Kabanata 19

10.2K 222 3
                                    

''Thank you'' aniko at ibinigay ang Dress ng isa kong customer.

Pagktapos kong ibigay ito ay bumalik na ako sa pagkakaupo. Hinilot ko ang aking sintido, nahihilo ako dahil sa init kanina. Galing kasi ako sa school nina Hazel. Sais ordered me to file a transfer form for my two daughters. Napag-usapan na namin iyong tatlo. Ako si Lauro at si Sais. 

Lauro also agreed for Sais conditions na duon kami sa bahay nito mananatili pero sa oras na gumaling na si Hazel ay babalik ulit kami kay Lauro. Napag-usapan din namin na kada summer lang ang mga anak ko kay Sais. Kapag may pasok ay dito sa akin para maalagaan sila.

''Are you okay, Ma'am?''

Napatingin ako sa secretary kong si Althea. Nginitian ko siya at tinguan.

''I'm okay, napagod lang ata ako dahil sa kakalakad'' sabi ko sa kanya habang hinihilot parin ang sentido ko. Nakita kong may inilapag itong mainit na tubig at pagkain.

Napahinto ako sa paghilot ng sentido ko at napatingin sa kanya.

I frowned. Wala naman akong inutos ah...

''Kanino 'to galing?'' tanong ko at umayos ng upo. I reached for the coffee. Mainit pa at mukhang bagong bili pa.

Tinuro ni Althea ang labas. May nakita akong kotse duon na naaparada sa harap ng store namin.

''Mr. Velasquez gave it to me, Ma'am. Hindi mo lang napansin kasi busy ka sa customer natin.'' sabi niya. Hindi ko alam kung bakit napatayo kaagad ako. ''Diba si Mr. Velasquez iyong Billionaire, Ma'am? Diba kasali siya sa Billionaires Club? Ma'am palagi silang nasa magazine.'' mahabang sabi ni Althea habang kinikilig. Ako naman ay tumakbo papalabas ng Store pero bago pa ako nakalabas ay umalis na ang kotse.

Natigil ako paglabas ng store at tinignan nalang ang papalayong kotse. Magpapasalamat lang sana ako...

Buong hapon akong nasa Store at syempre kinain ko ang pagkain na ibinigay ni Sais. Masama naman kung tanggihan ko. Nang dumilim na ang labas ay inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas. Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. I headed to the Hospital immediately.

Pagpasok ko sa kwarto ni Hazel ay nakita ko kaagad si Sais nasa tabi ni Hazel. Natutulog ang anak ko. Mahina akong tumikhim at lumapit sa sofa. Tahimik lang si Sais at ako naman ay inilalapag ang aking bag at ang lunch box na pinaglagyan kanina ng pagkain. 

Nakatalikod ako sa anak ko at kay Sais. Huminga ako ng malalim at humarap ulit sa kanila. Pinagmamasdan lang ni Sais si Hazel na natutulog.

Lumapit ako sa kanya. Naagaw ko naman kaagad ang atensiyon niya. Napatingala siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Tumibok kaagad ang puso ko. Gustong batukan ang sarili ko.

Ano ba itong nararamdaman ko? May asawa at mga anak na ako.

''Ahm...'' Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Tinaasan niya ako ng tingin. ''What?'' tanong niya sa akin. Naghihintay sa isasagot ko.

Inilahad ko sa kanya ang Lunch box. ''Thank you for the food. Hindi ka na sana nag-abala'' nahihiya kong sabi sa kanya. Tinignan niya ang lunch box ng ilang segundo bago kinuha sa kamay ko.

''You shouldn't be thankful. I did it for my daughter. Hazel and Issa told me the same thing, hindi ka daw kumakain ng lunch. Why?'' biglang tanong niya sa akin. Nabigla ako kasi ngayon lang niya ako kinausap ng matino. ''Hindi ka ba hinahatiran ng Lunch ni Lauro? Your husband?'' mapanuri niya pang tanong.

Nakaramdam ako ng insulto, kasi pakiramdam ko iniinsulto niya ang asawa ko.

''He's a doctor. Hindi niya kaya'' I defend on behalf of my husband.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon