Emerald Jade
Pumasok kami sa loob ng bahay para roon kumain at mag-usap kasama sina Mommy. Tuloy pa rin naman ang celebration sa labas at babalik din kami roon.
Natatawang pinagmamasdan ko si Daryl habang nakikipag-usap siya sa mga magulang ko. Inamin niya sa akin na kinakabahan siya at halata naman iyon dahil pinagpapawisan siya!
Damn, this guy is so adorable.
"I'm so happy for them." Tita Jacky was smiling at us the whole time! Halatang-halata mo na masaya talaga siya para sa amin ng anak niya.
"I am happy for them, too," my mother said. "I just hope that their relationship won't affect my daughter's studies," she joked.
I smiled awkwardly. Mom is strict about my studies. Magkaroon na ng problema ang lahat huwag lang madamay ang pag-aaral ko.
Marami pa silang pinag-usapan. Kilala pala nila ang isa't isa dahil dating magkaklase si Mommy at Tita Jacky tapos nagkita ulit ang dalawa dahil sa business.
Small world talaga, 'no?
"So, kailan ba natin pagpaplanuhan ang kasal?" biro ng Daddy ni Daryl.
Napatingin ako sa katabi ko. He's glaring at his father kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.
"Grabe naman po sa kasal." I faked a small laugh. "Masyado naman po atang maaga para d'yan."
"Mas mabuti na ang sigurado, anak," pagsang-ayon ni Daddy sa sinabi ni Tito Roland.
Ako naman ay hindi nakapagsalita. Hindi ko inaasahan na sasang-ayon si Daddy roon. Masyadong strict ang tatay ko para pumayag agad sa mga ganoong bagay kaya bakit? Bakit parang gusto niya na ata akong ipakasal?
Tumikhim si Daryl kaya napunta sa kaniya ang lahat ng atensyon. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Please excuse us po. Hinahanap na po kami ng mga kaibigan namin," maingat na paalam ni Daryl sa kanila. Tumango naman ang dalawang lalaki at nagpatuloy na ulit sila sa pag-uusap.
Akala ko ay lalabas na kami pero hindi pala. Sa kwarto niya ako dinala.
"Why?" I asked, confused. Binitawan na niya ang kamay ko.
I looked around. His room is simple. Ngayon lang ako nakapasok dito kahit na ilang beses naman na akong nakapunta rito sa bahay nila.
Nagulat ako nang makakita ng picture. Nasa side table ito. Lumapit ako para tingnan sa malapitan.
"This is us," manghang sabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na dati kong kaibigan si Daryl.
Napangiti ako nang maalala kung anong nangyari at kung bakit madungis ang itsura namin ni Daryl sa picture. Kumakain kami ng ice cream doon at puro chocolate ang gilid ng labi namin.
I felt him hug me from behind. "Still can't believe that we were friends before, huh?"
Tumango ako habang nakangiti, nakatitig pa rin sa litratong hawak.
"You were so sungit before, Jade!" kuwento niya. "Ang hirap mong i-approach, lahat tinatarayan mo."
I laughed. Halatang ayaw na ayaw niya ang ugali ko noon. Well, parang ganoon pa rin naman ako ngayon pero nabawasan lang. Bumait na ako, e.
"Sorry, ha. May family problem lang," I said jokingly. Pero hindi 'yun totally joke sa akin dahil totoo naman na may problema ako sa pamilya namin noon.
"You can already remember all your forgotten memories?" he asked curiously. Sinilip niya ang mukha ko at dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa madali na lang niya akong nahalikan sa pisngi.
"Yeah. Ikaw lang naman ang nakalimutan ko," asar ko.
He snorted. "Sige, ipaalala mo pang ako lang talaga ang nakalimutan mo."
Tumawa na lamang ako at lumayo na sa kaniya para maupo sa kaniyang kama. Inilibot kong muli ang tingin sa kwarto niya. Umupo siya sa harap ko at tumitig sa akin. Hindi ko muna siya pinansin dahil busy ako sa pagpamilyar sa kwarto niya.
Bumuntonghininga ako at naisipan nang bumaba at baka hinahanap na kaming dalawa. "Daryl," mahinang tawag ko sa pangalan niya pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin na para bang malalim ang iniisip.
"I love you," he whispered out of nowhere.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at umirap. "I know," I teased. Sinamaan niya naman ako ng tingin bago ako hilahin palapit sa kaniya at halikan.
I thought it was just a simple kiss and I was stunned when his lips started moving. It was slow, teasing yet careful.
I found myself encircling my arms around his neck as I kiss him back, teasing him too.
He stopped. "You really know how to trigger me," he whispered under his breath before kissing me again. But this time, it's a bit aggressive.
His lips were about to travel down when the door aggressively opened, revealing his brother.
"Kuya!"
Agad akong lumayo sa kaniya at umaktong walang nangyaring kakaiba.
"Fuck," dismayadong mura niya kaya muntik na akong matawa.
"Don't laugh, love. I swear," he warned.
Nagpipigil ng tawa akong tumango. Tumatakbong lumapit si Darius sa amin at tumalon sa kama.
"Hi, Darius," malambing na tawag ko rito para inisin lalo ang kapatid niya.
"Hi po, Ate Jade!" masigla niyang tugon sa akin bago yumakap saglit.
Natawa naman ako sa ginawa niya. Gustong-gusto talaga ako ng batang 'to.
"Hoy, bata! Tabi!" inis na sabi ni Daryl at binuhat si Darius para ilipat sa kabilang side ng kama, malayo sa akin.
"Daryl," may halong banta na sabi ko. Napakamot na lamang siya sa ulo niya pagkatapos niyang bitawan ang kapatid.
Lumapit naman ulit sa akin si Darius. "Is he mad, Ate Jade?" bulong niya sa akin kaya natawa ako bago umiling.
"He's not mad, Darius. He's just jealous," nang-aasar na sagot ko.
"I'm not!" Daryl immediately defended.
Ngumuso si Darius at tumango. Dahan-dahan na siyang bumaba sa kama at nagpaalam na matutulog na siya bago lumabas.
Akmang mag-aaya na akong bumaba nang lumapit naman sa akin si Daryl at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. I caressed his hair while waiting for him to say something.
"Tuloy na natin?" bulong niya. Malakas naman akong natawa at kinurot ang baywang niya.
"Kailangan na nating bumaba," sabi ko bago siya itulak.
Napasimangot na lamang siya kaya natawa na naman ako habang naiiling na tumayo. Para siyang batang hindi napagbigyan sa gustong makuha.
Dumiretso kami sa mga kaibigan namin. Hawak-hawak niya ang baywang ko habang naglalakad.
"Ayan na ang love birds!" sigaw ni Austin kaya may mga napatingin sa amin.
Nag-thumbs up si Alexis kay Daryl. "Perfect ang timing, napa-yes si Fernandez."
"Tayo na lang ata ang single sa tropa, Austin." Umakbay si Kian kay Austin at nagkunwaring nasasaktan. Umirap lang si Austin sa kaniya at pinagpatuloy na ang pagkain.
"E' ikaw ba, Hendrix? Kumusta naman kayo ng fiancée mo? Ang ganda rin no'n, ah!" paglipat ng topic ni Kian. Nagulat naman ang iba at napatingin kay Hendrix. Kahit ako ay nanlaki rin ang mata dahil hindi ako sigurado kung alam na ba ng iba ang tungkol doon.
"Ay!" Napatakip sa bibig si Kian. "Hindi pa rin ba alam ng lahat?"
ВИ ЧИТАЄТЕ
The Only Girl
Підліткова літератураEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...
Kabanata 37
Почніть із самого початку