CHAPTER FORTY SEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko na pinilit pa silang maniwala sa gusto kong ipaliwanag. Alam kong walang maniniwala kapag sinabi kong hindi naman totoo yung pinost ni Paul na picture kahapon na hindi ko din naman pinagtuunan ng pansin.

"Kaya pala sobrang close nyo kase may something naman talaga. Hindi na ako manghihimasok pa dun pero masaya talaga ako para sa inyong dalawa." Kinikilig na usal ni Vanessa.

"I wish you both have a strong, long and happy relationship." Wika ni Kiara saka nilisan na kaming dalawa ni Vanessa.

"Don't be bothered. You should be happy because you have him that are not scared to show the world how much he loves you. He even dare himself to post that picture."

"Vanessa,"

"I know. You're lucky to have him. Alam mo kung gaano kadami ang nagkakagusto kay Paul at isa na ako dun."

Isa isa naman akong binigyan ng bati ng mga kaklase ko nung araw na iyon. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya bandang huli at bilang ganti ay nagpapasalamat na lamang ako sa kanila.

Nadako naman ang paningin ko sa gawi ni Paul na binigyan lang ako ng isang ngiti ngunit inirapan ko lang sya at hindi na tinapunan pa ng tingin. Dumating naman ang oras ng break time.

"Tara, kain na tayo."

"Wag mo kong kausapin." Inis kong turan sa kanya habang inaayos ang gamit.

"Galit ka?"

"Kaka-engage nyo palang kahapon, nag-aaway na agad kayong dalawa," Natatawang puna samin ni Ezekiel.

"Wag mo kong susundan," Pagbabanta ko sa kanya saka nagmamadaling lumabas ng silid.

"Hintayin mo naman ako," Usal ni Paul na sumusunod sa akin.

"Anong sabi ko? Diba ang sabi ko wag mo kong susundan."

"Paanong hindi kita susundan? Galit ka."

"Tanungin mo 'yang sarili mo at alamin mo kung bakit ako nagagalit,"

Natigil lang ako sa mabilis na paglalakad ng hawakan nya ako sa kamay. Pinukulan ko naman sya ng masamang tingin.

"Let's talk," Malamig nyang tinig.

"Bitiwan mo ako," Pag-uutos ko ngunit hindi nya iyon sinunod bagkus iginiya pa ako palakad sa direksyon na gusto nya.

"Wag ka ngang maarte," Narinig kong sabi nya na nagpainit ng ulo ko.

"Anong sinabi mo?"

"Stop pretending it,"

"Bawiin mo yung sinabi mo,"

"Why?"

"Babawiin mo o huhubarin ko 'tong singsing?"

"Oo na. Hindi ka na maarte."

"Ngayon, pakawalan mo na ako."

"Mag-usap muna tayo."

Nagpaanod na lang ako ng dalhin nya ako sa student center at saka naupo sa isa sa mga bench duon.

"Don't you like the compliments?"

"Ilagay mo yung sarili mo sa sitwasyon ko ngayon,"

"Hindi ka ba masaya?"

"Masaya ako pero hindi ko naman alam kung ano yung nararamdaman mo para sakin."

"Gusto mo bang malaman yung nararamdaman ko para sayo?"

"Hindi ko kailangang magtanong."

Dorm of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon