Pinanuod niya akong ikabit ang aking hikaw, naglagay ako ng lipstick saka lumapit sa kaniya na nakaupo sa mat sa sahig, bahagya pa akong yumuko para pagpantay kami.

"Mama is leaving okay? Call Ate Hilda if you need anything. I will come back at three," wika ko sabay turo sa kusina kung nasaan ang kasambahay namin.

Bahagya kong ginulo ang magulo na niyang buhok na kaya mas lalo siyang napasimangot, natawa ako dahil doon. Hindi talaga siya morning person, sa tuwing umaga ay para siyang leon na mananakmal na lang.

Tumango siya sa sinabi ko. Hindi ko maiwasan mapatitig sa kaniyang pamilyar na mata. Kung puwede lang sana hindi ganyan ang mata mo anak, pero sinong niloko ko? Kahit itanggi ko ay halata unang tingin pa lang.

"Can you buy me the latest Rubrik's Perplexus?" Kumurap-kurap ang kaniyang mata matalim na mata, ang mahaba niyang pilik mata ay pumilantik sa pagkurap niya.

Noong nakaraan pa niya sa akin sinasabi ang bagay na iyan.

Bumuntong-hininga ako. "If you clean your room, hmm maybe?" pang-uuto ko.

He raised his brow. "Uh-huh, I don't like maybe Mama. The last time you said maybe, you didn't buy it po."

Natawa ako sa sinabi niya. "Because marami ka pa naman laruan po," ginaya ko ang kaniyang tono.

"Please, Mama? I'll clean my room. I'll help Ate Hilda cleaning and cooking. I promise I won't tell Daddy that you buy new bag last week," mabilis na wika niya animong nakikipag negosasyon pa sa akin.

Kinurot ko ang matambok niyang pisngi. "You can't manipulate me young boy, your Daddy knew I bought a new bag. Bumili ako kasi sira na 'yong luma ko hindi dahil gusto ko lang, kailangan natin magtipid. Okay?"

Nakakaintindi siya ng tagalog at nakakapagsalita rin, paano ba naman ay lahat ng kasama niya sa bahay ay nagtatagalog din.

Sandali siyang natahimik. "For our tickets to Philippines, right Mama?" Paninigurado niya.

Marahan akong tumango, hindi pa sigurado kung tama ang sagot ko. "Yes, tickets and foods. Kaya kailangan hindi tayo magastos. Kung gusto mo makauwi tayo roon."

"I have ipon, mama." Sabay turo niya sa alkansiyang baboy sa gilid ng telebisyon.

Parang sumikip ang puso ko sa sinabi niya. "Just keep your money, Azel." I kissed his lips. "I have to go, behave okay? Tumawag ka kapag may emergency."

He nodded.

Mabilis akong umalis sa bahay, ngayong anim na taon na siya ay hindi na maiwasan ang magtanong, bakit Filipino kami pero nakatira sa ibang bansa, bakit ganito, ganyan.

Last summer we told him about my Daddy. Na 'yong Lolo Daddy na kasama namin dito sa Canada ay Daddy ni Yuan at hindi ko Daddy. Na patay na ang ama ko at nasa Pilipinas nakalibing.

Simula noon ay nagtanong na siya, kung kailan kami uuwi para bisitahin ang Daddy ko at kung may Mommy pa ako at kung may kapatid ako.

Hindi ako nakakasagot.

Maybe this is the right time too, seven years are enough. Time does not heal all wounds but it blur the pain. I just have to learn to accept what's gone and keep going.

Kaya noong nakaraan buwan ay napagdedisyunan namin uuwi kami sa Pilipinas, kahit ilang buwan lang pero babalik pa rin kami sa Canada dahil nandito na ang bago kong buhay.

Nang makapasok ako sa Miere Agency ay binati ako ng ilang nakasalubong ko. Karaniwan sa kanila ay Pilipino rin na galing sa kompaniya sa Pilipinas at rito sa Canada pinadala.

Kaya halos ng iniikutan ko ay mga Pilipino lang din, sa bahay o sa trabaho.

Hindi ko na naipagpatuloy ay pagiging guro ko, pero sa ngayon ay masaya naman ako sa trabaho ko sa Resource Augmentation Services, wala na akong mahihiling pa.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon