Chapter 13

120K 5.7K 1.8K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY13 Chapter 13

"Is there anything you need, Ma'am?"

Hindi ko alam kung anong oras na, pero madilim na rito sa loob ng eroplano dahil naka-patay na iyong mga ilaw. Most of the other passengers were already fast asleep, pero meron namang iba na gising pa at mukhang nagta-trabaho sa mga laptop nila.

At heto ako na kanina pa nagdedecide kung pwede na ba akong pumunta sa CR! Kanina kasi ay pumunta ako pero mabilis akong napa-atras at napa-balik sa upuan ko nang makita ko si Levi na nandoon at may kausap na flight attendant.

I squinted.

Aha.

Siya iyong kausap ni Levi kanina!

I tried to ignore it dahil paki ko ba? But my traitor eyes wouldn't stop looking at this very aesthetically pleasing woman before me. She's probably taller than me and she's very morena kumpara sa akin na malapit ng maging si Casper the ghost sa sobrang putla dahil laging nasa loob ng ospital.

She also had this warm smile on my face—contrary to the permanent sneer on mine.

Ugh. Why was I comparing myself to her? Magka-iba naman kaming dalawa. Maganda siya, pero maganda rin naman ako. Pwede naman kaming maging magandang dalawa.

"I can go to the other CR, right?" I asked, instead.

"The other CR, Ma'am?" she asked, slightly confused.

"Yeah. Iyong nandun," sabi ko sabay turo doon sa CR sa economy section nitong eroplano. The flight attendant—Athena, as indicated in her nameplate—nodded kahit nagtataka siya na kung bakit ba pupunta pa ako roon e may CR naman rito sa first class.

Quickly, I went to the CR dahil kanina pa talaga ako ihing-ihi! Ka-stress! Kanina pa dapat ako natutulog, e. Ni hindi ko na-enjoy iyong mga masasarap na pagkain na sine-serve sa akin. Panay alak lang ang hinihingi ko simula nung marinig ko na si Levi ang captain sa flight, tapos bigla ko naman siyang nakita sa CR.

This vacation... ka-stress!

Pagdating ko sa CR, it was occupied. Swerte ko naman na pati iyong nasa kabilang side ay occupied din! But my bladder was really full and I needed to pee already! Madilim naman so mabilis akong pumunta sa CR sa first class. Bahala na nga!

"Oh, thank god," I said when I finally got to pee. Bakasyon na lang ay magkaka-UTI pa yata ako. Upon finishing, I washed my hands. And when I was about to open the door para lumabas, agad kong naisara ulit iyon nang marinig ko ang pamilya na boses na iyon.

"Anything you need, Cap?" rinig kong tanong nung Athena. Great. Silang dalawa na naman ang magka-usap. Wala bang ibang flight attendant dito?

"Anything you have plus water, please?" sagot ni Levi. Gusto kong sumilip kaya naman medyo finold ko iyong pintuan at nakita ko si Levi na naka-tayo roon habang si Athena ay hina-handa iyong pagkain para ilagay sa microwave. I couldn't help but roll my eyes kasi ang cute nilang tignan. Nilandi rin kaya siya ni Levi? Lahat kaya ng flight attendant sa sasakyan na ito ay nilandi niya?

So many questions that I shouldn't even be asking in the first place!

"Belated happy birthday," sabi ni Levi.

"Thanks, Cap. 'Di ka pumunta."

Levi laughed. "Sorry. I was busy. Bawi ako. What do you want?"

"Date nga, Cap."

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Where stories live. Discover now