"Tangina, Mela, umalis ka sa ibabaw ko," asik ko. Ang bigat niya! "Alis sabi, eh!"

Mas lalo siyang yumakap sa akin habang ngumangawa. Napapailing ako, wala naman kasing luha na tumutulo sa mga mata niya. "May girlfriend na ulit si Mia. Huhuhu! Ang sakit-sakit, Al. Ang sakit-sakit! Kapanget-panget ba ako?"

"Gaga, kapalit-palit 'yon," bara ko sa kaniya sabay tulak sa kaniya paalis sa ibabaw ko. Kaloka, parang may ginawa kaming kalaswaan sa ayos namin kanina. "Tsaka, ano bang bago? Magkakaroon at magkakaroon talaga ng girlfriend si Mia kasi ang kupad mong gumalaw. Aba, hindi totoo 'yong nauunahan ng pagong ang kuneho. Sa fables lang 'yon!"

"Sino naman ang pagong?"

"Ikaw," turo ko sa kaniya. "Tena sa ibaba, magluluto ako ng champorado. Kakain ka, ha?"

"Ang yaman-yaman mo tapos, champorado ang ipapakain mo sa akin? Wala bang beef steak diyan?"

Napairap ako, ang choosy!

Nauna na akong bumaba, sumunod naman siya habang nagmamaktol. Nasasaktan daw siya kasi bakit hindi daw siya pinapansin ni Mia.

I shook my head. "Sinabi na ni Mia, ayaw niya daw ng torpe. Noong nagsaboy ang kalangitan, sinalo mo naman lahat. Grabe ang shopping mo siguron no'n, Mel."

"Hindi ako torpe, choosy lang siya. May gusto siya doon sa lawyer na bagong member dito," aniya. Nakahalumbaba siyang nakatingin sa akin, nagpapaawa. "Narinig ko, Valerio daw 'yon."

"O, ano naman kung Valerio iyon? Wala naman 'yon sa mga titles o galing sa mayamang angkan, ang mahalaga ay kung anong nasa dibdib mo."

"Bra?"

"Tanga, hindi!" Bwisit naman itong babae na 'to, siya na nga itong inaalo, siya pa ang may ganang mamilosopo. "Ano ba naman 'yan, Carmela? Nasaan na ba ang utak mo?"

Ngumuso siya, "ano ba ang gagawin ko, Al? Tulungan mo naman ako. Wala akong binatbat doon sa lawyer na 'yon."

"Aba, mayroon kaya!" inihalin ko na ang champorado sa mangkok at ibinigay sa kaniya. May niluto na pala ang kapatid ko kaya ininit ko nalang. "Hindi niya kayang umutot habang nanghaharana."

"Alaska naman, ipaalala ba naman sa akin 'yon," ingos niya. Totoo naman ang sinabi ko, walang makakatalo sa ginawa niya. "Palibhasa kasi, hindi mo naranasang mapahiya ng sobra sa harap ng taong mahal mo."

Natahimik ako dahil bigla kong naalala ang nangyari noong nasa high school pa kami. Tsk, nakakahiya pa rin talagang isipin iyon. Hindi ko talaga maalis sa history ng buhay ko na minsan ay nagpagulong-gulong talaga ako sa harapan ni Arrividerci Santander.

"O, anong plano mo?" bawi ko nalang nang makahuma ako sa pagkatahimik. "Tutulungan ka namin diyan sa pagsingtang pururot mo kay Mia."

"Mag-iisip pa ako," hinipan niya ang umuusok na champorado bago sumubo, "bashta, shabi mo, ha? Tutulungan moh akoh."

"Oo na, oo na," sagot ko nalang at kumain na rin. Kung 'di ba naman tumanda, saka pa gagawa ng paraan para mapalapit sa taong minamahal.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay naman kami sa living room, wala pa yatang balak na umuwi si Mela. Hinayaan ko nalang lalo pa at madalang na kami magkita at mag-usap, naumay na tuloy ako sa mukha ni Trea. Si Raj naman, may pinagkakaabalahan na. At si Trois ay busy sa law firm niya.

"Ay, 'di ba sabi mo ay lawyer iyong nagugustuhan ni Mia?"

Tumango siya, "oo, pero hindi 'yon ang girlfriend niya. Iba, hindi ko kilala."

"Hindi mo sure."

"Hmm, ewan? 'Di talaga ako sigurado, he-he."

Ang weak talaga mangalap ng impormasyon, palaging kulang.

Downtown Girls: Arrivederci SantanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon