After less than half an hour of travel, I heard the speakers.

"Approaching Dasmariñas Aguinaldo-Camerino Station. Maari na pong maghanda ang mga pasahero sa paglapit sa mga pintuan. Maraming salamat at maligayang pasko." the singsong digital voice of an AI from the train command center spoke through the speakers.

Kasama ang ibang mga pasahero, lumapit na ako sa sliding doors ng bullet train nang tumigil ito sa pag-andar. A faint buzzer sound from the speakers rang and the sliding doors opened for us. Kaunti na lang ang mga tao sa train station. Pero maganda pa rin pagmasdan, dahil sa nakalutang na mga Christmas lights malapit sa railings ng second floor, at ang malaking Christmas tree sa gitna ng tiled na sahig ng bullet train station. May choir pa nga ng mga bata na kumakanta sa tabi nito.

Isang minuto lang ang nilakad ko mula sa train station at nakarating ako sa sakayan ng solar-trikes sa bandang labas.

"Sa San Jose lang po." saad ko sa driver at tinapat ko ang barcode na nasa glassphone ko sa scanner sa loob ng solar-trike.

As I sat down inside the small PUV, the driver drove the solar-trike smoothly across the empty streets. An image of a guy whose five years older than me appeared on my glassphone with the name "Nakatatandang Manong." It was my older brother, calling.

I whispered the word "Accept" on my glass-phone, and the call opened.

"Don't tell me, male-late ka din for Christmas Dinner?" he teased me as a greeting, and I sighed.

"Coming from someone in-game who's calling me right now."

"T-teka. Paano mo nalaman na in-game ako?"

"Kuya, rinig na rinig na kaya. Tsaka kailan ba 'yong huling time na nakita kong bumangon ka sa kama at tinanggal 'yong HyperDrop Console sa ulo mo? Malapit ka na namin kabitan ni Mama at Papa ng dextrose, at lagyan ng bulaklak 'yang bedside table mo."

Natawa ng malakas si Kuya sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Simula nang mauso ang unconscious hyper dive tech para sa virtual reality games, di na bumabangon sa kama si Kuya kakalaro. Babangon lang 'pag magwo-workout sa gym namin kasama ako, kakain, o kaya maliligo. Another occasion that he isn't playing, is when he's at work.

Pero ni ha ni ho sa parents namin at pati sa'kin, sa isang araw 'pag nandoon siya naglalaro? Wala. Bihira. Kaya nagulat ako at ginamit niya ngayon ang outside call function ng game na nilalaro niya.

"Oi. Kinamusta ko lang 'yong mga ka-guild ko. May ilalabas kasing bagong quest ngayong Christmas Eve. It's hard to miss the fun whe— heal the swordsmen unit! Mages, wait for our Guild Master's Command!" my brother yelled in the middle of our conversation. Probably yelled that to his teammate. Ugh.

"Malapit na ako sa bahay. Ikaw ang wag ma-late sa dinner. Bumangon ka na diyan at mag-logout!" I yelled at my glassphone's receiver and ended the call with a chuckle.

"Dito na lang po." I told the driver and he stopped at the corner where I pointed.

Pagpasok ko sa gate ng malaking residence, patakbo akong sinalubong ng aso naming di maawat sa kakadikit sa akin dahil di lang ako nakita ng isang buong araw. I walked on the Bermuda grass going straight to the house.

My cousins, uncles and aunties greeted me when I arrived. Nakita ko sina Mama at Papa na may kausap na mga kamag-anak sa gitna ng malaking living room. Dahil middle child si Papa sa siyam na magkakapatid na lalaki, may mga pinsan akong bata, o di kaya naman mas matatanda sa akin, na pilit akong kinakausap kahit todo iwas ako.

Just A HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon