"Sabay ako sa inyo." sabi niya.

"E, wala ka man lang ticket."

"Hm, meron nga no." sabi niya.

"Nasan nga, patingin." galit kong sabi.

Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako kay ate.

Hm, ewan ko ba.

"Wala sa akin nandun kay Andy." sabi niya.

"Ede wow." sabi ko.

"O nasan si Junior?" dali kong tanong.

"Nandun sa bahay ng kaibigan niya."

"As always." sunod niyang sinabi.

"Paano na dito sa bahay, walang tao rito?" tanong ko.

"Humingi na ako nang pahintulot kay Mom and Dad at patungo na si Manang Clarissa dito." sabi ni ate.

Wala lang ako sa sinabi niya at hinila ko si Maris patungo sa labas.

Naglakad lang kami patungo sa parke kung saan nandun ang peryahan kasi sinabi ko sa kanila na maglakad na lang kasi para exercise naman paminsan minsan.

Sang-ayon naman si Maris while si ate.

"Ay ano ba, nakapabagal maglakad sasakay na lang tayo ng traysikel sige na." sabi niya.

Pa ganun ganun si ate tapos sinabi ko sa kaniya na...

"Hindi ako si Andy kung ayaw mo ede sumakay ka na!" sigaw ko.

Binalewala ko lang ang mga tao sa daan. Dahil sa kahiyaan nang aking ate, sumabay lang siya sa amin.

"Huy Amy, hindi ka ba nahihiya tingnan mo ate mo o." bulong ni Maris sakin.

Binulong ko rin sa kaniya na....

"Wala akong pakialam sa kaniya, siya ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa kaniya."

Tumahimik lang si Maris tapos ko binulong yun sa kaniya.

Ah alam ko na kung bakit galit na galit ako kay ate.

Si ate kasi ay matalino ngunit hindi masyado. Kapag sa Math at Science well busted na siya. Nag-away kasi ang aking mga magulang at si ate dahil kay Andy.

"Mag first year college ka pa Angelica!" sigaw ni Dad.

"Oo Dad alam ko ngunit mahal na mahal ko siya." sabi naman ni ate.

"What about your academic excellence your achievements....."sabi ni Mom.

"Hindi kami sang-ayon Angelica!" sabi ni Dad.

"Go to your room now!" sunod niyang sinabi.

Akala ko sa school na hindi ko na makita sina ate at Andy na magkasama ngunit lumiban pala si ate.

Sinumbong ko ito kina Mom and Dad at mas naging malubha ang awayan nila.

Nagalit ako kasabay ng katakutan kasi nag-alala ako kay ate kung ano ang mangyayari sa kaniya, kaya dun nagalit ako.

Wala ng magagawa sila Mom and Dad kaya pinayagan na lang nila si ate Angelica ngunit ako hindi.

Narating na kami sa peryahan. Hinanap ni ate ang kaniyang love of my life na si Andy at nagpaalam na siya sa amin.

"Andy! Pupunta na ako dun bye."

Kinawayan ni Maris si ate ngunit ako.....burp na lang.

Kinuha ko ang ticket na nandun ni Maris at agad akong nagtungo sa gun game, you know yung target game.

My Hater My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon