Napaka sweet naman no'n. Nakaupo lang ako sa hagdan habang nakahawak sa railings at tinitignan sila.

"Ako naman, nakita ko siyang muli nang lumaban sila sa eskwelahan namin. Ako ang organizer, siya naman ay participant. Sumali siya sa poem contest at nahulog ang puso ko sa kaniyang tula. Tila ba ang tula niya ay para sa akin." Kwento ni Lola Ikang.

"Sa iyo naman talaga 'yon. Hindi ko kasi aakalain na magkikita kaming muli." Lolo Joseph said.

Bigla akong napatingin kay Hans ngunit nabigla ako nang nakita ko siyang nakatingin din pala sa akin, kaya lumingon na lang ulit ako kela Lola Ikang at Lolo Joseph.

Why he's looking at me. Nararamdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

2.Sa anong punto ng buhay niyo nasabi sa sarili niyo na siya na nga ang pakakasalan ko.

Pangalawang tanong ni Teresa.

"Para sa akin, sinabi kong siya na ang pakakasalan ko nang nagtangka akong kalimutan ko siya. Na hindi na ituloy ang panliligaw ko. Pero hindi, matigas ang puso ko sapagkat siya pa rin ang tinitibok nito. Hindi rin mapakali ang isip ko dahil siya rin ang laman nito." Kwento ni Lolo Joseph.

Nakangiti lang ako habang sinasabi nj Lolo Joseph ito. Napapangiti rin sila Alvin, Teresa at Hans sa kaniyang sinabi.

"Siguro nga gano'n ang pagmamahal. Ano man ang pilit mong layuan ito, kapag mahal mo talaga, mahal mo." sambit ni Lolo Joseph.

Kahit ano pang ilagay mong balakit, kapag mahal mo talaga ang isang tao, gagawa ka ng paraan para makuha mo siyang muli. Nakakatuwa naman mapakinggan ang mga storya nila. Huminga ako nang malalim dahil sa mga naririnig ko at napangiti rin.

3.Paano mo ipinahayag ang pagmamahal mo sa kaniya?

"Pinahayag ko 'yung pagmamahal ko sa kaniya sa pamamagitan ng mga sulat at tula. Torpe kasi ako noon, at tanging siya lang talaga 'yong babaeng gusto ko makasama. Kaya dinaan ko sa maraming sulat at tula. At siguro isa sa mga masasabi kong naipahayag ko 'yong pagmamahal sa kaniya nang ipaglaban ko siya at ang pagmamahalan namin." Sagot ni Lolo Joseph.

"Ako, pinahayag ko ang pagmamahal ko sa kaniya sa pamamagitan din ng pakikipaglaban para sa pagmamahalan namin. Sa una, may mga nagawang paraan ang mga magulang ko para pigilan siya, ngunit kalauna'y wala na rin silang nagawa sapagkat nakita na siguro nila ang pagmamahalan na mayroon kami ni Joseph." Sagot naman ni Lola Ikang.

4.saan kumuha ng lakas ang bawat isa para mag-confess ng nararamdaman?

"Siguro ang magiging sagot namin diyan, ang pagmamahal namin sa isa't isa. Alam niyo mga kabataan, sa panahon ngayon kadalasan mahirap patunayan na mahal mo ang isang tao dahil sa daming factor na pumipigil sa atin partikular ang pagkatakot na pumasok sa isang relasyon at pagkakaibigan." Sagot ni lolo Joseph.

"Alam niyo rin mga kabataan, parte na masaktan kapag kayo ang nagmamahal ng tunay. Dahil 'yang sakit na 'yan makakapagdala sa inyo sa totoong pagmamahal at tao." Sagot naman ni lola Ikang.

"Ouch." Bigla ako napatingin sa sinabi ni Hans. Na nakahawak sa dibdib niya at napatingin sa akin.

I just stare at him with a smile on my lips.

Tama naman si Lola Ikang at Lolo Joseph. Pagdating sa pagmamahal talaga may kaakibat na itong sakit. Kapag kayo pumasok sa isang relasyon, hindi niyo alam ang mga pwedeng mangyari ngunit ang tunay na sigurado lang ay mahal niyo ang isa't isa.
At saan kayo dadalin ng pagmamahal na ito padating sa pakikipaglaban sa mga pagsubok na mararanasan niyo.

Para akong may take away kapag may sinasabi sila Lolo Joseph and Lola Ikang. Marami kasing aspekto ang pag-ibig, mapa bata, kabataan o matanda man. Ngunit nagkakaparehas lang sila sa salitang PAG-IBIG.

Love Me Till The End (Complete)Where stories live. Discover now