Napansin ko hindi sa kalayuan yung babaeng nakita ko noon sa quiz bee na si Kathleen Edison na naka red v-neck shirt at inabutan si Alex ng bote ng tubig at panyo para punasan ni Alex ang kanyang pawis pagkatapos ng laro.

Siguro malapit na kaibigan o classmate niya si Alex.

Sa totoo lang, akala ko si Kathleen yung tipo ng tao na tahimik lang sa isang tabi na hindi pala-kaibigan. Marami ring tao kasi ang ilag sa kanya dahil siya raw yung taong, hindi ka kakausapin, not unless kailangan.

Narinig ko sa iba na mataas daw ang standard ni Kathleen sa tao na pili lang ang taong kinakausap niya dahil masungit at nakaka intimidate daw siya. Hindi siya palangiti at para bang kung titingnan ka niya, dinaig mo pa ang ipinasok sa freezer dahil ganoon daw siya kalamig tumingin sa tao.

Pero nang makita ko kung paano siya kausapin at biruin ni Alex, nakita ko rin naman agad kung paano siya ngitian ni Kathleen. Siguro introvert si Kathleen at sa mga kumportableng tao lang siya nakikipag-interact katulad ni Alex na parang kuya niya dahil sa tangkad ng lalaki kaysa sa kanya.

Naalala ko tuloy bigla si Martin dahil dakilang introvert din iyon bago ko siya maging kaibigan. Bigla ko na naman siyang namiss.

"Sarah!" tawag sa akin ni Stephen, "Kanina pa kita hinahanap, maglalaro na ang classmates natin sa covered court." yaya niya sa akin, "Kailangan ng support at attendance. Ayoko namang markahan ka na absent, participation din 'to aba." pilyo niyang ani.

"Sabi ko nga." bahagyang tinaas ni ko ang aking kamay na naka closed fist, "Team Green, go!" cheer ko kuno na tinawanan niya.

Bigla kong naalala, nasaan na kaya si Laurenz? Tatanungin ko pa lang sana siya kay Stephen pero nakita kong abala siya sa pag-a-attendance sa mga classmates naming sumipot sa covered court.

"Kahit naman wala, pwede mo pa rin nama ilagay na present, eh." tukso ng iba kay Stephen.

"Wag abuso guys, ako ang mapapagalitan sa inyo kaya huwag niyo akong bigyan ng sakit ng ulo." natatawang paalala sa kanila ng Class President namin.

Nakita ko naman sila Chloe na kasama sila Addy as usual at umupo sa pinakataas ng bleachers, siguro ay gusto nila doon para maganda ang view. Nakita ako ni Chloe, kinawayan ko siya at nginitian niya lang ako.

"Tabi na tayo," ani Stephen pagkatapos niyang bilangin ang mga classmates namin kaya nag-peace sign na lang ako kay Chloe.

Kung kanina ay women's volleyball ang naging laro, mga lalaki naman ngayon ang isasalang sa court ngayon kaya itinaas ang net ng bahagya. Dumami na ring ang mga estudyante sa venue, hindi rin naman nagtagal at nag-umpisa na rin ang laro sa pagitan ng section namin at ng ilang players ng sophomore.

Sa kalagitnaan ng laro ay nagpaalam muna ako kay Stephen para sana magbanyo saglit. Pinayagan din naman niya ako at pinaalalahanan na bumalik din agad. Hindi ko naman siya bibigyan ng sakit ng ulo tulad ng iba kong classmates na malakas mantrip.

Pagdating sa rules, mahigpit si Stephen. Binibiro biro siya ng mga classmates namin, pero hindi siya nag papatinag dahil kaya nga raw may rules para walang gulo. Yung ibang classmates namin na hindi sumipot, minarkahan niyang absent. Trabaho nga lang daw, walang personalan. Ginagawa lang naman din ni Stephen ang part niya bilang class president namin, kaya sana gawin din ng classmates namin ang part nila para wala sila maging problema.

Tumayo na rin ako agad at umalis sa covered court. Ang daming tao na halos hindi ako makahinga. Pumunta muna ako saglit sa pinakamalapit na banyo na malapit sa cafeteria. Pagkalabas ko ng banyo, napansin ko rin naman agad na may ilang taong kumakain sa kani kanilang table.

Bigla kong naalala si Kenzo.

Nasaan kaya 'yon?

Dahil sa tinatamad akong bumalik sa classroom para sana kunin yung jug ko at makainom, bumili na lang ako ng juice mula sa pinakamalapit na vending machine dahil panigurado ring hindi na malamig ang laman 'non. Kung alam ko lang sana binitbit ko na lang yung jug ko para kahit saan man ako magpunta, may tubig akong dala.

The Spectrum of LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon