"May tanong pa ako" Saad ko, tinaasan naman ako ng kilay ni Shuela na ibig sabihin na 'Mag tanong ka lang'
"Bakit ayaw mong may makakita ng iba??" tanong ko pa pero wala akong nakuhang sagot kaya lumabas na lang ako
Mas naging tahimik siya kumpara dati at laging English na ang kaniyang sinasagot o di kaya pag nagsasalita siya
Minsan nga naiisip kong sinaniban si Shuela ng foreigner na multo eh, English-era kasi eh. Napailing na lang ako habang pababa sa hagdan
Pabagsak akong naupo sa sofa muli nang bigla namang lumabas ng kusina si Sweet na may dala-dalang isang basket ng candy
'San kaya nanggaling??'
"Gusto mo, ate Sh—" huminto siya sa kaniyang pag sasalita dahil pinanlakihan ko siya ng mata "I mean, ate Coldhearted" nakangiting ani niya saka inabot sakin ang basket ng candy
Kumuha naman ako ng isang dakot "Wag na wag mong babanggitin ang totoo kong pangalan rito dahil 'yung tao roon...." tinuro ko 'yung pintuan ng silid ni Shuela "Ay mag tataka, kaya wag mong babanggitin. Nag kakaintindihan ba tayo, Sweet??" sunod-sunod naman ang pag tango nito saka sumubo ng isang candy'ng balat na, malamang!!
Binato ko naman sa kaniya ang balat ng candy'ng nasa bibig ko na ngayon, sumimangot naman ito bago ako inirapan
'Iba!! Itong babaeng 'to....'
"Sundutin ko 'yang mata mo, irap-irap ka pa ba d'yan" masungit na ani ko
"Sorry" nakayukong pag hinge nita ng sorry
"Wag mo ng uulitin 'yun" Saad ko at tumango naman ito saka tumakbo pabalik sa kusina na siya namang pag kakita ko kay Shuela na nakatayo sa likod ni Sweet
"Oh andyan ka pala"
"Obviously" pilosopong ani Shuela "Your sibling??" tanong ni Shuela habang nakaturo sa Entrada ng kusina kung saan doon pumasok si Sweet
"Sort of" simpleng sagot ko, nanatili ang tingin ni Shuela sa Entrada ng kusina pero umupo rin naman kinalaunan
"How do you meet your group??" tanong sakin ni Shuela habang naka dekwatrong panlalaki
"Same org." tumango naman si Shuela
"Who did you meet first??" tanong pa ni Shuela
'bakit kaya nag tatanong siya ngayon??'
"Si....." Sino nga ba?? "... Si Ano.... Si Death heart ata" Hindi sure na sagot ko, tumango naman si Shuela
Natahimik na kami dito sa may Sala hanggang sa lumabas na 'yung grupo ko sa kusina, well maliban kay Music killed na hindi nag ii-stay rito dahil may sarili siyang tirihan
Nakita ko kung paano inirapan ni Lady Monster itong si Shuela kaya Napailing na lang ako dahil pag 'tong si Lady Monster pinatulan ni Shuela paniguradong ngangawa ang isang 'to
"Kain ka na, Shuela" ani ko pero hindi naman ako inimikan kaya tumingin ako dito
Nakita Kong nakatingin siya sa veranda, nakatulala pala kaya nang binato siya ni Lady Monster ng bread knife ay hindi niya naiwasan, daplis lang naman sa ilong niya ang naging bunga
Masamang tingin na binalingan niya si Lady Monster na patay malisya. Nakakunot ang noo ni Shuela Habang nakatingin kay Lady Monster
Tumayo ito at nag lakad patungo sa pwesto ni Lady Monster at saka walang hirap na hinawakan ni Shuela ang kuwelyo ni Lady Monster at inangat ito
CHAPTER 45:
Magsimula sa umpisa