CHAPTER 27: WHERE

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinundan niya ang mga nurses hanggang sa dalhin na nga nila si Y sa isang kwarto at nilagyan nila ito ng dextrose at oxygen sa ilong. He's sure that X will be devastated when he see his younger sister that is in this kind of state. Nang makaalis ang mga nurse ay umupo siya sa sofa na nandoon at sinilip ang cellphone. It's only 9:30 am in the morning. He also got a text from Warren and X and he opened it both.

From: Boss Warren
Darius Velasco is already in my property. How's nurse Y?

To: Boss Warren
She's still unconscious and the doctor told me that it may be because of her leukemia. Please tell to our people specially those people who saw her fainted to shut their mouth up. I don't want Trevor to know what happened to Y. Baka maging malaking gulo na naman Boss Warren.

Hinintay muna niya na magtext back si Warren bago niya binasa ang text naman sa kanya ng kapatid ni Y.

From: Boss Warren
Got it Liam. Ako na ang bahala sa kanila. Natawagan ko na si Seindra tungkol sa nangyari sa kanya pero tawagan mo pa rin dahil ikaw ang makakapagsabi ng mas maliwanag dahil ikaw ang kasama ni Y diyan sa hospital.

From: X
I'm already here at the airport.

Ilang minuto na rin simula ng magtext sa kanya si X kaya sa tingin niya ay nakasakay na ito sa eroplano. Kaya naman sa halip na itext niya ito pabalik ay sa social media account nito siya nagmessage para kahit nasa flight na ito ay mabasa na nito ang message niya dahil may wifi naman sa eroplano. Ayaw niyang mapuno ng pag-aalala si X habang lulan ito ng eroplano papunta rito sa Australia.

To: X
The doctor get some test from her. She's still unconscious but we're already here in a private room. We'll wait you here.

Pagkatapos niyang isend kay X ang message niya ay si Lady Boss naman niya ang tinawagan niya.

"Kamusta si nurse Y? Papupuntahin ko na ba riyan ang private plane ko para maiuwi na siya rito sa Pilipinas?" Puno ng pag-aalala na sabi nito.

"Papunta na rito ang kapatid niya Lady Boss. Saka hindi pa lumalabas ang mga test na kinuha ng doktor sa kanya kaya wala pang go signal kung pwede na nga siyang umuwi sa Pilipinas." Sabay tingin ni Liam kay Y na wala pa ring malay.

"Nasaan na ba kayong dalawa? Nasabi na sa akin ni Warren ang pinaka nangyari. Nahuli naman na natin si Darius kaya bukas din ay pwede ng bumalik ang team natin sa Pilipinas."

"Katatransfer lang kay Y dito sa private room Lady Boss. Sa tantya ko ay mga 7 ng gabi ay nandito na ang kapatid niya. Kung uuwi na bukas ang team sabihin mo lang agad sa akin para maasikaso ko sila." Sagot naman ni Liam pabalik sa boss niya.

"Oh just focus on nurse Y. Tulungan mo ang kapatid niya na asikasuhin siya lalo na at malala na pala ang lagay niya. Wala pa naman kayo rito sa Pilipinas. Kung kakailanganin ang helicopter nandito lang naman sa Camp-O. Si Warren na ang bahala sa team natin pauwi. Ang alam ko ay sasama naman siya pauwi dahil dala-dala nila si Darius pabalik. Mag-ingat kayo riyan. Ibababa ko na 'to." Mahabang litanya naman ng boss nito sa tawag.

"Noted Lady Boss."

"Okay. I'll call again for updates." Pagkatapos non ay tinapos na rin ng boss niya ang tawag.

Trevor's POV
Isang araw mahigit ng hindi umuuwi si Y at Liam dito sa mansyon kung saan kami tumutuloy. Tinipon na rin kami kanina ni Boss Warren pagkatapos ng agahan na mamayang gabi ay aalis na kami pabalik sa Pilipinas. Ang daming pumapasok sa isip ko kung ano na ang ginagawa ng dalawa na 'yon.

Kahapon maaga rin namang nakabalik ang team galing sa misyon dala ang lalaki na nagngangalang Darius. Napansin ko na agad na wala si Y at Liam kahapon pero hindi ko na lang pinansin dahil baka naglibot lang dito sa Australia at babalik din kinagabihan. Pero sumapit na ang panibagong araw at nakapag-agahan na kami ng team ay wala pa rin ang dalawa.

Love Me Back (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon