"Kambit is goat?"

Napakamot na lang ako sa kilay ko dahil sa salitang di niya masabi.

Lage kong pinagsasabihan si gio na wag ini-english itong si prio dahil nahihirapan siya sa pagsasalita nang salitang tagalog.

Ibinaba ko si Prio pagdating namin sa ibaba at tumakbo naman siya agad sa sofa at duon tumayo at isinandal ang sarili niya sa sandalan ng sofa habang nanonood nang cartoons sa tv. Kumunot naman agad ang noo ko nang makita ko ang mga laruan niyang nagkalat sa buong sala.

"Prio , diba sabi ko wag ka na magkalat kasi pagdating ni daddy aalis na tayo.."

"Sorry mommy."

Lihim akong napangiti nang maingat siyang bumaba sa sofa at ipinatong muna sa sofa ang paborito niyang robot 'tsaka niya kinuha ang basket na lagayan niya nang mga laruan niya. Hila niya iyun habang pinupulot niya ng isa-isa ang mga nagkalat na laruan sa sahig , bago pa mapuno ang basket ay inilagay na niya iyun sa gilid dahil mahihirapan na siyang hilahin iyun 'tsaka niya kinuha ng isa-isa ang iba pang laruan at inilagay duon hanggang sa maipon na niya lahat yun.

"Finish." Masayang sigaw niya at itinaas pa sa ere ang dalawang kamay.

Pumalakpak ako at matamis na ngumiti.

"Galing-galing naman ng baby ko."

Ngumiti siya at tumakbo palapit sa akin , nagluhod naman ako upang pantayan siya at sinalubong siya nang yakap. Hinalikan niya ako agad sa lips at sumiksik sa leeg ko.

"Sige na , watch ka na ulit. Aayusin ko lang mga gamot ni daddy.."

"Okay po mommy." Malambing at magalang na sabi niya 'tsaka umupo sa sofa habang yakap ang laruan niyang robot at tahimik na nanonood.

Inilagay ko naman sa isang bag na itim ang mga gamot nang asawa ko , konti na lang ang iniinom niya ngayon hindi katulad dati na halos nabubusog na siya sa gamot. Inaalagaan ko din kasi ang pagkain niya nang prutas at gulay kaya mas bumilis ang pagbalik nang lakas niya , sa totoo lang ay mas tumaba siya ngayon pero pinaka-gwapo pa din para sa akin.

Hindi na din ako pumayat simula nang ipanganak ko si prio , mas nakita ang hubog nang aking katawan at mas maganda talaga ang katawan ko ngayon lalo na ang aking balakang. Hanggang bewang na ulit ang aking buhok , ayaw kasi pumayag ni Gio na magpa-iksi ako nang buhok ng sobrang iksi kaya konti lang ang pina-gupit ko sa buhok ko.

Lalo na't libangan nilang mag-ama na suklayin ang buhok ko sa gabi.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagbusina ng kotse ni gio sa labas , agad na bumaba ang anak namin sa sofa at tumakbo palabas para salubungin ang daddy niya. Lumabas na din ako at nakitang tumatakbo ang anak namin nang makita ang daddy niya na lumabas mula sa driver seat , pinantayan ni gio ang anak namin at agad itong niyakap 'tsaka hinalikan sa pisnge at ginulo niya ang buhok ni Prio bago kinarga.

Nag-abang lang ako sa may pintuan at hinintay silang makalapit.

"Mommy , daddy is here na. Pupunta na tayo sa horse and carabao." Excited na sabi nang anak namin kaya pareho kaming natawa nang asawa ko.

Hinalikan niya ako sa labi habang karga niya ang anak namin. 

"Naka-ready na kayo mommy?"

"Ikaw na lang magbaba nang gamit daddy , nasa room natin." Sabi ko sa kanya at inakbayan niya ako papasok sa loob nang bahay.

"I'll help you daddy."

"Really?" Natatawang sabi sa kanya nang daddy niya , tumango-tango naman siya at hinalikan ang daddy niya sa pisnge. "..wag na baby , kaya na yun ni daddy. Kayang-kaya yun ni daddy.." Pagyayabang nang asawa ko sa kanya at ibinaba siya.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now