Nanigas ako sa aking kinauupuan sa huli niyang sinabi. Sa dinami-dami siguro ng sinabi niya, iyon lang ang malinaw sa isip ko.

Kinuha ko ang wine na nasa pagitan namin saka binuksan. Tinungga ko ito dahil hindi naman siya nagdala ng baso.

His parents wants a child?

"Ibig sabihin, tutulungan mo akong maikasal sayo. At tutulungan kita sa problema mo na magkaanak. Tama ba ako?"

Tumango-tango siya bago kunin sa akin ang wine at tinungga din ito.

"Like what I have said. It's a win-win situation."

"Pero bakit ako?" Tanong ko bigla. "I mean, you are know in a woman industry. Bakit sa akin pa kung marami namang mas willing na magpabuntis sayo?"

Ngayon lang din yun pumasok sa utak ko. Tama nga naman. Marami siyang babae base sa nakalap kong balita nuong nasa amerika pa ako.

Why not just pay them and boom! Pwede na niyang kunin ang kanyang mana.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Sumama naman ang mukha ko dahil anong nakakatawa sa sinabi ko?

"I don't trust my flings. In the first place, I know there motive. May bigla na ngang pumunta sa condo ko at sinabing buntis siya at ako ang ama. Yes she's pregnant pero hindi ako ang ama ng dinadala niya. Binigyan ko siya ng pera and then she walk out. See? Kayang nilang magsinungaling para makakuha lang ng pera. And why not you? Alam ko namang hindi ka ganuong babae. We already have sex. Kailangan mo din naman ng tulong so I volunteer."

Kinuha ko ang wine sa kanya bago ito tinungga. Pinaprocess sa utak ko ang lahat ng kanyang sinabi.

Grabe naman pala. May ganun ba talagang mga babae? Desperada para makakuha lang ng pera?

Lihim akong natawa ng pagak. Gagamitin pa talaga nila ang bata para sa kanilang motibo.

Hindi ko alam kong magpapasalamat ba ako kay Austin dahil ako ang napili niya o ano.

Partly of me I'm happy. Dahil sa wakas, nagkatotoo na yung nasa isip ko lang noon.

And now that he's offering me, bakit pa ako magpapakipot?

"Do you want to.. set a rules or something?" Wika ko kalaunang habang lumalagok ng wine.

Kinuha niya sa akin yun at tumungga din. Nakakalahati na ang laman at malapit ng maubos.

"Hmm, let see." Aniya bago ibigay sa akin ang wine na kinuha ko naman. "I have only one rule."

"Ano yun?"

"The same that you told me earlier. No dates to other guys. No talk to other guys unless if it's important. Mabilis akong magselos."

Hindi ko mapigilang matawa sa mga kondisyon niya. Akalain mo nga naman oh. Sa kanya ko pa talaga narinig ang salitang selos.

"Same here." Tugon ko na lang sa kawalan ng salita.

Alam ko namang nakuha niya ang point ko. As if naman na may ide-date akong iba maliban sa kanya.

I like him. And I'm not sure if this feeling of mine will stop.

Bigla akong natawa ng may maisip ako. Nakagat ko pa ang aking labi para pigilan pang tumawa.

"What's funny?"

Napalingon ako sa kanya nang tanungin niya yun. Umayos ako ng upo saka umusog palapit sa kanya.

"I'm just thinking. Nagpaplano na tayo ng kasal at anak pero hindi nga natin alam kung anong status natin."

I look at his eyes directly when I said those words. Preskong-presko pa kaming nag-uusap tungkol sa kasal but in the first place wala naman talagang kami.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now