Nang makita ni petra na nakalusot na si shelly ay agad itong sumunod.

Takot na takot si shelly na yumakap kay aslan at patuloy na umiiyak at nagpapahupa ng takot at kaba sa yakap ni aslan.

“kita mo na.nakalabas ka na.hindi kita pababayaan.kahit anong mangyari.makakalabas ka.kaya hindi ka dapat matakot hanggat nandito ako.”sabi ni aslan.

Mayamaya pa ay si petra naman ang nakalabas.

“Ate mag iingat ka.wag ka masyadong aatras at mahuhulog ka sa kumunoy.”sabi ni aslan.

“wooow!!.kumunoy na pala to.buti napigil mo ko.”sabi ni petra.

“kailangan natin akyatin ito.malamang na nandoon sa taas ang daan.
Kaya mo na ba shelly.”sabi ni aslan.

“oo pasensya na.kaya ko na to.kahit anong gawin ko hindi ko talaga kaya ang masisikip.”sabi ni shelly.

Maingat nilang inakyat ang hagdan paakyat sa gilid ng paikot na butas.papataas ito ng papataas na parang isang tore.
Ngunit bago sila makarating sa itas kung saan naroon ang lagusan ay biglang lumabas ang tremoir(level 130),isa itong dambubalang bulate na nainirahan sa ilalim ng kumunoy.

“halimaw !!!.”sigaw ni shelly.

“ina ko po,malaking halimaw”sabi ni petra.
“takbo bilis!.bilisan nyo!!..”sigaw ni aslan.

Agad ginamit ni aslan ang kanyang aserong sapot  at sinimulang harangan ang malawak na butas na kanilang nadaanan na upang mabating ang malaking tremoir na umaahon sa putik na parang inihulma sa malaking butas ng chamber na iyon.

Unang nakarating si shelly at petra.ngunit hindi agad nakasunod si aslan dahil abala sa pagkakalat ng sapot at kasalukuyang pinipigilan ang tremoir.

“aslan bilisan mo!!”sigaw ni shelly.

Dahil sa dami ng sapot na inihalang ni aslan sa butas ay bahagyang napigilan ang tremoir at nasasaktan ito sa maninipis na hibla ng matibay na sapot kayat napilitan na bumuga ng asido.

Tinamaan sa braso si aslan.
Kitang kita ni shelly kung paano umuusok at tinutunaw ng asido ang damit at armor ni aslan,inakala nyang tutunawin din ang balat nito kayat napasigaw ito.

“aslan!!!.ang braso mo natutunaw sa asido.”sabi ni shelly.

“Ayos lang ako.pumasok na kayo sa loob susunod na ako.”sabi ni aslan.

"Sira ka ba hindi mo ba nararamdaman!!!."sabi ni shelly.

"Oo nararamdaman ko,ako nang bahala,susunod ako."sabi ni aslan.

Isa isang pinipigtas ng tremoir ang sapot,ngunit bago nya abutin si aslan ay nakatalon ito sa loob ng lagusan.

“haaa montik na,bilisan nyo hindi pa tayo ligtas dito.bumubuga sya ng asido.bilis!!.”sabi ni aslan.

“yung braso mo.”sabi ni shelly.

“ayos lang ako,damit at armor ko lang ang natunaw nya.immune ang katawan ko sa asido.bilis na!!”sabi ni aslan.

Nagpatuloy sila da pagtakbo palayo sa lagusan.

“Malayo na tayo.pwede na siguro dito.grabe yun.buti nalang at malapit na tayo sa itaas bago lumabas yung halimaw.”sabi ni petra.

“nakakatakot yun.nakita nyo ba yung bibig nya,isang libong ipin yata ang laman ng bunganga nya.siguradong giniling tayo kung nakain nya tayo.”sabi ni shelly.

“natakot din ako.pero hindi pwedeng sumuko.ngayon ko nararamdam yung panginginig ng tuhod ko.”sabi ni aslan.

“Magpahinga na muna tayo,hindi rin natin alam kung anong palapag na tayo."
Agad na sinilip ni aslan ang mapa.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon