe. Sana may nagbabasa pa, at kung meron man maraming salamat talaga! Huhuhu q U q See you ulit next Thursday :D

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon