Dahil nga ako ang hari ng mga ususero, pinuntahan ko si Madam. Hindi ko na hinintay si Bright kasi unang-una, bakit ko naman gagawin 'yon?

Tumingin ako sa paligid. Wala na halos tao na naglalakad. Kami na lang yata ang na sa labas.

Nang makarating ako sa gate ni madam, napansin kong hindi ito naka-lock kaya pumasok na lang ako. Dumiretso ako sa pinto at kumatok.

"Madam?" tawag ko sa landlady namin.

"What are you doing here?" At dahil magugulatin ako, muntik na ako mapatalon dahil sa biglang pagsulpot ni Bright sa tabi ko.

"Titignan ko lang kung ano na namang trip ni madam," sagot ko.

Muli kong hinarap ang pinto at kumatok. Wala pa ring sumasagot o nagbubukas. Sinubukan kong pihitin ang doorknob at hindi man lang 'to naka-lock.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa 'min ang tila sinalanta ng bagyo na sala ni madam. May mga bote ng beer sa mesa at lapag, 'yong mga chips na na sa sahig durog na durog na, at may mga nakakalat na plato at baso na walang laman.

Pagtingin namin sa ibaba ng TV, nando'n si madam na nakahilata at nakatitig lang sa kisame.

"Madam! Ano na namang nahithit mo?" tanong ko at nilapitan siya. Inalalayan ko siya sa pag-upo at si Bright naman, nagsimula ng magligpit ng mga kalat. Pero inuna muna niyang pinatay ang may-sa-demonyong music.

"W-win sweetie? Is that you?" tanong ni Madam at pinisil-pisil ang pisngi ko. Amoy alak din ang hininga niya.

Shuta.

"Opo, kaya umayos po kayo kung gusto niyong mabuhay hanggang bukas," sabi ko at tuluyan siyang binagsak sa sofa.

"Ouch naman, Winnie darling. Be gentle, please, be gentle," sabi ni Madam at niyakap ako sa bandang bewang.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero umiling-iling lang siya at nagsimulang umiyak.

"Oo na, oo na huwag ka na umiyak!" Tumayo na lang ako doon na parang tuod. Isisingil ko talaga 'to kay madam kapag nahimasmasan siya.

"Win," tawag sa 'kin ni Bright. "Look at this."

Hawak niya ang isang litrato. Kinuha ko ito mula sa kaniya at tinignan kung sino ang mga naroon. Agad kong namukhaan si madam. At kasama niya ang isang babae at lalake na sa hula ko ay mga matalik niyang kaibigan.

Bakit 'to nakakalat sa sala?

"Madam told me that those two are her high school friends. And they're couples." Umupo si Bright at niligpit ang mga kalat sa lamesa. "I think we now have a slight idea of what's going on."

Itataya ko ang dalawang kidney ni Bright na may kinalaman nga ang dalawang 'to sa kasalukuyang drama ni Madam.

Nang mapansin niya ang hawak kong litrato, hinablot ito ng landlady namin at tinignan niya ako na para bang nanakawin ko paga-ari niya.

Niyakap niya ang litrato at hinele na parang sanggol.

Wala na. Wasted na nga talaga 'to.

"Obet," ungol ni Madam. Hula ko 'yon ang pangalan ng lalake.

"Sino po si Obet?" tanong ko, pero tinitigan lang ako ni Madam at sa gulat ko, bigla niya akong sinampal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ex ValueWhere stories live. Discover now