Chapter.19
Matthew's pov.
Nung nalaman kong umalis sila, agad akong nagmadaling umalis dun at pumunta ng bar para uminom ng kunti. "Hey richard, isa pa nga." Hirit ko sa kanya. "Ang yare pre? Dahil ba sa babae yan?" Tanong niya habang nagaabot ng alak sakin. "Shut up." Asar ko. "Sino ba yan at baliw na baliw ka?" Tanong niya nanaman sakin. "Basta makikilala mo din siya, makikita mo rin yun." Sabay laklak ko ng alak. *wag mong sabihin sakin zendmon, na gusto mo rin si madie.*
Kinabukasan.
Pagpunta ko ng office niya nagkasalubong kami ni madie, ngumiti lang siya sakin at napahinto ako. Nagdalawang isip ako kung tatawagin ko ba siya o hindi... Pagkalingon ko, wala na siya dun. "Hi matt." Bati sakin ni rianna. "Oh ikaw pala." Gulat ko. "May gagawin kaba mamaya?" Tanong niya sakin. "Ah wala naman." Sagot ko. "Okay lang ba kung sumabay akong kumaen sayo mamaya?" Hiya niyang offer sakin. "Sorry, may pupuntahan kasi ako eh." Tanggi ko sa kanya. "Sige una nako." Paalam ko sa kanya. Agad akong dumiretso sa office ni zendmon para yayain siyang uminom.
Bago ako pumasok nakita kona naguusap si zendmon at madie. "Mukhang seryoso pinaguusapan nila." Tinitingnan ko lang sila sa malayo. *yun na ba talaga zendmon? masisira ba ang pagiging magkaibigan natin ng dahil sa kaniya?* Pumasok na ako sa loob at naabutang nagtatalo nanaman sila. "Anong meron?" Taka kong tanong. "Ah wala, tsaka bakit bigla bigla kang pumapasok?" Sigaw ni zendmon. "Yah! Tama bang sumigaw ka sa harapan ko." Sigaw ni madie sa kanya. "Malamang, dahil secretary lang kita." Naririndi na ako dahil sigaw sila ng sigaw.
"Madie, gusto mong sumama sakin?" Tanong ko sa kanya. "Saan?" Tanong niya. "Kahit san, basta kasama ka." Hirit ko. "Ah, may lakad kasi kami ni dianne, next time na lang." Tanggi niya sakin. "Madie, pano yung lakad natin mamaya?" Tanong niya dito. "Bahala ka sa buhay mo." Taray niya kay zendmon at sabay alis. "Wow, di ako makapaniwala na kaya niya akong sigaw sigawan na boss niya, wow!!." *bakit ganito? nagseselos ba ko? malamang, dahil gusto ko si madie, gusto ko akin lang siya.*
Maddison's pov.
"Wow! Akala niya kung sino siya, porket ba boss ko siya lahat ng gusto niya gagawin ko." Grabe nahihigh blood ako sa taong yun. "Bakit ba palagi kayong nagaaway ni sir zendmon? Para kayong asot pusa." Biro nito. "Oo,siya yung pusa, ows nasisira yung beauty ko." *di ako makapaniwala na kaya niya akong sigaw sigawan ng ganun lang.* "Madie, alam mo pansin ko lang, palagi kang blooming ngayon, inlove kaba?" Sambit ni rianna. "Kanino naman? Di naman ako inlove nu." Deny ko.
"Ewan ko sayo, depende kay matt or kay sir zendmon." Nagulat ako sa sinabi niyang yun. "Hoy issue ka, never akong maiinlove sa dalawang yun nu." Hirit ko. *pero pano kung ganun nga, naku hindi pwede, magkaibigan sila, ayokong masira yun.* "Madie." Tawag ng assisstant ni zendmon. "May emergency meeting next week, gusto ni zendmon na ikaw yung magrereport sa kanya." Sambit nito. "Eh si lorence? Asan siya?" Tanong ko. "May emergency na nangyare sa kanila, kaya ikaw yung pinagrereport niya bukas." *teka seryoso ba? anong gagawin ko?* "Okay." Sagot kona lang.
"OMG! Madie, ikaw yung unang babae na magrereport sa kanya, goodluck." Tapik niya sakin. "Kaya ko ba to?" Kabado ako. "Kaya mo yan ikaw pa." Kindat nito sakin. *di naman niya talaga akong secretary eh, bakit niya pinapagawa lahat ng to.*
Zendmon's pov.
"Kapag nagawa niya yun, gagawin ko na siya secretary ko, yung totoo na, hindi na yung panggap lang, dahil nakikita ko sa kanya na masipag siya, kaya deserve niya maging masaya." Paliwanag ko sa assisstant ko. "Sure na ba kayo jan mr.ceo?" Tanong niya sakin. "Oo, ibalita mo sa kanya to, hindi ito totoong report, magsuccess man siya o hindi, gagawin koparin siyang secretary ko." Dagdag ko. "Okay sir makakarating po sa kanya."
Paalam niya sakin at umalis na ng room ko. *bakit ko to ginagawa? i think im inlove with her, but diko masasabi yun, dahil bago ko pa lang i mean ilang days pa lang, pero nung unang kita ko pa lang sa kanya, nahulog na yung loob ko sa kanya, para bang ewan.* "Sana masuccess mo parin to, dahil magbabaguio pa tayo." *hayst baliw nako, bat ko ba kinakausap yung sarili ko?*