"Ano beks kaya pa?" pigil ang tawang tanong sa kanya ni Art

"Ewan ko, suko na ata ako" bumuntong hininga siya

"Ay may naalala ako!" biglang siglang sabi ni Gwen

"Anooooo?" tanong ni Art, habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa

"Inimbitahan ako ni Ate Viy sa birthday niya bukas" excited na sabi niya

"Ate Viy?" tanong ni Art na halatang hindi matandaan kung sinong ate ang tinutukoy ni Gwen

"Si ate Viy, pinsan nung ano dati ni Gab" sabi niya na halatang nahihiya sa'kin

"Ahh oo nga. Naalala ko na. G ako" masayang sabi niya at dahan dahang humarap sa'kin

"Ikaw beks? Sasama ka ba? tanong ni Art

"Sama kana mads. Ngayon nalang ulit rtayo makakaparty" sabi niya habang nagpapa-cute. "Woohhhh PARTY! PARTY! PARTYYY!" masayang dagdag niya pa. Nagulat ako ng bigla silang nagsasayaw ni Art. Tbh, mukha silang tanga. Tawa sila ng tawa habang sumasayaw.

"May gagawin ako bukas e" sabi ko na naging dahilan ng pagtigil nila

"Haaaaaa? Bakit namaaannnn?" nangungulit natanong ni Art. Kita ko naman ang biglang pagseryoso ng mukha ni Gwen

"Basta, hindi talaga pwede" sabi ko habang ngumingiti ng pilit.

"Hindi ka pwede o may ayaw ka lang makita?" deretsong tanong sa'kin ni Gwen. Si Art naman ay naghihintay lang kung ano ba ang isasagot ko

"Gwen, alam mo naman diba" mahinang sabi ko sa kanya

"Alam ko naman yun Gab. Kaso kasi tatlong taon na. Tatlong taon na yung lumipas pero kung umasta ka parang kahapon lang yun nangyari. Mag move-on ka naman na Gab. Hindi ka ba napapagod?" mahabang sabi niya na nagpatahimik sa aming tatlo.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Totoo naman kasi talaga yung sinabi ni Gwen. Tatlong taon na pero bat ganun? Nagpapakatanga at umaasa pa rin ako na pwede pa. Mabuti sana kung ang buhay ay parang fairytale lang, palaging nagtatapos sa happy ending. Kaso hindi e, masakit tanggapin kung ano talaga yung totoo. Ang tagal na nun pero bat ramdam ko pa rin yung sakit? Psh. Ang tanga tanga ko talaga.

"O mauuna ako sa inyo. Art bahala ka na dyan ah" rinig kong sabi ni Gwen sa kalagitnaan ng pag-iisip ko

"Sige beks, goodluck hehe" sagot ni Art sa kanya.

"Art una na rin ako, may tatapusin pa kasi ako e" sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha

"Gab, isipin mo yung mga sinabi sayo ni Gwen. Sana bukas okay na kayo" pagpapaalala niya sa'kin. Tumango nalang ako at tuluyan ng tumayo at umalis.

Mabilis na natapos ang afternoon classes namin. Pasado alas-kwatro ay nasa tapat na ako ng aming bahay.

"Iha andito ka na pala" bungad na sabi sa'kin ni manag Fe pagkapasok ko ng bahay. "Kumain ka na ba?" dagdag niya pa

"Opo, kumain na ako. Magpapahinga na po ako sa taas" matamlay na sabi ko

Pagka-akyat ko ay naglinis na ako ng katawan, nagpalit ng pangtulog at nahiga na sa kama. Dala ng pagod ay napapikit ako. "Gab gising na" yugyog sa'kin ng kung sino. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at Nakita ko si manang Fe na nakatayo sa tapat ng kama ko.

"Anong oras na po?" magalang na tanong ko sa kanya

"6 am na iha" sabi niya naman sa'kin

"Ah sige okay po. Salamat" nakangiting sabi ko sa kanya

MEMORIESWhere stories live. Discover now