Mr. Barber's girlfriend?! Ha! Is this some kind of a joke?! A prank perhaps?! Paktay na! Heto na nga ang sinasabi ko eh..

I-it's true,sir.. N-napatawag po ako para---

Anong pangalan niyo po?

M-marydale---

Ok! Miss Marydale, kung wala kang magawa sa buhay mo, maghanap ka nalang ng ibang trabaho ha?! Huwag kang assuming, miss! Wala sa bokabularyo ng boss namin ang magkaroon ng girlfriend!

Tooot tooot tooot

Aba! Bastos yun ah!

Ano,ma'am.. Ano pong sinabi niya po?

Ahm... S-sabi nung lalaki,nasa meeting po raw sya ngayon. Sagot ko naman sa direktor namin.

Tawagan mo ulit at sabihing mag-uusap kayo mamaya tungkol sa proposal niya sa iyo. Ok?

O-ok po,direk. Sagot ko nalang.. Pinagpawisan na ako sa kili-kili ko dahil sa kabang naramdaman. Powtek! Hindi ko kilala kung anong klaseng tao itong binangga ko ngayon.. Pero,bahala na!

Kring! Kring kring!

Miss,kung wala kang trip sa buhay mo,please! Maghanap ka nalang ng iba! Huwag lang ang boss namin! Kilala namin yun! Masyadong aloof yun sa mga tao especially sa mga babae!

Can't Forget The Past [ ON - GOING ]Where stories live. Discover now