Chapter 01

153K 6.9K 3.9K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY01 Chapter 01

"Third date niyo na, right? So... kamusta?" Niles asked, wiggling her brows in the process.

"Huh?" tanong ko habang mine-make-sure na perfect iyong makeup ko.

"I mean is he good?" she asked with a grin.

"Kapag ako nagtatanong sa sex life niyo ni Marcus, nagwo-walkout ka? Tapos kapal ng mukha mong magtanong ngayon?" I asked and she just rolled her eyes.

"Duh, hindi naman kasi talaga ako nagkukwento ng ganon. Ikaw naman 'yung laging nagshe-share nung ganon kahit hindi ako nagtatanong," she explained. "So? Kamusta?"

Hindi ako sumagot. I instead stared at the 3 lipsticks in front of me. Ano ba'ng shade ang maganda? Iyong alluring pero hindi masyado? Iyong sakto lang?

"So? Julienne? Ano na?"

"Secret."

"Incapable ka kaya sa pagtatago ng secret kapag ganon."

"Well, malay mo ba na changed person na siguro ako."

"In 3 weeks, changed person? Asa ka pa."

"Hater."

"Dali na kasi," she said, groaning. "Gusto ko ng chismis ngayon."

"Kulang pa ba ang ginagawa natin dito sa ospital at bored ka pa rin?"

"Ano na nga kasi? Daming sinasabi," she said. "3rd date niyo na so malamang sa malamang—"

"Walang nangyayari, okay?"

Her jaw dropped. I rolled my eyes. Ang OA!

"What?! For reals?!" she asked and I just nodded as I applied my nude lipstick. "What? Bakit? Paano? Huh?!"

"Gago ka ba? Feeling mo nakikipagsex ako sa lahat ng nakaka-date ko?" She nodded. My lips parted. "Gago."

She blinked her eyes in disbelief. "E lagi ka kasing nagkukwento!"

"Syempre ang sinasabi ko lang sa 'yo kapag okay iyong date—e hindi naman lahat ng date okay. Saka tingin mo sa 'kin tahong? Bubuka kapag nainitan?"

Agad na namula ang mukha niya. "Ano ba, Yanyan!"

I rolled my eyes. "Arte."

She cleared her throat. "Pero... seriously, what's happening?" she asked, sounding much more serious this time. "Nung huli kitang naka-usap talaga, nung birthday pa ni Nini. Bigla kang nagpakilala kay Levi. Tapos lagi kang busy. Tapos ngayon, ito? What's happening?"

Hindi agad ako sumagot sa kanya. I finished applying subtle highlighter on my face. Hindi ko na kailangan ng contour dahil grabe na ang jawline ko. Dahil talaga 'to sa hindi na ako nakaka-kain nang maayos na pagkain simula nang pumasok ako sa nursing. Puro stress! Dati napaka-linis kong tao... 'Di ko alam kung saang parte ng buhay ko ako nagsimulang mag-iba ng landas.

"Nothing's happening," sabi ko kay Niles. I looked at my reflection once again. Perfect. Sobrang subtle ng makeup lang. Nanood pa ako ng tutorial para sa no makeup makeup look na 'to.

"But?" she asked.

"But... I think kaya lagi akong na-da-dump before ay dahil na rin fault ko—"

"I told you it's better—"

"To wait for the perfect guy?" I asked, cutting her off. "He is the perfect guy, Niles. Seriously. Nung una, I thought he was just hot—but he's also smart and a very good conversationalist. I just really like him. And I thought that if I acted like how I acted in my past relationships, maybe I'd scare him away..."

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Where stories live. Discover now