Tips And Guides In Writing

By IndividualFlight

87 5 1

Tips And Guides In Writing. Definitely po, HINDI ako dalubhasa sa pagsusulat. I'm just giving my own opinions... More

Tips and Guides

87 5 1
By IndividualFlight

How do I start thee? :(

Error 404 - Speech not found. Proceed to other writeups below.

Titulo

Yung title ay dapat catchy sa mababasa. Eto yung isa sa makakadagdag sa mababasa mo. Dito, iikot ang storya. Soul to ng yong sulatin eh.

Gawin mo ring desente. Wag yung parang 4ever 4nd 3ver .. Ano to? Algebra? Gawin mo nang Forever And Ever. (example lang) Siguro'y gamitin mo lang yung may mga numero at yung mala-jejeng titulo if necessary at kung sa tingin mo' y ganun talaga dapat at kung mapapakinabangan mo.

Ayon sa isang librong nabasa ko, limitahan mo ang paggamit ng mga salita sa titulo. Wag masyadong mahaba dahil baka malimutan agad. Siguro'y 4 to 6 syllables or 3-5 words lang.

( I did not follow this.. Lol. 7 words yung akin eh )

Book Cover

Isa rin 'to ang nakakahuli ng pansin ng mga mambabasa. Kung maganda ang titulo mo ngunit hindi naman gaanong maayos o malinis tignan ang cover, hindi rin naman sila mapupursue na magbasa at maaaring masasayang ang effort mong magsulat kung ganoon kaya't lubusin mo na at magpagawa o gumawa ka ng sarili mong cover.

a. Font

At least sa cover ay sana maintindihan yung titulo mo kaya gumamit ka ng font na pinagpilian mo talaga. Wag kang mag inie-minie-minie-mo sa pagpipiliang fonts. Maraming font styles, oo, alam ko. Pero pagpilian mo parin.

b. Color

Sa kulay naman, piliin mo yung naaayon rito. Kapag yung background color mo ay white, tingin ko, lahat ng font color ay babagay maliban sà light colours. Pero kung ang background color mo ay dark, light colors ang pangcontrast dapat 'jan.

Content

Dito ka dapat mag concentrate. Dito mo malalaman limitations mo sa pagsusulat at kung hanggang saan mo kayang panindigan ang pag uupdate ng storya.

Makikita mo rin dito kung saang banda ka sinoporthan ng mambabasa, base sa nilalaman nito. Wag mong gawing boring at lagyan ng kung anu-ano kung di naman kinakailangan at wag ka gaanong magpasikot-sikot, dahil ang mga mambabasa ay nagsasawa rin naman yan.

a. Grammatizations and Pluralizations

Sa dami ng storyang nabasa ko na, may mga wrong grammars talaga. Hindi naman maiiwasan eh. Kahit eksperto ay may mga mali pa rin. Maraming kritiko 'jan na nagmamasid at pwede niyong ipa-correct. Nag school naman siguro kayo.

b. Prologue

Da't may feelings dito. Syempre ito yung unang babasahin. Sa prologue ay pwede sigurong kumuha ka ng eksena sa storya mo. Pero dapat manatiling mysteryoso.

Or, pwede ring ito yung first scene mo sa story. Wag masyadong cliche! Give a different situation. Una palang, may kakagat na dapat.

c. Characters

Okay lang naman na hindi gaanong unique ang pangalan ng mga chracters mo sa story. Pero para saakin ay ang pag bigay ng unique name ay isang estratehiya para maging memorable sa mambabasa yung obra mo.

Gawin mong naayon sa mga pangalan nila yung role nila.

Dominique Gabrielle Oxford daw tapos manlilimos lang pala sa kalye. Ang gara ne. Unless kung necessary na ganoon talaga dapat. Manlilimos siya pero anak-mayaman pala. Yun, pwedeng ganun... Am I making sense? Lol.

d. Vocabulary

Mas lalo kang hahangaan kung makakagamit ka ng malalalim na salita at kung malawak ang bukabularyo mo. Isa pa, mas mabisa ito sa pag eexpress ng feelings ng character para mas dama ng mga mambabasa. Although hindi naman ito minamadali at panahon sa pagbabasa at pageensayo sa pagsusulat ang kinakailangan.

e. Chapters

Advise ko lang na sa bawat chapter ay sa hulihan ay magkakaroon ka ng Cliff hanger chorva. Optional lang po. Pero kung cliff hanger ang bawat hulihan ng storya mo, magpaptuloy ang mga mambabasa mo hanggang sa hulihan ng storya mo, dahil magkakaroon sila ng interes sa kung anong mangyayari sa susunod. Bitinin mo muna sila.

f. Updates + Votes

Wag na wag kang hihingi ng 350 votes and comments lalong lalo na kapag starter ka palang. Like...

Para po sa susunod na update, kailangan ko ng 350 votes. Kaya go! Be a fan, vote and comment.. :)

No. Don't do that. Just... don't

Sa pag uupdate naman, sana ay frequent ka dito. Kung busy ka naman at may hadlang sa iyong pag update, mag set ka na ng date kung kailan ka mag uupdate muli para alam nila kung kailan sila mag oonline dahil yung iba ay sa mobile lang gumagamit at yung iba ay nagpapaload pa. Kaya mas magandang ganun para di mawala ang mga readers mo.

g. Sequels

Wag na wag mong isasabay ang sequel 1 and 2 ng iisang storya kapag di pa tapos ang sequel number 1. Bakit?

Una, madali nilang mapepredict ang mangyayari sa sequel one o two by merely reading one of the sequels.

No thrill + no excitement + Combined updates of sequels 1 &2 = you will lose some readers because na predict na nila ang ending. End of the production of reads.

Ikalawa, nakakastress mag UD ng sabay. Eh ako, 'wag n'yo kong tutularan kase isa akong sutil na batang hindi sumunod sa step G! Aayyyy Carambaaa!

h. Spacing

I've experienced this in my first story sa wattpad. Di ako naglagay ng spacing at alam kong nabawasan yung mga mambabasa ko. Nawala yung iba at yung ang sabi raw ay masakit sa mata sa pagbabasa kung walang space kada punctuation mark.

i. Inserting Song Lyrics

DO NOT COPY PASTE THE WHOLE SONG!

Why? Because yung iba, hindi naman nila alam yung song. Yung iba naman, alam yung tono. Pero hindi naman sila nagtungo sa wattpad upang mag karaoke. Pumunta sila para magbasa.

Or, kapag maglalagay ka naman ng song, sa ginta ng mga liriko ay mag lagay ka ng mga sitwasyon. Kumbaga, yun ang nangyayari habang nagpplay yung kanta.

j. Wag kang panira -_-

Wag kang sasabat sabat o mag bbutt in sa conversation ng mga characters mo. Like...

"Teka, bat ka nga ba nandito?"

"Ewan ko ba! Tanungin mo si Miss Otor!"

" Ano?! Bat ako sinisisi niyo? Gusto mo bang alisin kita sa storya?"

...Do not do that. Ambaduy men, ang baduy. No offense ment. :) Story NILA. Hindi tungkol SAYO.

k. Consider the comments

Kung may pagkakamali ka, at may nakakita nun, 'wag mong itatangging ikaw talagang damuho ka! Haha, galet?

De. Naranasan ko na ituu. Nagkoment ako kase ang grammar niya ay mali-mali. Sobra. Tipong negative ginawang positive ta's tipong hindi nakikinig kay Maam English!

Wag na pong idedeny ha? Sipain ko kayo 'jan eh. Dyowk.

l. Let it be heart-felt

Especially those break up scences (If ever)

Choose the words carefully, be detailed and don't forget to pour a pinch of your style!

Let it be heart-felt! Let those tears stream down and say, "How dare you put water in my eyes!"

m. Ang hindi marunong lumingon sa kan'yang pinaggalingan, malamang, may stiff neck.

Lagyan mo ng rubber band yung ulo mo para hindi lumobo. Mieee

n. Epilogue

The ending.

Depends on how it would end like. Tragic. Happy. Whatever. I dont care.

One tip though: Tragic endings lasts forever! Sawakas! Meh forever!

But, let it also be heart-felt. Madalas ito yung nakakalimutan. Epilogue ( not the ending as a general thought) kase madalas na-type sila basta may Epilogue part. Anyway, ang tip ko lang sa Epilogue, make dem crrryyy! Masokista yang mga wattpad readers na 'yan eh! Luha ang hanap! Including me. Tatak 'yan saakin eh. Parang *insert dramatic song* I trusted you! But all you did was to make me cry! I-I thought you were the one! *tapos luha na nagpapatunay sa forever* Ganern.

I hope dis helped. Hihi. Yun lang. Kung may suggestion, just leave a message sa comments below yeaahh below. Yeah. Do it you cute hooman being!

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 3 49
This story is intended for reading purposes only and is not my original work. I do not own the rights to this story. Please be aware it contains matu...
350K 5K 41
Bago pa masabi ni Senna na siya ay nagdadalang-tao sa kaniyang nobyo ay naunahan na siya nito sa pakikipaghiwalay. Tinanggap niya ang katotohanang hi...
483K 481 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
331K 11.3K 42
Amara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue...