"W-wala kang kasalanan Binibining Celestina, ako ang nabulag sa inggit na nadarama mula sa iyo. Masyado akong nagpadala sa mga sinasabi sa akin ni Donya Veronica na dapat hindi lamang ako makuntento bilang si Margarita na tinitingala ang isang Celestina de la Serna, sa halip dapat mas mataasan ko siya. Iyan ang palaging niyang itinatatak sa aking isipan at mas lalo siyang nagtagumpay nung malaman ko ang tungkol sa inyong dalawa ni Lucio! Alam mo naman na may pagtingin ako kay Lucio at akala ko ipinapaubaya mo siya sa akin tapos malalaman ko na kayo ay may relasyon ng dalawa! Kaya naman ginawa ko ang lahat upang magkahiwalay kayo. Alam kong mas magagalit ka pa sa akin matapos itong aaminin ko pero handa na akong harapin ang iyong galit"

Natigilan ako nang lumuhod ito sa aking harapan at inakap ang aking saya. Tumungo ako at doon nagkasalubomg ang aming lumuluhang mga mata.

"A-ako ang dahilan kung bakit muntikan na kayong mapahamak ni Ginoong Marco noon sa labas ng inyong hacienda. Napag-alaman ko na balak mong makipagkita noon kay Lucio bago ito umalis kaya naman bago pa iyon mangyari sinabihan ko ang ilan sa inyong mga trabahador na malaki ang galit sa inyong ama na makakapaghiganti sila kay Don Frederico sa pamamagitan mo kung kayat nung mga panahong iyon hinarang ka ng mga ito at natuloy ang aking plano na wag kayong magkitang dalawa ni Lucio"

Unti-unti ko siyang itinulak papalayo sa akin.

"Sabihin mo sa akin, ikaw ba ang pumukpok sa aking batok dahilan upang mawalan ako ng malay?" tanong ko na tinugon niya ng pagtango.

Hindi ko naiwasang mapaluhod sa lupa. Mas nadoble pa ang karayom na tumutusok sa aking puso. Hindi na bago sa akin ang pagtaksilan ng kaibigan ngunit ang marinig ito ng harap-harapan mula kay Margarita tunay na nakakapanghina ng sistema.

"Lahat ginawa ko mapansin lamang ako ni Lucio nang sa ganun makuha ko na ang kaniyang puso subalit bigla kong malalaman na muli kayong nagtagpo sa Kalilaya. Alam mo ba na mas lalo kitang kinamuhian nung inamin ninyo na kayo'y malapit ng ikasal? Gustong-gusto kitang sugurin dahil anong karapatan mo na pakasalan si Lucio gayong nung mga oras na kailangan ka niya ay wala ka sa kaniyang tabi? Nasaan ka nung mga kapanahunang nababalot ng kalungkutan ang kaniyang puso dahil sa pakikipag-hiwalay mo sa kaniya? Kaya ang ginawa ko pinilit kitang siraan kay Heneral Orlando upang hindi ito mapapayag sa inyong kasalan. Patawad Celestina kung umabot sa ganito ang simpleng inggit na nadarama ko sa iyo. Ngayon aking nababatid na kahit anong gawin ko, kailanmay hinding-hindi kita mahihigitan lalo na sa puso ni Lucio"

Wala akong nasabi basta ang alam ko lamang nais kong iiyak lahat ng sakit na nadarama hanggang sa maalis na lahat ng bigat sa aking dibdib. Pagod na pagod na akong tumangis pero hindi ko naman mapigilan dahil kung hindi ko ito ilalabas baka tuluyan na akong masiraan ng bait.

"Paumanhin Binibini sa lahat-lahat lalo na sa sakit na aking dinulot sa iyo. Akoy lubos na nagsisisi at aking ipinapangako na matapos ang araw na ito, lalayo na ako at magbabagong buhay kasama ang aking Ina. Hindi ko hangad na madagdagan pa ang aking kasalanan sa inyong lahat"

"Sa tingin mo ba Margarita ganun na lang kadali ang lahat? Matapos ang ginawa mo mamumuhay ka ng parang wala lang nangyari na parang wala kang buhay at relasyon na sinira? Kung hindi man kami ang magpaparusa sa iyo ay hahayaan ko na lamang ang karma na maningil sa iyong kasalanan. Hindi ako yung tipo na nagtatanim ng sama ng loob. Sa ngayon hindi ko pa kaya na tanggapin iyang paumanhin mo subalit hindi ko rin isinasarado ang aking pintuan sa posibilidad na patawarin ka. Ginagawa ko ito hindi para sa iyo ngunit para na rin sa akin dahil hindi rin ako mapapayapa kung magki-kimkim ako ng galit dito sa aking dibdib" aniya ko pagkatapos nagpunas ng luha at tumayo na. Bago pa man umalis ay may huli pa akong sinasabi sa kaniya.

"Sa kabila ng lahat ng nangyari, hangad ko pa rin ang pagbabago na iyong ipinapangako. Sana naman magsilbing aral lahat ng pagsisisi na nadarama mo diyan sa iyong puso nang sa ganun hindi mo na ulit gawin lahat ng nagawa mong pagkakamali sa nakaraan" huling aniya ko bago naglakad na palapit sa kabayo at kaagad sumampa dito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon