Chapter 18- Everywhere

Magsimula sa umpisa
                                    

Ilang minuto at tuluyang lumuwag ang pagkakayakap ni Kean sa kanya. Kumawala siya at bumalik sa entablado.  Ayaw niyang magkaroon ng koneksyon o makialam sa buhay ng boss. Hawak niya ang mikropono at hinihintay ang musika na kanyang sasabayan. 

Makalipas ang ilang oras, hindi natiis ni Shaira at binalikan niya ang boss. Nakita niyang nakaupo ito at maayos na ang itsura. Namumula ang mukha nito at may hawak na tubig.

    “Bakit hindi ka pumasok sa trabaho? Pagkatapos nandito ka?” giit ni Kean na parang walang nangyari.

    “Sir, okay ka na ba?”

    “I’m good. Salamat sa mga empleyado rito.”

    “Ah, mabuti naman po.”

    “I have a question, nagsalita ba ako habang tulog?” tanong ni Kean.

    “H-hindi po! Ang payapa niyo po na tulog,” pagsisinungaling ni Shaira dahil ayaw naman niyang mapahiya ang boss.

    “Okay, better.”

    Napatingin si Kean sa paa ni Shaira at nagtatakang hindi suot ng dalaga ang binigay niyang sapatos.

    “You didn’t like it?” giit ni Kean.

    “Ha? Ano po?”

    “I mean the doll shoes that I gave. Ayaw mo ba?”

    “Ah, gusto naman po. Eh ang kaso, malaki po sa akin.”

    “I’ll buy you again.”

    “No, no! Okay lang po. Salamat po pala, bibigyan ko lang ng kalso ‘yung sa dulo nang sumikip.”

    “Okay, let’s go. Sumabay ka na sa akin.”

    “Seryoso ka Sir? Mag taxi na lang po tayo. Baka mabunggo ka pa.”

    Tiningnan siya ni Kean at mukhang asar ang itsura nito.

    “If I said that I am okay. I’m okay, understand?”

    Tumango si Shaira at sumunod sa kanyang boss. Para bang walang nangyari at diretso pa itong maglakad. Nang makarating sila sa kotse ni Kean, bigla itong pumikit at tinakpan ang mukha. Nakaramdam ng pitik sa sintido si Kean dahil sa epekto ng alak.

    “Sabi na hindi ka okay.”

    “Can you drive, Shaira?”

    “Hindi po ako naturan ng boyfriend ko.”

    “Bakit hindi ka magpaturo sa kanya?" 

"Patay na po kasi siya."

"I'm sorry, kung ayos lang matanong. What's the cause?"

"Aneurysm at sa puso. Sayang po hindi niya na share sa akin ang pagiging racer niya."

"Really? He's a racer? Car or motor?"

"Car po, actually sa Mabacle po ro’n siya madalas sa drag Race." 

"Oh fuck!" bulalas ni Kean nang kamuntik silang bumangga. Napahawak si Shaira sa kanyang dibdib at natulala.

“Damn, I’m sorry, Shaira!

“O-okay lang po. Kaya mo pa ba? May alam akong twenty four hours na kainan na pwede rin po kayong magkape. Malapit na rin po iyon dito.”

Ilang sandali at narating nila ang tapsilogan. Nakikiramdam at nagmamasid lamang si Kean sa paligid. 

“Sir. dito po pala kami unang nagkakilala ni Katrina,” aniya ni Shaira. Distracted ang dalaga sa pasa ni Kean sa mukha kaya hindi niya ito matingnan.

    “I’m really sorry, Shaira. Kagagaling mo lang sa sakit pero napupuyat ka ngayon dahil sa kalokohan ko. Hindi naman kita hahayaan na mag-taxi, ako ang huli mong kasama. Ano man ang mangyari sa’yo, kargo kita.”

    Tikom ang bibig ng dalaga, gusto niyang magtanong kung bakit ganito kabasag si Kean bukod pa sa kanyang mga narinig noong tulog ito.

    “I can’t stop thinking about you, Camille,” he whispered.

             Kinabukasan...

    Balik trabaho si Shaira kahit gustong-gusto niya pang matulog. Inabot sila ni Kean ng alas kwatro ng umaga sa tapsilogan dahil sa maraming kwentuhan tungkol sa trabaho.

“Shaira, mamaya sumama ka pala. Pasikreto tayong ililibre ni sir Xyrus my loves!” bulong ni Sam.

“Talagang maharot ka Sam! May anak na iyon, ayokong sumama. Sasapakin talaga kita kapag pumatol ka ro’n!”

“Sus! Ikaw nga may bebe Kean ka!"

"Tumigil ka! Ano pang akala nila sa akin kab--." 

Hindi natuloy ang sasabihin ni Shaira nang biglang may dumating na delivery man.

"Shaira Lancaster po?"

"Yes po?

Nagulat din si Shaira dahil alam niyang wala naman siyang inorder. Pasimple niyang binuksan ang kahon at doon nakita ang sapatos. 

"Wow ang ganda! Kay bebe boy ba galing?" 

"Hindi Sam. inorder ko ito. Magtigil ka ha! Hindi ako natutuwa sa biro mo.

Tugma ang sukat nito sa kanyang paa pagkatapos ay bumunot siya ng barya sa wallet.

"Saan ka pupunta?" aniya ni Sam

"Magkakape." 

Mabilis na tinungo ni Shaira ang opisina ni Kean at sa kanyang pagbukas ng pintuan. Nakita niya itong mukhang wala sa tamang timpla.

"What brings you here?" nakataas ang kilay nito habang naka titig pa rin sa binabasa na papel. 

Lumapit si Shaira at ibinaba ang sampung piso na barya. Nakita niyang tumingin ito sa kanya. 

"Sir, kasi pamahiin. Kapag binigyan ng sapatos dapat bayaran ng barya.

"Okay, I will give it to Katrina,” bahagyang ngiti  ni Kean. Napansin din ni Shaira na bagay ni Kean ang bandaid sa mukha

"Ha? Si Katrina po ang bumili sa akin?"

"Yup. Ah, bago ka umalis I'll give this to you," inabot nito ang isang puting invitation at binasa ni Shaira. family reunion in Batangas. "You are invited as the singer. I recommended you, dahil lahat ng kinakanta mo classic at ang mga kamag anak ko ay halos matatanda na. Sigurado ma-appreciate nila ang music mo." 

"Wow, salamat po, Sir!" 

Inabot ni Kean ang isang envelope kay Shaira. Sa kanyang pagsilip isa itong cheque na naglalaman ng twenty thousand pesos. 

“Paid, hindi pwedeng hindi ka pumunta,” giit ni Kean. Napanganga na lang si Shaira at hindi nakakibo.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon