Trixie POV
Papasok na kami ni Lovely sa school namin ng highschool.
Malaki naman ang school namin kaya dito gaganapin ang reunion at ngayong gabi na yun.
naglalakad ako na suot ang dress ko na silver at pa tube siya na above the knee at fitted sakin.
Napag usapan din kasi na kailangan formal ang suot,
sa bawat paghakbang ko,iniikot ko ang mata ko sa school at naalala ko ang bawat araw na kasama ko dito si Terrence.
Katulad na lang ng pangaasar niya,pangungulit niya,pagaaway namin na walang dahilan at syempre ang pagiging saltikin niya.Gusto kong umiyak dahil namimiss ko lahat ng yun.
"Uy Trixie,Anyari sayo.?"takang tanong ni Lovely
Di ko namalayan na nagbabatian na pala yung mga classmates ko dati.
"Hi Trixie kamusta na?balita ko Dj ka na ha?"bati ni yohann
"Okay lang naman, Masaya ko kasi natupad ko yung pangarap ko."I smiled
At naupo na ko.
"Ikaw kumusta ka?"
"Eto binata pa rin,isa na kong businessman ngayon,pwede ka bang isayaw?"
"Okay"tumayo na ko at inalalayan niya ko maglakad
Habang sumasayaw kami hinahanap ng mata ko si Terrence,
"Pre"
Tinapik niya sa likod si Yohann habang sumasayaw kami.
"Terrence" masayang bati ni Yohann
"Pwede ko bang masayaw si Trixie?"
"Oh sure"at ngumiti si yohann
"Salamat"-Terrence
"Enjoy the night ok"
Nginitian ko lang si Yohann at umalis na siya.
Nagtitigan lang kaming dalawa dito.
Nagulat ako ng bigla niya kong hapitin sa bewang dahilan para magkalapit ang mukha namin.
"Huwag kang matakot ako pa rin toh"bulong niya
Kasabay ng paghapit niya sakin ang pagtugtog ng kantang,
Lagi niyang kinakanta sakin dati.
NOW PLAYING:THINKING OUT LOUD
"Naalala mo yang kanta na yan?"bulong niya sakin habang sumasayaw kami.
Ngayon naman sinasayaw niya ko ng nakayakap sakin.
Hindi ako nagsasalita.
"Alam mo Trixie ang ganda ganda mo pa din at lalo kang gumanda"
"Trixie namiss kita at hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita"
Hindi pa rin ako nagsasalita at pinapakinggan ko lang siya habang pinipigilan ang luha kong kanina pang gustong pumatak.
"Namiss mo rin ba ko? Mahal mo pa rin ba ko?"
'Oo miss na miss kita at hindi nawala ang pagmamahal ko sayo'
Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi dahil may takot akong nararamdaman ayokong nang masaktan.
Biglang tumulo ang luha na galing sa mata ko.
Hindi ko na kinaya at tumakbo ako malayo sa kasiyahan.
"Trixie sandali"pagpigil ni Terrence sakin.
Pero Hindi ko siya pinakinggan at patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Eto na naman ako tinatakbuhan ko nanaman siya.Siguro hindi ko pa kayang pakinggan siya dahil nakakaramdam ako ng takot.
Nahawakan niya ko sa wrist ko dahilan para mapatigil ako.
"Terrence please,*SOB*SOB*"
"Trixie!"
"Hayaan mo na lang akong umalis"
"Trixie sorry"lumuhod siya sa harap ko ng umiiyak.
"Terrence tumayo ka"
"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ko napapaliwanag sayo ang lahat"
Hawak hawak niya ang isa kong kamay.
Nanahimik lang ako na siguro yun na rin yung sign para sabihin niya ang dahilan niya.
"Nakiusap sakin ang kuya ni May Ann na samahan siya sa amerika dahil may sakit sa puso si May Ann."patuloy ang pagtulo ng luha niya habang nagsasalita siya.
"So mas pinili mo si May Ann kaysa sakin?"
"Mali ka Trixie, Hindi sana ko papayag na sumama sa Amerika pero..."
"Pero?"
"Pinagbantaan ako ng kuya niya na ipapapatay ka niya"
"Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"Dahil ayokong makita kang umiiyak at hindi ko alam kung makakabalik pa ko dahil hindi nila alam kung kailan gagaling si May Ann pero may nalaman ako"
TERRENCE POV
*FLASHBACK*
AMERICA
Umakyat ako sa taas dahil oras na para inumin ni May Ann ang gamot niya.
Papasok na sana ko sa kwarto ni May Ann ng marinig ko ang Kuya niya at siya na naguusap.
"Kuya maraming salamat talaga kung hindi dahil sayo hindi mapapasakin si Terrence"
Nanatili lang ako nakikinig
"Syempre para sayo gagawin lahat ni kuya"
"I Love you kuya"
"I Love you bunso"
"Nga pala nabayaran mo na ba yung Doktor na nagcheck up kuno sakin?"
"Oo ang galing mong umacting ha napaniwala mo talaga si Terrence na meron ka talagang sakin ha"
Ibig sabihin wala talagang sakit si May Ann
"Syempre kuya ako pa ba?pwede na nga akong maging artista eh"
"Hahahaha kawawang Terrence"
"Hindi siya kawawa dahil sakin siya napunta,si Trixie ang kawawa dahil ako ang pinili"
Hindi ko na nakayanang pakinggan sila kaya binuksan ko na ang pinto.
Sa pagpasok ko napatigil ang paguusap nila at nagulantang.
"May Ann niloko mo ko! niloko niyo ko!"
"Terren--"napatigil ang pagsasalita ni May Ann.
"MAY ANN NAGTIWALA AKO SAYO!INIWAN KO SI TRIXIE PARA SAYO TAPOS WALA KA NAMAN TALAGANG SAKIT HA!"
"Terrence mali yung narinig mo"
"MALI HA!ANONG MALI YUNG GINAWA MO KONG TANGA!"
"Pre huminahon ka"-kuya Louie
"ISA KA PA KUYA!TALAGANG PINAGPLANUHAN NIYO AH!CONGRATS TAGUMPAY ANG PLANO NIYO!!!BABALIK NA KO SA PILIPINAS!"
"SIGE UMALIS KA KUNG AYAW MONG--"
"BAKIT PAGBABANTAAN MO NANAMAN AKO NA IPAPATAY MO KO SIGE TULOY MO DI AKO NATATAKOT SAYO!!"
Agad akong pumunta sa kwarto ko at nagimpaki na, gusto ko nang umuwi miss na miss ko na si Trixie
"Terrence wait!"sabi ni May Ann habang hinahabol niya ko palabas ng bahay.
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"May Ann ito ang tandaan mo tapos na ang pagiging magkaibigan natin wala akong best friend na manloloko,WALA!!"
*END OF FLASHBACK*
"Trixie niloko niya ko,kaya bumalik ako dito para bumawi sayo mahal na mahal kita gusto ko ibalik natin yung dati *SOB*SOB*"
hinalikan ko ang kamay niya na kanina ko pa hawak hawak.
"Terrence mahal na mahal pa rin kita pero ayoko ng maramdaman ang iwanan at masaktan"
"Trixie"
"Ayoko na,Terrence kung sana sinabi mo sakin maiintindihan ko naman eh,maghihintay ako sana hindi mo tinago, edi sana may pagkakataon pa tayong dalawa. *SOB*SOB*"
"Trixie meron pa naman diba?mababalik pa naman natin yung dati diba?"
"Terrence tama na yung minsan na naiwan ako at nasaktan,Salamat na lang dahil sayo buhay pa ko sorry pero ayoko na talaga *SNIFF*SNIFF*"
"Trixie!"
Tumakbo na siya,Tinawag ko siya uli nagbabakasakaling baka lumingon siya pero nagkamali ako.
Masyado ko siyang nasaktan,Naiinis ako sa sarili ko bakit ko siya iniwan? Bakit siya pa?sana pinili ko siya kaya ko naman siyang protektahan.
Pero nung mga panahon na yun takot kasi ang naramdaman ko,bakit ang tanga tanga ko.
__
Trixie POV
Umuwi ako, Pagpasok ko sa bahay agad na bumungad sakin ang nagaalalang mukha ni mama at papa.
"Trixie anong nangyari?"Tanong ni papa.
"Si Terrence sinabi na nya sakin ang lahat"
"Na iniwan niya ko da--"
"Oo anak alam namin,alam namin lahat lahat"sabi ni mama na ikinagulat ko
"Anong alam niyo?"
"Anak sorry, Bago siya umalis pinaalam niya samin ng papa mo na aalis siya pati si Lovely alam niya rin pero sinabi niya samin na wag namin sabihin sayo"
"MA BAKIT?"
"Ayaw niya na habulin mo siya"
"MA MAIINTINDIHAN KO NAMAN EH!MA LAHAT KAYO GINAWA NIYO KONG TANGA!"
"Trixie ginawa namin yun dahil mahal ka namin"-Papa
"PERO PA KAYA KO NAMANG MAINTINDIHAN YUN!*SOB*"
naiinis ako dahil ako lang yung tanging taong hindi nakakaalam nun.
"Trixie sorry *SOB*"iyak na ng iyak si mama habang yakap ako.
"MA!PA!ALL THIS TIME NILOKO NIYO KO"
Pagkatapos kong sabihin yun nagkulong ako sa kwarto.
Bakit ganito sila? Nasaktan din naman ako ha!