Chapter 39: Helen Ferrera

Start from the beginning
                                    

Naputol ang pagbabasa ko nang tumunog ang cellphone ko.

Unknown calling...

"Who are you?"

[Ganyan ka na ba bumati ngayon sa kapatid mo, bitch?]

"Danver."

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.

[I heard you got hundreds of lashes.]

Napairap ako sa hangin at huminga ng malalim.

"What do you want?"

[So impatient my dear sister. Gusto ko lang namang kamustahin ang lagay mo.]

Pagak akong tumawa.

"Really? O baka naman sinisiguro mo lang kung buhay pa ako para makaisip ka kaagad ng plano para mapatay ako?"

[My, my. Masyado naman yatang masama ang tingin mo sa akin little si--]

"Stop calling me that! Wala kang karapatang tawagin akong ganyan!"

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dala ng inis. Parehong pareho talaga sila ni Victor! Mga demonyo!

Natahimik ang kabilang linya kaya ibinaba ko na ito.

"Tatawag lang para bwisitin ako? Tsk!"

Ibinato ko na sa kung saan ang phone ko at bumalik sa pagbabasa.

"When the third generation comes into the scene, the mafia clan remains powerful. Lord Damien Silvero continued the legacy by formulating another substance that can enhance someone's agility. After introducing the S-01 or substance number one, everything about Silvero Mafia became blurry. Their only heiress was kidnapped, their reapers has been slaughtered, and their companies went bankrupt. All of those events happened in a single year. The eminent Silvero Mafia became the worst to the point that underground people considered them as a badluck due to bad happenings inside the organization. That is when they called them The Cursed Mafia of The Clan of Tragedies."

Ilang minuto lang akong nakatulala sa hangin matapos basahin iyon. Nalaman ko na ang history ng mafia na iyon pero pakiramdam ko ay kulang pa rin. May gusto pa akong malaman tungkol sa kanila pero hindi ko alam kung ano.

Habang iniisip ko ang tungkol sa Silvero ay pumasok ulit sa akin ang mga salitang sinabi noong matandang lalaki at yung kamukha ni Dion.

"Yes. You're Hyacinthine Silvero."

Mas lalo tuloy nabubuhay ang kuryosidad sa dugo ko.

Hindi ko alam pero bigla ring pumasok sa isip ko ang matandang lalaki na nakita noon sa backgate ng Rudward.

"I wish I can erase those sadness in your eyes. I am so sorry for letting you suffer,"

I have this weird feeling na konektado si Hyacinthine sa lalaking iyon. Ewan ko pero iyon ang nararamdaman ko.

Tinitigan ko ang papel ng matagal. Halos kalahating oras din akong nasa ganoong estado hanggang sa makabuo ako ng desisyon.

Hindi ako ang klase ng tao mahilig mag-usisa. Madalas kasi sa mga nababasa't napapanood ko, ang mga taong inuuna ang kyuryosidad ang laging napapahamak. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako matatahimik hangga't hindi nasasagot ang mga tanong sa utak ko.

Bukod doon ay napagtanto ko rin na sa tagal ng serbisyon ko sa Caronel Mafia ay wala man lang akong kaalam-alam sa pinagmulan nito.

Mukhang marami akong kailangang hanapin at araling impormasyon. Tsk.

The Mafia's Lost Soul [Completed✓]Where stories live. Discover now