Feeling Broken :(

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayssssss! napailing nalang ako ng ulo sa naiisip ko! Di ko alam pano ko gagawin yung di pag suko!

Yung salitang TAMEME asakin na :(

"SILENCE! LET'S START! Lorry and Josh, mag toss coin tayo para malaman naten kung sino ang unang magsasalita"

lumapit na si Lorry at Josh.

Sinimulan agad ni Sir ang Toss Coin.

"Head" Lorry

"Tail" Josh

pagbukas ng kamay ni Sir.

"Tail, Girls ang mauuna!"

magkatapat ang chair ng girls and boys, kaya tatayo nalang sa gitna ang gustong mag salita.

Unang tumayo si Denise.

"Syempre! Boys padin dapat ang unang magpapakita ng feelings. Torpe sila pag hindi nila nagawa yun. Ryt Girls" Denise *Smirk*

"Wooooooooo!'' Cheer ng mga babae

tumayo nman si Alvin, isa sa mga maloko sa lalaki.

"Pag hindi agad nag pakita ng feelings torpe agad?? hindi ba pedeng nag iisip lang ng first move????"

"HINDEEE" Sagot ng mga babae

"Ganun? aporada pala kayo eh! edi dapat kayo mauna"

"BOOM!" sigaw naman ng mga Boys, na parang nag pick up line lang si Boy Pick Up. sabay nagtawanan at nag apir pa ang iba.

Ayaw magpatalo ng mga girls kaya tumayo agad si Zhandra, bossy sa klase, na Girlfriend ni Alvin.

" Ang Boys ang dapat nauuna! Dapat ipakita nyo samin kung nagpapakatotoo kayo samin! dahil kaming mga babae, LOYAL! at ayaw namin nasasayang yung LOYALTY namin sa taong hindi naman pala nagpapakatotoo"

"TAmaaaaa!!! / Wooo / Boom panes " Mga side comments ng mga girls.

at ang mga boys pinag aasar si Alvin

kaya tumayo ulit sya at.

"Bakit? LOYAL din naman ako sayo ah!"

"Ayiiiiii!" Sigaw ng lahat

"Lol!" Sigaw ni Zhandra kay Alvin, na nangiti. for sure kinilig deep inside.

" Ok! katulad nga ng sabi Zhandra! kaming mga girls loyal kami! At bukod sa loyalty ayaw din naman namin sayangin yung "OO" namin sa taong hindi namin alam kung tunay nga yung feelings nila para samin"

Si Mj, isa smart girl, na directioner (1D fan)

at pinag aasar naman nila si Kujo, na alam ng lahat ay may crush kay MJ. Kaya tumayo sya

"Ilang moves ba gagawin ko para maramdaman mo?" Kujo

"Ayiiiiiiii"/ "woOoooo" Cheer ng lahat

Si Kujo, magaling syang mag drawing,  madalas dinadrawing nya si Mj, katulad ng vacation. dahil mahaba ang Vacation ng december, nagdrawing sya ng muka ni Mj, sa bond paper at pinakita pa nya sa amin grabe! kuhang kuha nya yung itsura ni Mj sa drawing. At nung nag

practice kami ng sayaw sa P.E. kaya pala hindi sya maistorbo nag drawing nanaman sya ng muka ni Mj sa semento gamit ang bato, ginawa nya yun kahit nandyan lang si Mj. At meron pa gamit ang glitters para mabuo ang muka ni Mj. Actually,iniisip ko nga siguro naman kahit papaano alam ni MJ may gusto sa kanya si Kujo.

"Bakit? sakin mo ba mismo pinaparamdam o sa mga klasmyt naten?" Banat ni MJ

"Woooo, tama! hanggang drawing ka nalang!" sigaw ng mga babae

Poser is me!???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon