Chapter 17: The PROPOSITION

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumapit ako sa kanya pero nakaharap siya sa likod so malamang sa malamang hindi niya ako nakita.

“Y-Yana sa harap mo.” Sigaw sa kanya ng kaibigan niya.

Papaharap palang siya pero nabunggo na ako ng sinasakyan niya. Hindi naman masyadong masakit malambot kasi yung tumama sa tuhod ko yung nguso nung panda ata yung tumama. Napansin ko din na muntik na siyang mahulog doon sa animal car kaya napayakap siya sa leeg nung animal car at napapikit.

“Ouch.” Actually niloloko ko lang siya kasi hindi naman ako nasaktan.

She lifted her head, I saw irritation her lovely face.

0__0

What did I say lovely. Mali ugly pala yun.

“Kasalanan mo iyan kung bakit ka nasaktan hindi ka kasi tumitingin.” Naiinis na sabi niya sabay naghulog ng token sa sinasakyan niya.

Nasa likod ko lang sina Andrei hindi din sila nagsasalita pero feeling ko gusto nila ang nangyayari. Naririnig ko kasi ang mga mahihinang tawa nila.

I smarked at her, hindi ako magpapatalo sa kanya. Tumingin siya sa likuran ko nakita ko din na kumunot ang noo niya.

“Kasalanan ko? Baka nakakalimutan mo miss ikaw ang bumangga sa akin.” Mas lalo ko pa siyang nginisian.

Tama naman ang sinabi ko kung hindi siya nakatingin sa likod hindi niya ako mabubunggo pero dahil nga iniinis ko siya sinadya ko iyon.

“Well sorry mister hindi kita mababangga kung hindi ka hahara-hara dyan at tumitingin ka sa nilalakaran mo.” Inirapan niya pa ako. “At isa pa wag ka ngang maarte dyan as if naman masakit ang pagkakabunggo ko sayo, ako nga itong muntik nang malaglag.” Umikot na siya at umalis.

Bago siya makalayo sumigaw ako.

“So you’re into this kind of stuff Ms. Amazonang Espasol.”

“Wala kang paki!!” pabalik na sigaw niya sa akin.

“Pfffft.”Nagpipigil parin sila ng tawa.

“Ilabas niyo na yan.” I sarcasrtically said.

-__________-

Pagkasabi na pagkasabi ko nun tumawa sila ng malakas.

Mukhang hindi ko pa masasaabi sa kanya ang gusto ko well makakapag-antay naman iyon hanggang mamaya.

**********

Pagkatapos nung nangyari umalis na kami at dumiretso sa quantum magbabasket ball lang kami saglit tapos kakain na at aalis na kasi mageeleven na 12 ang pasok baka nga itake-out nalang namin yung pagkain.

Dumiretso na kami sa quantum at bumili ng tokens tig50 pesos lang ang binili namin kasi hindi naman kami pwedeng magtagal dito.

“Tara na!!” Excited na sabi ni Drake.

“Saan?” Si Jasper.

“Anong saan edi doon sa mga basketball ano ba sa tingin mo ang gagawin natin dito. Hay Jasper utak. Psh.” Sabi ni Andrei sa kanya.

Naglakad na kami paputa doon at naglaro hanggang sa maubos ang tokens namin, dahil sa sobrang tuwa hindi na namin namalayan ang oras. Natagalan din kami kasi medyo tumagal yung oras kasi mataas ang points. Hindi na namin naisip na kakain pala kami sa kakalaro nawala na sa mga utak namin.

Pagpunta namin sa parking wala na yung mga sasakyan sa harap namin at napalitan na ng ibang mga sasakyan. Mabilis kaming sumakay sa mga sasakyan namin at pinaharurot ng mabilis. Magugutom ako mamaya nito.

Secretly in LOVE with our RIVALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon