Chapter 03

131K 6.1K 1.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY03 Chapter 03

"Malandi ka talaga."

"Kailan ba ako nagdeny?" naka-irap na sagot ko kay Niles matapos agawin iyong hawak niya na iced coffee.

"Hey!" angal niya.

"I need this more," I said as I sipped.

"Sa sasakyan talaga, Yanyan? 'Di ka ba natatakot na makulong kayo ni Levi? My god!" sabi ni Niles na para bang na-eskandalo siya. Grabe naman! As if naman magsesex kami ni Levi sa sasakyan na naka-park sa harap ng hospital! 'Di pa naman ako nasisiraan ng ulo, noh. Mahal ko ang trabaho ko.

"Napaka-bastos ng utak mo, alam mo 'yun?"

"E ano'ng ginagawa niyo sa sasakyan? Binilang ko—mga 5 minutes na naka-park kayo 'dun."

Natawa ako. "5 minutes?" I asked and then laughed again. As if enough iyong 5 minutes! Sure, siguro sa dati kong ginagawa, keri na iyong 5 minutes basta mawala lang iyong stress. Pero kay Levi? Foreplay lang 'yang 5 minutes na 'yan. So ayoko talaga ng quickie kasi mababadtrip lang din ako pagkatapos.

"Ano ngang nangyari?" kulit ni Niles sa akin.

"Wala nga."

"Grabe, bakit naging mapagsikreto ka na, ha, Yanyan?"

"Dati ayaw mo nagku-kwento ako."

"Aba, dati 'yun."

"Masyado kang interested sa sex life ko, ha. 'Di ka ba binibigyan ni Marcus?" I asked and Niles' face reddened. 'Di pa rin nagbabago. May asawa at anak na e nahihiya pa rin sa ganitong topic!

"Busy si Marcus," she said.

"Lagi namang busy 'yun," I replied.

"Busy magalit kay Marian," sabi ni Niles.

"Sus, ano ba'ng bago doon?" I asked, shrugging. I met that brat a couple of times already. Nakaka-stress kausap iyong batang 'yun! 'Di mo alam kung saan nanggagaling iyong attitude! Masarap nga talagang iintubate para hindi na makapagsalita, e.

"Sasabihin ko sa 'yo pero sabihin mo muna sa akin ano meron sa inyo ni Levi."

I laughed. "As if naman interesado ako sa kadramahan ni Marian."

"Yanyan naman!" reklamo ni Niles na parang bata. Napa-tingin tuloy sa amin iyong ibang residents. Nagsorry lang si Niles. "Sabihin mo na kasi! Serious na ba? As in serious na? Kasi 2 months na kayong magkasama lagi!"

Medyo kumunot ang noo ko. "Really? 2 months na ba?"

She nodded. "Right? Ang tagal na! So, totoo na ba 'to? As in for reals?"

I was thinking about the answer that I'd give Niles. 2 months na pala kami ni Levi. He told me he likes me the first time we had sex. Then he was really sweet nung nagpanic ako right after dahil nalimutan namin na magcondom siya. I mean, gusto ko na talagang magka-anak and mabuntis, pero fan ako ng family planning, ano! Kaya nga ayoko nung rotation ko sa OB kasi na-stress talaga ako sa mga unplanned and unwanted pregnancies. Gusto kong pagalitan iyong mga kay babata na nabuntis, but at the same time, victim lang din naman sila ng sitwasyon.

Hassle ng life!

"Hopefully," I said.

"Have you met his friends?"

"Hindi pa."

"His family?"

"Hindi pa."

"Yanyan—"

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Where stories live. Discover now