Naramdaman ko nalang ang hininga niya sa leeg ko. Sa mga oras na ito nagsitayuan na ang balahibo ko sa batok. Hindi nadin maganda ang tibok ng puso ko.

"I can hear your heartbeat" sabay tawa niya.

"So?" Maarteng sabi ko. Inisin ba naman ako.

"Nah. I just love you" sabi niya.

Nasa ganun na posisyon kami at kanina ko pa napapansin na may nakatingin samin. Nilibot ko ang tingin ko. Nakita ko si Bea na masama ang tingin sakin. Problema nitong babae to?

"kanina may lumapit sakin na students. Sabi niya gusto niya daw kumunta sa gabing ito. May pag aalayan daw siya ng kanta. Let's welcome Drake Natividad" sabi nung Science teacher namin.

"Para sayo to" sabay kindat niya sakin at tumayo.

Pumunta sa harap si Drake at kinuha ang gitara. Ang mga babae naman na kasama namin ay nagbubulungan. Yung iba ay kinikilig.

"Ako yata yung sinasabi."

"Gaga ako yun. Ako yung special someone niya"

"Mga timang ako yun. May lihim kaming relasyon ni Drake"

"Mga hindot ako yun kasi."

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga babae. Sorry sila pero para sakin ang kantang yan. Pati si Amanda ay may malokong tingin sakin at nakanguso kay Drake. Nag heart shape pa siya gamit kamay niya.

"So good evening sa lahat. Itong kanta na ito ay para sa babaeng napaka special sa buhay ko. Makinig ka ng mabuti para sayo to" sabi ni Drake at nakatingin sakin.

~Gusto kita
Sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga
Pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa
Parang alipin mo ang isip at
Damdamin ko

Gusto kita
Pagkat ang kilos mo'y
Sadyang ibang-iba
Mahinhin at malambing pa
Kataingang di mo sadya
Pag-ibig kong ito'y hindi na
Magbabago pa~

Si Drake ang nasa tabi ko nung nasa stage ako na nasaktan ako ng sobra. Siya ang dumamay sakin. Ginawa niya lahat lahat mapasaya lang ako.

~Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo
Kung pag-ibig lang ang pag-uusapan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sa'yo
Sa akin ay gusto kita

Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo
Kung pag-ibig lang ang pag-uusapan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin mo sa'yo
Sa akin ay gusto kita~

Minsan pumupunta siya sa bahay para lang hatiran ako ng pagkain. Nagjojoke siya minsan kahit di nakakatawa. Those little things that he do just to make me happy.

~Gusto kita
Pagkat ang kilos mo'y
Sadyang ibang-iba
Mahinhin at malambing pa
Kataingang di mo sadya
Pag-ibig kong ito'y hindi na
Magbabago pa

Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo
Kung pag-ibig lang ang pag-uusapan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sa 'yo
Sa akin ay gusto kita~

Napaka swerte ko kay Drake. Habang tinitignan ko siya ngayun na kumakanta at nakatingin sakin. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya.

~Kahit sabihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo
Kung pag-ibig lang ang pag-uusapan
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sa'yo
Sa akin ay gusto kita

Gusto kita~

Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos kumanta ni Drake. Nagsi bulungan ang iba. Sino ba daw ang kinantahan ni Drake.

"Galing mo palang kumanta. Ganda ng boses mo" sabi ko sa kanya.

Nasa tabi ko na siya at nilalaro ang kamay ko. Minamasahe niya ito. Wala yata siyang magawa sa buhay.

"Para yun sayo Ariane. Di ako mapapagod sayo Ariane. Hihintayin kita......hihintayin kita hanggang sa pwede kana." sabay halik niya sa gilid ng ulo ko.

"Mukhang alam na natin kung para kanino ang kantang yun. Napaka ganda naman ng boses mo Natividad. Sa mga nagbubulungan jan mukhang wala na kayong chance kay Mr.Natividad. Pano ba yan Ariane Mendoza mukhang tinamaan si Drake sayo." sabi nang Teacher namin.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Maam. Siguro sa mga oras nato pula pa sa kamatis ang mukha ko. Inaasar na kami ng mga kasamahan namin. Habang si Drake nakangiti lang at nilalaro ang kamay ko.

Napatitig ako kay Drake. Kung iisipin na kay Drake na ang lahat boyfriend material kung baga.

"Sige magsi kilos na kayo at matulog na maaga pa tayo bukas." Sabi nung Teacher namin.

Nagsitayuan na kami para bumalik sa tent namin. Hinatid kami ni Drake papunta sa tent.

"Good night Drake" sabi ko at hindi pa niya binibitawan ang kamay ko

"Ariane lage mong tandaan andito lang ako. Ayoko na umiyak ka ulit. Sige na matulog kana. Dream on me my love." hinalikan na naman niya ako sa pisngi bago umalis.

"Ikaw girl ah. Sagutin mo na kasi. Alam mo ba kanina na andaming nagkandarapa kay Drake. Nung nalaman nilang para sayo ang kanta na kinanta niya. Parang pinagsakluban ang mga mukha ng babae. Mga inggit ang mga animal" sabi ni Amanda.

"Amanda natatakot ako" napayuko nalang ako.

"Ano namang ikana tatakot mo? Si Drake yung ideal na boyfriend Material girl. Gumising ka nga nalampasan niya ang ginawa ni Leo nung kayo pa"

"Amanda natatakot ako masaktan ulit. Pano pag sa huli umiyak na naman ako? Pano pag sa huli ako na naman ang talo?"

"Girl, Masaya ka naman na kasama mo si Drake di ba? Wag ka mangamba. Alam ko di ka pababayaan ni Drake. Si Drake pa ba? Halos ginawa na ang lahat maging masaya ka lang"

Tama si Amanda. Ilang linggo na din akong sinusuyo ni Drake. Alam ko naman sa sarili ko na may nararamdaman na din ako kay Drake. Halos lahat naman siguro ng babae. Yung bang mapapatanong ka minsan sa sarili mo na, pwede pa ba ako magtiwala ulit? Lalo na at ngayun pa lang ako nakaranas na masaktan.

"Oi girl. Sagutin mo na kasi si Drake. It's time na girl. Anong pa bang hinihintay mo? Pasko o bagong taon?" Naka 360 degrees ang pag ikot ng mata ni Amanda sakin.

"Paano ko naman sasabihin sa kanya?"

"Ay hala ang gaga mo. Malamang sabihin mo oo. Diba pupunta kayo buong pamilya niya at pamilya mo sa isang bakasyon. Bakit di mo siya sagutin dun" sabi ni Amanda.

Siguro nga doon ko nalang sasagutin si Drake. Siguro tama na din ang masaktan pa. Baka naman sa ngayun pwede ko na buksan ulit ang puso ko para magmahal ulit.

Baka naman Drake.

CLOSE TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon