Chapter 31: Beginning today...

Magsimula sa umpisa
                                    

"Binata na nga kaya pwede na siyang makagawa ng baby! Careful, son.."

"Mommy naman!" Protesta ko. Bakit ba kasi hindi pa ako dumeretso sa room ko?

"May kailangan ka ba, Skye?" Tanong ni daddy. Agad akong lumapit sa kanya. Mas matino siyang kausap kaysa kay mommy.

"I have an important favor to ask, dad.." Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin ako kay mommy. Alam kong nakikinig rin siya sa sasabihin ko.

"What?" Sabay na sabi ng dalawa.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko sabihin sa kanila ang binabalak ko.

Jann's POV

Last night was the best night of my life! Yung feeling na bigla na lang akong matutulala tapos ngingiti tuwing maaalala ko ang nangyari kagabi... tapos kikiligin! Ayieeeee

"Hoy, baliw!" Sigaw ni Mandy mula sa itaas ng bintana. Napatingala ako sa kanya. Nasa garden kasi ako at kinakausap ang bigay ni Skye na bulaklak sa akin dati. Kung dati ay tatlo lang ang bulaklak nito, ngayon ay apat na. Lumalaki itong maganda at malusog. Tulad din ng love namin ni Skye para sa isa't-isa. Ah-le-le kinikilig na naman ako! "Hindi mo ba naririnig?kanina pang may nagdo-doorbell!"

Yun lang pala! Kahit kailan, panira ng moment ang isang 'to, eh! "Narinig mo na pala eh, bakit hindi na lang ikaw ang magbukas?"

Araw ng Sabado ngayon. Wala kaming mga pasok. Pero si Sabine, us usual wala na naman siya. Lagi siyang umaalis pag Sabado eh. Si manang naman ay umalis din kaya solo namin  ang dorm ngayon. Pero gaya ng madalas sabihin ni manang.. "Huwag gagawa ng kalokohan!"

"Ikaw ang nasa baba,eh. Kaya ikaw na ang magbukas!"

Siraulo talaga! Napilitan akong tumayo at pagbuksan ang makulit na nilalang....

"Skye!!!" Hindi mapigilang sigaw ko nang mabungaran ang guwapong mukha ng boyfriend ko.

"Goodmorning, Jann!.." He handed me a twinkle flowers in a teardrop glass. Ganda!

"Goodmorning!" Pakiramdam ko ay umabot hanggang ulo ang ngiti ko. Hala! Kinikilig talaga! "Pasok ka.."

"Ikaw pala, Skye. Ang aga mo, ah. May lahi ka bang intsik?" Narinig ko ang boses ni Mandy habang pababa ng hagdan. Tingnan mo ang isang 'to. Bababa rin pala.

"Yayayain ko kasing mamasyal si Jann.."

"Ay, ganun ba? Ui, Jann maligo ka na. Nakakahiya ka, hindi ka pa naghihilamos. Ako na ang bahala muna sa boyfriend mo. Don't worry, wala akong pagnanasa sa kanya. He's safe with me!.."

Baliw talaga! Ibuko daw bang hindi pa ako naghihilamos!

"Tsupi!" Inilayo na niya ako kay Skye. At hinila na sa kusina ang boyfriend ko. "Sabay na tayong mag-almusal, Skye." Narinig ko pang sabi niya.

Nagtungo na ako sa kuwarto namin para ayusin ang sarili ko. Langya, may date pala kami ngayon. Hindi man lang ako nasabihan. Wala pa naman akong balak maligo! Haha, joke lang!

Dahil malamig ang panahon, pahirapang maligo. Pero mas nahirapan akong maghanap ng maisusuot ko! Hay, nailabas ko na lahat ng pwede kong maisuot wala pa rin akong mapili na pwede rin akong maging komportable and at the same time hindi naman mapapahiya si Skye kapag kasama niya ako.

Bumukas ang pinto at pumasok si Mandy. "Sabi ko na eh nakatulala ka na naman diyan.." Lumapit siya sa kabinet at naghanap din. "Ang sabi ni Skye, sabihin ko raw sa'yo na just always be your self. He loves you just the way you are"

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon