Chapter 06

125K 6K 3.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY06 Chapter 06

"What..." Levi groaned nang hawiin ko iyong kurtina sa villa kaya naman pumasok iyong liwanag. Kanina pa ako gising. Naka-ligo na ako and ready na akong mag-ikot dito sa island! Grabe naman kasi siya! I thought when he said birthday salubong, like magdidinner kaming dalawa or what—malay ko ba na birthday putukan pala ang magaganap! Nasayang tuloy iyong first day namin! 'Di man lang ako naka-labas ng villa kahapon!

"Birthday boy, let's go! We need to explore!"

"What time is it?" he asked in a throaty voice. Ako nga dapat mapaos sa aming dalawa dahil sa pagsigaw-sigaw ko kagabi!

"9 am na."

Inabot niya iyong unan at tinakpan iyong mukha niya. "2 more hours," he said.

"Levi, please," sabi ko. "I wanna go around..."

Hindi ako pinansin! Kainis!

Kinuha ko na lang iyong susi and wallet and phone ko. Bahala siya d'yan. Ang ganda-ganda dito tapos sa villa lang kami? E siya siguro nandito palagi. First time ko, e. Syempre gusto kong umikut-ikot.

I had breakfast alone. Wala namang problema sa akin. Sanay naman akong kumain mag-isa, and minsan nga preferred ko pa 'yun. Sa trabaho kasi ay laging may naka-paligid na tao sa akin, so whenever there's an opportunity to find peace and quiet, I'd gladly take it.

After breakfast—I badly wanted to eat rice kaso ay pinigilan ko talaga ang sarili ko dahil kailangan ko pang magbikini buong araw—dumiretso ako sa beach. I wanna bum around all day! Gusto ko talagang magpa-tan ngayon! Hmp! Bahala si Levi d'yan.

I plopped myself on the sun lounger, and closed my eyes to relax. Buti na lang walang masyadong tao ngayon. Feel kong matulog muna rito. Wala naman sigurong magnanakaw dito!

I immediately fell asleep. Halos 3 hours pa lang din kasi ang tulog ko. Every time I'd tell Levi na inaantok na ako, sasabihin niya sa akin na birthday niya. Tsk. Talent din magpa-awa! Ayan tuloy 'di kami naka-alis-alis sa villa na 'yun. Sayang talaga iyong isang araw!

When I heard voices, I opened my eyes. Nakita ko na may isang batang naka-sakay sa puting kabayo. May lalaki na nag-a-assist sa kanya. Pwedeng magganon dito?! Dapat talaga kumuha ako ng brochure, e! Gusto kong sulitin lahat ng amenities dito!

Sat on the lounger and looked around para makita kung saan nanggaling iyong kabayo. But even before I could ask around, I heard someone talking.

"Looking for the horses?"

"Yeah," I replied, my forehead creasing a little dahil parang familiar iyong lalaki.

"Ilya," he replied. My forehead was still creased. "I think we were introduced before by Marcus."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Right! Siya iyong nakita ko nung kasal nina Marcus and Niles, but then again hindi natuloy iyong landian namin kasi bumalik ako sa hospital.

"Right..." I said. "So, about the horses?"

Tumawa siya. "It's in The Stables."

Kumunot ang noo ko. "The Stables?"

"Julienne."

Agad na napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses. Wow, gising na siya! Himala! Akala ko e buong araw siyang matutulog sa villa.

"Levi—"

"You didn't wait for me," he said instead, cutting me off.

"Tagal mong gumising," I replied. "Do you know where the horses are?" I asked. Wala namang masyadong tao rito. 'Di naman siguro ako mauubusan ng kabayo.

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon