Marami ng paraan ngayon para gumanda, yun na lang ang inilagay ko sa utak ko. Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay. Nagulat ako sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng mahawakan ko ang malambot niyang kamay. Pero inignora ko yon at kinompronta siya.
"Ang tagal kitang hinanap dito lang pala kita makikita!" Sabi ko sa kanya.
"Wait! Do I know you?" Tanong niya sa akin.
Pati boses niya ay nag iba din. Bakit parang ang sarap sa tenga na pakinggan ang boses niya? Ipinilig ko ang ulo ko at muli ko siyang tiningnan.
"Huwag kang umarte na parang hindi mo ako kilala, Sabrina!" Sabi ko.
Bakas sa mukha niya ang takot at pagtataka pero kahit anong pagpupumiglas niya ay binuhat ko siya at iniuwi sa bahay. Nakonsensiya ako ng nadapa siya sa sahig dahil sa pagkakatulak ko sa kanya.
Nang tumayo siya ay patuloy parin ang pagpupumilit niyang hindi niya ako kilala at sinabi niyang twenty five years old lang siya at kadarating lang niya galing New York ilang araw pa lang ang nakakaraan.
Sinarado ko ang isip ko at hindi ko siya pinaniwalaan. Kahit nang saktan siya ni Mama ay hindi ko siya ipinagtanggol. Dumaan ang isang buwan na pagtira niya sa bahay. Nagbago ang lahat, naging malapit siya sa mga bata at ibang iba siya sa Sabrina na nakilala ko at pinakasalan ko.
Noong una ay pinipilit ko ang sarili ko na baka umaarte lang siya at nagpapanggap. Pero ng makita ko siyang mag drawing ay naniwala na akong hindi siya ang asawa ko. Nagpa imbestiga din ako tungkol sa kanya at napag alaman kong totoong nakabase nga siya sa New York at isa siyang sikat na modelo doon.
Umamin din ako sa kanya kalaunan na alam kong hindi siya ang asawa ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na mahal ko na siya.
Nang magpasya siyang umalis na sa bahay ay nagalit ako ng husto, hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Natanaw ko ang pag alis niya at napakasakit non sa akin. Lalo pa ng malaman ko na pumupunta sa bahay niya ang ex niya. Nalaman din namin na ang kuya Vincent ko na adopted nila mommy ay ang nawawalang kapatid ni Sabrina. Nalaman din namin na ang Stepsister niya ang impostor na pinakasalan ko.
"Terry nasaan si Sabrina?" Tanong ko sa kaibigan ni Sabrina na kasama niya sa bahay.
"Ay umalis e. Nagpunta sa sementeryo, sa puntod ng parents niya." Sagot nito
Hindi siya pwedeng magpunta doon dahil inaabangan siya nila Samantha para patayin!
Nagmamadali akong sumakay sa kotse at pinaharurot ko ito. Nang makarating ako sa sementeryo ay kinompronta ko sya. Kitang kita ko ang taong babaril sa kanya kaya mabilis ko siyang tinakpan.
Nakaramdam ako ng matinding sakit sa balikat ng tumama sa akin ang bala. Nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya kailangan ko siyang protektahan.
Akala ko ay kaya ko siyang iligtas sa lahat ng oras. Pero ng ibalita ng mga bodyguard na nagbabantay sa kanya na nadukot nila kuya Vincent si Sabrina, nakaramdam ako ng takot.
"Vince anong sabi ni Samantha?" Tanong ng Tito niya sa akin.
"Pinapatubos siya ng twenty million." Sagot ko.
"Twenty million?! Diyos ko saan naman kami kukuha ng ganon kalaking halaga?!"
"Kaya kong iprovide ang halagang yon Tito basta masigurado ko lang na ligtas si Sabrina." Sabi ko.
Naghintay kami sa tawag ni Samantha pero hindi pa ulit tumawag ito. Alas kuwatro ng madaling araw ng muli akong makatanggap ng tawag. Hindi kay Samantha kundi kay kuya.
"Vince nasa lumang bodega sa dati nilang bahay si Sabrina. Magsama ka ng mga pulis. Iligtas mo ang kapatid ko Vince." Anya.
Ibig sabihin nasabi na ni Sabrina ang totoo kay kuya. Nagpunta naman ako kasama ng mga pulis. Nag alala ako ng makita kong hawak ni Samantha si Sabrina at nakatutok ang baril sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Unknown Husband
RomancePaano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa bahay nila. Paano din kung malaman mong ikaw at ang babaeng pinakasalan ng lalaking yon ay iisa ang...
Chapter Fourty Five (WAKAS)
Magsimula sa umpisa