Tumayo na si Divine at mukhang papasok na sa k'warto nito. Si Alinor naman ay hindi napigilang sundan ng tingin ang dalaga hanggang sa tuluyan itong makapasok.

Nang mawala sa paningin niya ang dalaga ay marahas siyang napabuntong-hininga at pabagsak na humiga sa kama niya. Napatulala siya sa kisame at sa hindi malamang kadahilanan ay nakikita niya ang mukha ni Divine noong una silang magkita.

"Fuck this!"

Marahas siyang tumayo sa kama at papasok na sana sa banyo para maligo nang tumunog ang doorbell niya. Nangunot ang nuo niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita.

Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kaniya si Yasmin at gaya kanina ay seryoso pa rin ang ekspresyon sa mukha nito.

"Yasmin... What brought you here?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I just wanted to tell you to stay away from Ate Divine. Alam kong matagal mo na siyang gusto at hindi imposibleng magustuhan ka rin niya— sabihin mo ng OA ako pero masyadong komplikado ang sitwasyon niyong dalawa kaya sana ngayon pa lang ay itigil mo na kung ano man 'yang sinimulan mo," pahayag nito at hindi niya maiwasang mainis dahil pinangungunahan na agad nito ang mangyayari.

I didn't even started yet!

"Madaling magtiwala si Ate at 'yon ang pinaka-ayaw ko sa kaniya... Hindi lang halata but she's fragile, Kuya Ali. So, please lang..."

Napatiim-bagang si Ali habang pagkatapos ay napabuntong-hininga at pilit itong nginitian. "Don't worry, wala akong balak na gawin kung ano man 'yang iniisip mo... I just want to be friends with her—"

Hindi siya nito pinatapos magsalita. "You're the best liar I've ever known, Kuya Ali. Lokohin mo na lahat 'wag lang ako." Tinalikuran na siya nito at nagsimulang maglakad papasok sa bahay nito. "Basta layuan mo siya kun'di isusumbong kita sa Mommy mo!" Pahabol pa nito bago tuluyang pumasok sa gate.

Napasuklay siya sa buhok niya at wala sa sariling pumasok sa bahay niya. Pabagsak siyang umupo sa sofa. "What should I do?" Tanong niya sa sarili niya.

Ni hindi pa man siya nagsisimula ay may kumukontra na sa kaniya at kapatid pa talaga ni Divine... Natawa na lang siya at napailing.

Good thing I'm a hardheaded person. Of course I'll do whatever I want.


HINDI napigilan ni Divine na pagtaasan ng kilay ang lalaking nasa tabi niya ngayon. Naisipan niyang manuod ng palabas at bigla na lang sumulpot ang asungot. Tulog na ang Mama niya pati si Yasmin kaya hindi niya alam kung paano nakapasok ang isang 'to.

"Bakit hindi ka nalang dito tumira?" Puna niya. "Parang nahihiya ka pa eh."

Tumawa lang ang loko at kumuha ng popcorn sa bowl na hawak niya. "You like horror movies?" Tanong nito. Tumango lang siya bilang sagot. Nagtanong pa ito tungkol sa iba niyang gusto dahilan para hindi siya makapag-concentrate sa palabas kaya pinukol niya ito ng masamang tingin. Ngumisi naman ito at tumigil na.

Sa hindi malamang kadahilanan ay ayaw niya itong kausapin. Naghuhumintaryo na nga ang puso niya sa presensya pa lang nito eh, lalo pa kapag naririnig niya ang baritonong boses nito na talaga namang napa-sexy'ng pakinggan— oh God no...

Tumikhim siya at pilit na iniintindi ang palabas na pinapanuod pero naaagaw ang atensyon niya sa lalaking nasa tabi. Ayaw niyang maging assumera pero ramdam niya ang pagtitig nito sa kaniya, sa tuwing sinusubukan niyang salubungin ang tingin nito'y nakatuon naman ang atensyon nito sa palabas.

"Ang ganda..."

Napalingon siya dito at nay pagtatanong itong tinignan.

"What?"

"Ang ganda ng palabas," sagot nito.

Nagkibit-balikat na lang siya pero natigilan siya nang bigla itong sumandal sa balikat niya.

"W-what are you doing?" Angil niya at tinulak ang ulo nito pero binabalik lang ng loko kaya hinayaan niya na lang ito.

Kanina pa siya nakakahalata na may kakaiba sa kilos nito ngunit hindi niya lang mapangalanan. Ipagsasawalang bahala niya na lang sana at iisipin na lang na tinotopak ito.

Huminga siya nang malalim at kumuha ng popcorn. Isusubo niya na sana 'yon nang kunin ni Ali ang kamay niya at ito ang kumain ng popcorn na kinuha niya kaya kung titignan ay parang sinubuan niya ito.

"Thanks."

Sinabunutan niya ito dahilan para mapaayos ito ng upo saka tumingin sa kaniya.

"Alam mo, Alinor kanina ka pa ah!" Usal niya dito habang nakatingin nang matalim dito.

Imbes na matakot ay tumawa lang ang loko at parang natutuwa pa sa reaskyon niya. Natigilan siya bigla at napatitig dito. Napaka manly ng tawa nito at napakasarap sa tenga. Dagdag pa ang paglabas ng dimples nito.

"Matanong nga kita, Alinor... Inaakit mo ba ako ha?!" Singhal niya dito dahilan para mas lumakas pa ang halakhak nito.

"What?! Why would I do that?" Manghang sabi nito saka ginulo ang medyo basang buhok nito.

He's wearing a plain white t-shirt at parang nagca-camouflage lang 'yon sa maputing balat ni Alinor dahilan para mas gumwapo ito sa paningin— teka! Nagiging crush ko ba ang lokong 'to?

"Ewan ko sa'yo!" Kumuha siya ng isang popcorn at ibinato dito pero nakailag ang gago.

"Umuwi ka na nga sa bahay mo!" Pagtataboy niya dito at dahil nakikinig ito ay mas sumiksik pa ito sa tabi niya.

"The movie's scary, Divine..." Saad nito saka yinakap ang braso niya, for sure gusto lang manantsing ng loko. Sinisiko niya ito pero dahil mas malakas ito sa kaniya'y hindi siya nagtagumpay kaya hinayaan niya na lang kahit pa pakiramdam niya'y lalabas na ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng tibok nun.

Oh, God this is not good.

---

A T E V I N A N G

Just a One night standTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon