THIRD PERSON point of view
May kumatok sa pintuan at ang pumasok ay si Irine. Ngumiti siya kay kerk at ngumiti din naman ito ng pabalik. Lumipat siya ng upo sa couch at si Irine ang umupo sa tabi ni terra. Hinawakan niya ang kamay nito at hinahaplos haplos habang nakatingin sa mukha ng kanyang anak. Bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata.
"Anong klase ba akong ina..terra? Naging mabuti ba ako sayo? Binibigay ko ba sayo ang pangangailangan mo? Naramdaman mo ba ang pagmamahal ng isang ina? Sabihin mo terra..ano bang klase akong ina?"
Lumuhod si Irine sa sahig habang hawak hawak pa rin ang kamay ng anak. Ang kanyang luhang walang tigil sa pagpatak ay tumatama sa sahig na kasing lamig ng kantang nadadala ng hangin.
"Nagkamali ako..nagkamali ako. Masama akong ina. Masama. Masama akong ina. Masama akong ina. Masama akong ina. Masama akong ina. Masama akong ina. Masama akong ina..kahit kailan..hindi ako naging mabuting ina sayo..pinabayaan kita terra..MASAMA AKONG INA! MASAMA!!Patawad anak..patawad.." paulit-ulit ng inang nagsisisi sa mga pagkakamaling nagawa niya.
Unti-unting lumapit si Kerk sa kanyang mama. Lumuhod siya para yakapin ang ina ni terra.
"Nagkamali ako terra..patawad.." sambit ng kanyang mga labi na nanginginig dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman. Ilang oras ang lumipas ay nagpaalam na ito kay kerk..
"Ikaw na ang bahala sa kanya..hindi na ako magtataka kung bakit kayo ang magkakatuluyan. Napakabait mong bata.." wika nito bago pa man lumabas ng kwarto.
At sa paglalakad niya sa hospital, makakasalubong niya si Junn na may dalang pagkain na ibibigay sa kanyang kasintahan na si nancy.
"Ma?" Ang nakatungo niyang ulo ay napatingin sa lalaking matangkad na tumawag sa kanya.
"Ano pong ginagawa niyo dito? May nangyari po ba?" Tanong ni Junn.
Nasa kalagitnaan sila ng hospital nang sila ay magkasalubon. Maraming nagdadaan na mga tao, kung hindi nurse o doctor ay mga pasyenteng nakasakay sa wheel chair. Mataas ang tirik ng araw at napakaaliwalas ng panahon, kasing payapa ng ulap na mabagal na gumagalaw sa itaas at kasing laya ng mga paro-parong dumadapo sa bulaklak na nakatanim sa hospital.
"Ah, s-si terra..binisita ko lang siya." Sagot ni Irine.
"Si terra? Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Kunot-noo nitong tanong.
"Dalawang taon na siyang comatose.."
"Ano? N-nacoma si Terra? Bakit ngayon niyo lang sinabi? Madalas naman tayong magkita diba?" Hindi sumagot si Irine sa tanong ni Junn kundi nagdiretso nalang ng lakad at hindi na ito pinansin pang muli.
Dumaan muna si Junn sa kanyang kasintahan para ibigay ang dala niyang pagkain.
"Aalis kana agad?"
"Oo. Pasensya na. May importante pa akong gagawin. Di bale, susunduin kita pagka out mo." Sagot ni Junn saka umalis para hanapin ang dati niyang...kasintahan na matagal na niyang hinahanap.
Hinanap niya ang kwarto ni Terra at sa paghahanap niya..makakasalubong niya si Kerk na papunta naman ng cr. Natagpuan niya ang Room 305, Terra Kumiko. Hinawakan niya ang door knob at unti-unting binuksan.
Mabagal niyang inilakad ang paa papunta sa kinalalagyan ni terra. Namumuo na ang luha sa kanyang mata at bumagsak ito pagkaupo niya sa tabi ng dating kasintahan.
"Terra..andito ka lang pala. Alam mo bang para akong baliw na kakahanap sayo nung nagbreak kita. Para akong tangang kung saan-saan nagpupupunta..tapos dito lang pala kita matatagpuan."
Nagbukas ng kaunti ang pinto. Papasok na sana si Kerk sa loob nang may makita siyang lalaking kumakausap kay terra kaya napatigil siya at pinakinggan ang sinasabi ng lalaki.
"Nung nagbreak tayo..akala ko babalik ka rin sakin. Akala ko isang araw..marerealize mo na mahal mo pa ako. Naghintay ako na bumalik ka subalit walang dumating..kaya ako na mismo ang naghanap sayo pero..si mama at papa naaksidente kaya tinigil ko na muna ang paghahanap sayo at kailangan namin ni Erin na pumuntang states para makalimutan naming dalawa ang mapait na nangyari. At sa oras na 'yun..nakilala ko si nancy na kasalukuyang nag-aaral sa states at bumalik kami dito para itake ang responsibility na naiwan ng mga magulang ko."
Pinunasan niya ang kanyang luha.
"Alam ko..hindi mo naman ako naririnig. Idiot talaga ako kahit kailan..pero terra..sana paggising mo, makilala mo pa ako. Kahit maging magkaibigan lang tayo..okay na yun sakin.." dagdag niya at ilang sandali lang ay natigil na siya sa pagsasalita. Si kerk na kanina'y nasa pintuan ay lumabas ng hospital at sa bench sa ilalim ng puno nagtigil habang umiinom ng beer.
Si Junn naman ay naghihintay sa taong nagbabantay kay terra subalit walang dumating kaya napagdesisyunan niyang umalis nalang at ipagpabukas ang paghihintay sa taong nagbabantay sa dati niyang kasintahan dahil nagbabaka sakali siya na bukas sa pagdalaw niya ay maabutan niya ang nagbabantay.
Nakita ni kerk ang lalaking kumakausap kay terra kanina. Tumayo siya dahil gusto niya itong kausapin subalit wala siyang ibang nagawa kundi umatras dahilan para mainis siya sa kanyang sarili at sinipa ang can na pinag inuman niya ng beer. Damnit!
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover