Chapter 05

128K 5.8K 1.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY05 Chapter 05

"Julienne."

I stopped on my tracks and turned around para makita kung sino ang tumatawag sa pangalan ko. Bihira naman ang tumatawag sa akin ng ganon dahil usually ay Dr. Salvacion ako rito sa St. Matthew's o kaya naman ay Yanyan sa mga kaibigan ko. Magulang ko lang ata ang gumagamit ng pangalan ko na 'yun.

"Wh—"

Pero agad akong natigilan nang makita kong lola iyon ni Levi. Agad na nanlaki ang mga mata ko. I froze on the spot. My system went into panic. Mabilis kong inisip kung ano ba ang itsura ko ngayon. Ang huling tingin ko sa salamin ay nung umalis pa ako sa condo!

"Won't you come say hi?" tanong niya nang may ngiti sa mukha niya. I kept on blinking. Mahinang natawa ang matanda. "Did I scare you, Julienne, hija? I promise I don't bite."

Huminga ako nang malalim.

And then smiled.

"I'm sorry po, medyo nabigla lang," I replied. "May... check-up po kayo rito?" I asked.

She nodded. "Something like that."

"Kasama niyo po si Levi?"

"No, I think he has a flight," sagot niya. "Didn't he tell you?"

I smiled politely. "I don't ask him about his work that much po. I understand naman po na demanding iyong trabaho niya dahil demanding din naman po iyong trabaho ko."

Oh, my god.

Tama pa ba iyong mga sinasabi ko?!

"So, you're not scared? You know he's a pilot—constantly surrounded by beautiful ladies."

Pilit akong napa-tawa. I hugged the charts closer to my chest. "No, not really po. If he wants to go that way, that's his choice. Wala pong mamimilit dito."

It's so confusing, this thing I was doing. Minsan, totoo sa nararamdaman ko iyong sinasabi ko. Minsan, I was just telling things that I know Levi wanted to hear.

Nakaka-lito na talaga minsan.

Kagaya ngayon.

'Di ko alam kung totoo na ba kasi at one point, 'di naman talaga ako nagtatanong sa kanya. But on the other hand, kapag hindi ako busy ay napapa-isip naman talaga ako sa kung ano ang ginagawa niya.

"Very well," she replied. "Am I keeping you from something?"

"Hindi naman—" I said, but my pager vibrated. I looked at her and smiled apologetically. "Go," she said.

"May kasama po ba kayo?"

She nodded. "Yes. Hinanap lang kita."

Napaawang ang labi ko. "Bakit naman po?"

"I just wanna see you work. Levi told me you're fascinating to look at when you're working," she said. Hindi ko napigilan na mamula ang mukha ko. That guy! Medyo pa-cool kapag nasa harapan ko tapos ito pala at kinu-kwento ako sa lola niya! Kainis! Humanda siya sa akin kapag nagkita kami!

"San po ba iyong kasama niyo? Sasamahan ko na lang po kayo," I offered dahil syempre, matanda na siya. Delikado na nag-iikot siya mag-isa. Ang pasaway naman nitong si Lola!

She waved her hand in dismissal. "I'll be fine," she said with a warm smile. "Go be a doctor, hija."

I smiled, too. "Okay po..." sabi ko bago tumalikod at halos tumakbo papunta sa nurse's station.

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Where stories live. Discover now