Chapter 09

125K 5.6K 2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY09 Chapter 09

"Fine. One question," I told Niles na kanina pa naka-titig sa akin. For a week, I managed to dodge every question na tinatanong niya sa akin about Levi. The week before, hindi naman siya nagtatanong dahil wala rin naman akong sinasabi. Ayoko lang sabihin habang hindi pa ako totally over dahil malamang sa malaman, ita-trashtalk ko lang si Levi. And I didn't want to put her in an awkward position dahil friend ni Marcus si Levi.

Minsan talaga peste talaga 'yang mga lalaki na 'yan, e. Pagkatapos ng sarap, puro sakit binibigay.

"Are you okay?" she asked carefully like I was some fragile doll.

"Not yet, but I'll be fine soon."

"You want to stay sa bahay namin? Maybe Nini can help you," she offered. The thought of my very cute inaanak was so tempting. Nakaka-wala ng pagod 'yung batang 'yun! Napaka-cute talaga. Sadly, mukhang on the way na ako sa pagiging cat lady.

Maybe I needed to buy a cat already.

Para at least ngayon pa lang, ma-train ko na siya.

"Thanks for the offer, but may lakad ako next week."

"Ha? Saan?"

"Remember 'yung research ko na sinasabi ko sa 'yo before?" I asked and she nodded. Of course hindi niya malilimutan iyon dahil sobrang binida ko sa kanya iyong research ko. 'Di naman kasi ako sobrang ma-research na tao, but I was so interested in the topic so I really put in a lot of work there. "I submitted those before and I received an email few weeks ago about the possibility of me presenting sa isang conference."

"That's great! Saan? And pwede bang pumunta?"

"South Korea," I answered. "And I'm not sure kung makaka-alis ka dito."

"What? Ang exciting naman! So proud of you!" she said. Mabuti na lang mukhang na-distract siya sa usapang Levi. Sa totoo lang, ayoko siyang pag-usapan. Balak ko ngang magpanggap na lang kay Niles na namatay na si Levi, pero asa naman kasi friend din nila. Ang gulo rin naman kasi nitong si Levi! Nagtanong pa kay Marcus tungkol sa akin, ayan tuloy nalaman pa ni Niles. Paka-chismoso nitong si Nicolas, e.

"Hindi ako magbabakasyon 'dun, gaga," sabi ko sa kanya dahil kulang na lang ata ay maglista siya ng mga pinapa-bili niyang skin care. Dami-daming pera ng asawa niya, e! Ayaw doon magpa-bili!

"Sige na. Grabe naman 'to. Parang others."

"Magpe-present ako ng research 'dun."

"Buong araw ka ba magpe-present?"

Napa-irap ako. "Fine. Pero 3 items lang."

Umirap din siya. "Fine. Sasabihin ko kapag napag-isipan ko na kung ano," sabi niya na parang masama pa ang loob. Sarap saktan nito. Ang demanding, ha. Pasalamat siya cute si Nini.

I resumed eating. Kailangan ko pang magbasa ng case study and lumabas lang ako sa lib para kumain dahil nagugutom na ako. Nasaktuhan naman ako ni Niles na nandito.

"Si Levi," she said.

I rolled my eyes. "Levi na naman."

"E 'di mo pa kasi kinu-kwento talaga! Maybe you need to tell the story? Malay mo maka-bawas sa dinadala mo."

"Dina-dala ka d'yan. I'm not some teenager na first time maka-ranas ng heartbreak—"

"Heartbreak! Aha! So mahal mo nga?"

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Where stories live. Discover now