Halata na napako ang mga mata ni Misty sa Lougn Academy. Halatang namamangha ito.

"I haven't seen anything like this before. It's so... magical." - Misty

"Ang ganda ano?" nakangiting tanong naman ni Rocky. Ngunit maya maya lang ay kumislap ang mata nito at biglang nag bright green.

"She's calling us all." tulalang sambit ni Rocky habang ganoon pa rin ang mata nito.

"Okay, now quick Brine!" utos ko sa alaga kong si Brine na sinasakyan namin ngayon.

Alam na naming lahat na si Headmaster Imelda 'yon kaya naman nag madali kaming maglakbay patungong White Lougn Academy.


Ilang sandali pa ay narating na namin ang bungad na bahagi ng Academy, nasa tapat kami ng malalaking golden gates nito. Kailangan na naming mag madali dahil baka may magtangka na naman kay Misty rito.

Bago kami makapasok ay kailangan naming itapat ang aming mga palad sa screen na katabi ng gate. Para lang itong fingerprint sensor, ang kaibahan lang ay ginagamit ito upang mapatunayan kung ikaw ay talaga bang may White Lougn at may ID sa academy. Lahat kami ay isa isang itinapat ang mga palad doon.

Hinarap ko si Misty at kinausap tungkol sa magiging proseso ng access nya.

"Itatapat mo lang ang palad mo roon para maidentify ang access mo." nang magclear iyon ay agad kaming pumasok sa loob.

Isinara naman ng maayos nila Cast ang barrier at lahat ng portal. Nilagyan nya iyon ng spell para dagdag proteksyon. Proteksyon sa mga masasamang loob.

"Misty tara na." She preferred na tawagin syang Misty dahil hindi raw sya sanay sa Luna at ipinipilit nya pa ring hindi sya 'yon.

Alam kong nagdadalawang isip pa rin sya kung sasama ba sya sa amin pero wala rin syang ibang pamimilian kung kaya' t sumunod na rin ito.

Binabagtas namin ang hallway patungong Headmaster's Office nang biglang lumapit ang hinihingal na si Sir Mag (Magnitude)

"Thank goodness at nakita ko kayo, I need your help!"

Agad naming sinundan si Sir Mag dahil sobrang emergency daw. Apat kaming nagpunta sa kinaroroonan ng sinasabi ni Sir Mag at iniwan muna namin si Misty kasama si Ice. Binilinan ko naman sya na sya muna ang bahala rito at samahan nya sa HO. (Headmaster's Office)

Nang marating namin ang sinasabi ni Sir Mag ay laking gulat na lamang namin ng makita namin ang kapatid ni Flame na nasa loob ng nagliliyab na ring of fire.

"Hindi pa nya makontrol ng ayos ang Lougn nya, nang makaramdam sya ng galit o inis ay bigla na lamang may kumawalang apoy sa kamay nya at malapit na nyang masunog ang buong silid! Mabuti na lamang at nakalikas na ang karamihan sa mga estudyante."

Naaalarmang paliwanag ni Sir Mag. Alam naming hindi nya kayang pahintuin o puksain ang apoy na ipinapakawalan ni Fric dahil hindi sakop ni Sir Mag ang lougn nito.

Napalingon naman ako kay Flame na halos mag baga ang mga mata nito sa galit.

"Chill, bata pa ang kapatid mo at nalilito pa." pananaway ko sakanya, short tempered kasi talaga tong si Flame.

Nagpagapang ako ng tubig sa sahig at iilang parteng halos lamunin na ng apoy, iilang sandali pa ay napuksa na ito lahat at nahihiyang lumabas si Fric.


"S-sorry po, S-sir Mag. It won't happen again." paumanhin nito. Galit syang nilingon ni Flame atsaka nagmartsang umalis.


Nagkatinginan na lamang kami nila Rocky at Wendy. As usual, away ang kahihinatnan nyan.




Meanwhile otw to Headmaster's Office

Misty's POV

Mahaba haba na ang nalakad namin ngunit hindi pa rin kami humihinto. Grabe ang laki pala ng mga building dito sa academy ang hahaba rin ng mga hallway.

Maya maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang malaking pintuan. Seryoso, ang laki talaga ng pintuan. Para syang 1st to 2nd floor, ganoon kataas.



"I can't go inside, ikaw lang ang kailangan nyang makausap." ngayon lang nagsalita si Ice sa buong paglalakad namin.


"A-ah? Sino ba ang naririto?" nagsasalita pa ako ngunit paglingon ko ay wala na si Ice. Sinipat ko rin ang napakahabang hallway ngunit wala na rin sya roon.



Do I have to knock?




Napagdesisyunan kong wag nang kumatok at pumasok na ako.



Books.



Full of books.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

World Untold Where stories live. Discover now