Naging balisa naman si Volke, "Huwag na huwag niyo silang sasaktan..."
Mabilis naman na sumugod si Elise sa babae gamit ang espada pero nakaiwas ito. At naglabas ng utim na apoy at pinatama kay Elise. Nailagan naman si Elise at naglabas ng invisible blaze dahilan para masugatan sa balikat ang babae.
Napahawak naman ang babae sa balikat nito at masamang tumingin kay Elise.
"Tandaan mo. Hindi pa ito ang araw para magtuos tayo, at sa araw na 'yun sisiguraduhin kong mapapatay kita."
Napangisi naman si Elise. "Hihintayin ko rin ang araw na ako ang tatapos sa buhay mo."
Susugod na sana si Clownie sa babae pero tumakbo na ito palayo.
"Duwag pala ang babaeng' yun e." saad ni Clownie.
"Kailangan na natin umalis, ang kawal na ang bahalang mag-ayos na ginawa ng mga pangahas na ito. Kailangan natin abutan sila Herya at Cervan."
Pagkarating sa bayan ng Agada ay mabilis na nakarating sila Elise sa bahay ni Volke pero naabutan nilang walang ng nagbabantay, patay na rin ang ilang mga kawal na unti-unting naglalaho. Wala rin si Herya at Cervan. Bigla naman silang kinabahan.
"Wala sila rito." saad ni Elise.
"Kung ganoon ay nahuli tayo, at maaring bihag sila ngayon." nag-aalala ng saad ni Clownie.
Napatingin naman sila kay Volke na nakatutulala.
"V... Volke..". saad si Elise.
Napailing na lang si Volke at napaluhod na lang, "Hindi... Hindi... Kailangan ko silang makita, kailangan ko silang itakas! Hahanapin ko ang pinagkukutaan ng mga Garghol, papatayin ko silang lahat." mabilis naman na umalis si Volke sa kanila.
"Volke?!" sigaw ni Elise at Clownie.
Sinundan nila ito at hinawaka ni Elise ang kamay nito para tumigil sa paglalakad, lumuluha na ngayon si Volke dahil sa dala ng takot, takot na patayin ang kaniyang mag-ina.
"Huwag kang masyadong padalos-dalos hindi natin alam kung may naamba pang manganib rito." saad ni Clownie.
"At gustong mong gawin ko... Hahayaan ko lang na patayin nila ang aking mag-ina?!" sigaw ni Volke na patuloy sa pagluha.
"Alam kong nag-alala ka, Volke. Kami rin, nag-alala kami sa kaibigan namin na bihag nila.. Pero hindi dapat tayo padalos-dalos dahil mas magkakaroon sila ng tiyansa bihagin tayo... Kailangan natin ng plano para makapasok at malaman natin ang kuta nila. Kailangan malaman ito ng hari. " saad ni Elise.
"Hindi ko kayang mag-mukmok lang dito, kailangan may gawin ako." si Volke.
"Alam ko... Pero ngayon alam ko kung sino ang makapagtuturo sa atin kung naasaan ang kuta nila. Ang isa sa mga katangahan lang ng mga Garghol ay hinayaan nila si Erlina sa manatili sa palasyo, hindi nila naiisip na pwedeng sabihin sa atin ni Erlina ang bagay na 'yun. Lalo pa' t malapit na niyang malaman kung sino siya. "
Tumango si Clownie.
"Tama.. Si Erlina ang pwedeng makapagsabi sa atin. Pero magsasalita ba siya?"
"Sigurado ako sa bagay na 'yun, Clownie."
===========
Sa kuta ng mga Garghol kung saan bihag na ngayon sila Herya at Cervan na ngayon ay nakakadena kasama ang mag-ina. Pinaluhod sila ng mga kawal ng Garghol at marahang hinarap sa reyna na si Reia.
Nagpumiglas naman ang dalawa habang ang mag-ina ay nagmamakaawa.
"Magaling... Ngayon ay bihag na namin kayo, nabawasan ang mga mandirigma na pwedeng magtangol sa kaharian ng inyong hari." saad ni Reia.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...
Chapter 44
Magsimula sa umpisa