Kabanata XIV: Kapitbahay

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo. Gusto ko rin kasing makapunta sa ibang lugar. Malungkot nga noon, e. Nakakapunta ako sa iba't-ibang bansa tapos wala naman akong kasama. Mas masaya ngayon, dahil kahit local lang ang province na pinuntahan ko... kasama naman kayo. Ikaw, si Esther, Tita Elaine, ang kambal ninyo, at si Lilian na sobrang sungit."

"Masungit? Mabait kaya si Lilian."

"Hindi, masungit. Sinipa ako sa kama kagabi. Saka alam niya 'yung ginawa ko noon, kaya galit na galit sa akin."

"Naku, sorry. Alam mo naman na ganun talaga kapag bestfriend. Sobrang protective. Don't worry, lilinisin ko ang pangalan mo sa kaniya."

"Si Lilian pala... single siya?"

"Oo, single 'yun. Lagi kasing minamalas sa pag-ibig, e. Bakit?"

"At umm... into girls ba siya?"

"Into girls? Alam ko, may mga nakarelasyon siyang babae noon. Bisexual ang bruha na 'yon, e. Medyo malandi nga lang."

"Paano ba siya makukuha? Anong klaseng panliligaw ba ang gusto niyang gawin sa kaniya?"

Biglang napataas ang kilay ko sa mga itinatanong nito. Usually kapag ganito ang tinatanong sa akin, alam ko na gusto nila si Lilian. Bakit itong si Kleah, curious na curious sa best friend ko?

"Ah, wala namang specific na gusto 'yon. Basta masarap ang mga pagkain, okay na."

"Anong klaseng gifts ang gusto ni Lilian? Mamahalin ba, o 'yung may effort?"

"Wala nang rega-regalo doon. Basta gusto niya 'yung tao, sarili na niya inireregalo niya."

"Ah, ganun pala."

"Bakit puro ganiyan ang tanong mo? Tell me... may gusto ka ba kay Lilian?"

"W-wala! Bakit naman ako magkakagusto doon? Ang sama nga ng ugali non, dahil suki na ako ng pagtataray niya. Saka isa pa, curious lang talaga ako. Wala akong balak doon."

"Kumalma ka. Tinanong lang naman kita."

"Hay, naku! Ayaw ko talaga kay Lilian. Ang sama ng ugali tapos hilig pa niyang magparinig. Oo na, siya na ang maganda. Naku naman, nakakakulo ng dugo."

Inabot agad nito sa akin si Caramel. Naglabas ito ng ice cream sa dala niyang bag, at inabot niya ito sa akin. Kinuha agad ni Caramel ito, at siya na mismo ang nagbukas.

"Salamat." nakangiting sabi ko kay Kleah.

Ngumiti ito pabalik sa akin, at naglakad na siya pabalik sa bahay. Nakangisi naman ako dahil alam ko na may gusto ito kay Lilian, kahit na itanggi niya pa.

Pinagmasdan ko si Caramel habang kumakain ito. Hindi na siya makalat kumain dahil gumagamit siya ng kutsara. Pinupunas-punasan ko ang labi nito kapag may sumosobrang ice cream sa bibig niya.

"Tingin mo, gusto ni Tita Kleah si Ninang Lilian mo?" nakangising tanong ko dito.

Tumingin ito na parang may bagong chismis na narinig, at agad siyang tumango sa akin. Ngumisi nalang ako at pinakain ko na ito ng ice cream.

Nang matapos ako, iniwan ko na muna ito sa upuan doon at nagpaalam ako na titimplahan ko siya ng gatas. Andoon naman ang kapitbahay ni Esther na dalagita na si Jessa, at sinabi nito na babantayan niya ang bata.

Pagbalik ko, nakita ko na umiiyak ito habang hinehele ni Jessa.

"Oh, bakit? Jessa, ano ang nangyari sa baby ko?"

"Wala naman po. Siguro po, naiinitan lang."

Nagpaalam na ito sa akin. Binuhat ko na ulit si Caramel. Namumula ito, at nakanguso habang umiiyak.

Why Miss Tolentino Keeps on Denying [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon