That Poorita Girl

By 1alun3

1.5K 314 41

Maren Madriaga is an 18 year old girl who have a gifted brain, Her looks can also slay.. but she lacks on wea... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Author's Note
EPILOGUE

CHAPTER 8

39 12 9
By 1alun3

Maren's POV.

"Top two ka Maren!"

"Congrats!"

Agad na niyakap ako ni Hadlee at Zariah.

"Bakit naka busangot ka?" Taas kilay na tanong ni Hadlee

"Ngayon lang ako bumaba sa pangalawa," naka ngusong sagot ko.

"Hay nako! Girl, ako nga nung Junior High  pangarap ko masali sa top ten! Hanggang ngayon pangarap ko pa din!"

Hinawi pa ni Zariah ang bangs niya bago tumalikod at maglakad papunta kay Luke, ang boyfriend niya.

"Sasama ka ba mamaya sa—"

"Is that true!?" Kumalampag ang pintuan dahil sa marahas na pagkakabukas dito.

"Yes! Top five ako, Okey Dokey yo!" Sumasayaw pa si Seven habang nag lalakad papunta sa upuan niya.

Nag lapag ito ng strawberry juice sa table ko at ipinag patuloy ang pagsasayaw.

Binasa ko ang note na nakapakat sa bote ng strawberry juice,

"You did a great job teaching me, Let's eat dinner together." Agad na itiniklop ko ang papel ngunit huli na dahil naka ngisi na sa akin si Hadlee.

"Guys! Mag di-dinner si Maren at Seven mamaya, sila lang dalawa!" Parang reporter na pagbabalita nito.

"Hindi, nagkakamali ka!"

"Wah! Reeen, Enjoy!" Tumatalon pang sabi ni Ari

"Madaya!"

"Sama kami!"

"Siete, madaya ka!"

Sunud-sunod na sigawan ng mga kaibigan ni Seven ang umugong sa kwarto.

"Class!" Isang sigaw lang ni Sir Espina ay tumahimik na ang buong klase. Parang isang ihip lang ng hangin ay tinangay na rin sila nito pabalik sa kaniya kaniyang upuan.

"This is an important announcement, So listen carefully!"

"Sir, Yes, Sir!" Sagot namin

"Next week.. We'll be having.." pa-suspense na sabi nito..

"We will be having what po!?"

"Ano ho Sir?"

"Intramurals!!!"

"Merrit High's School Trip will be held next week, Monday to Wednesday. 8:30 AM dapat nandito na kayo sa School, don't be late kung gusto niyong makasama."

Agad na nag sigawan ulit ang buong klase na sinubukang pigilin ni Sir Espina ngunit hindi na niya ma-control pa.

"Heh! Bahala nga kayo dyan!" Sigaw nito at dali-daling lumabas ng classroom.

"Karaoke Time!!!" Sigaw ni Zariah na agad namang sinundan ng talon ni Hadlee.

"Sama ka, Maren!" Masiglang aya sa akin ni Ari

"Oo nga!" Gatong naman ni Hadlee

"Oo na!" Hindi ko inaasahan ang pag-tili nila sa sagot ko.

"Sama ako!"

"Count me in."

Nabaling ang atensyon ko kay Syden sumunod ay kay Seven.

"Ha?" Naka ngiwing tanong ni Hadlee.

"S-Sasama ako," usal ni Seven

"Count me in," usal naman ni Syden

"Are you guys.. sure?" Tanong ni Hadlee

Matalim ang tingin ni Syden at Seven sa isa't isa bago sumagot ng sabay, "Oo."

"Sure!"

"The more the merrier!"

Napalunok na lamang ako bago inumin ang strawberry juice na ibinigay ni Seven.

"Hoy!" Reklamo ko ng bigla itong hablutin ni Seven at magtatakbo palabas. "Yah!"

"Sweet!"

"Tasty!"

"Yum!" 

Kanya kaniyang kantyawan ang namutawi sa loob ng silid, Nilasahan ko pa ang strawberry juice na naiwan sa labi ko bago kumaripas ng takbo palabas upang habulin si Seven.

"Yah, Seven De Silva!" Sigaw ko  habang hinahabol siya.

"Catch me if you can, hah!" Mapang asar na ani nito habang tumatakbo at iniinuman ang juice na ibinigay niya sa akin.

"Ibinigay mo na tapos babawiin mo pa!" Singhal ko

"Seven!"

"Seven!"

Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natalisod ako sa paanan ng isang bench dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.

"Shit! Maren!" Narinig ko ang pag karipas ng takbo ni Seven palapit at agad na lumuhod sa harapan ko.

Tinitigan ko ang nagdurugong sugat sa tuhod ko bago pigilan ang mga luha ko.

"Hey, I'm sorry na." Hinawi nito ang buhok ko at inalalayan akong maupo sa bench.

"Kaya mo bang mag lakad? Tara sa clinic."

"Huwag na maliit lang— Hoy!" Hindi ko alam ang gagawin ko ng bigla niya akong buhatin.

"Kapit!" Utos nito na agad kong ginawa, humawak ako sa leeg niya gamit ang dalawa kong kamay.

"Seven, hindi na kailangan—"

"Manahimik ka." Utos nito at agad na tinahak ang daan papunta sa clinic.

Habang naka-kapit ang mga kamay ko sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya.

Walang peklat o kung ano man sa mukha niya. Makinis, malinis at maputi. Isa lang ang napapansin kong hawig sa kanila ni Syden, It's their lips.

Maninipis at mapupula....

Ano ba itong iniisip ko!?

Ang sabi ni Syden ay hinalikan niya ako noon dahil biglang pumasok si Seven sa clinic, Na tense lang raw siya at nag-alalang baka narinig ni Seven ang pinag uusapan namin kaya agad na hinalikan niya ako.

Which I found weird.

Kaya simula noon ay hindi ko na siya gaanong pinapansin. Alam na rin ni Seven na hindi talaga kami ni Syden, Paano niya nalaman? Dahil sinabi ko.

Inilapag ako ni Seven sa clinic bed at naupo sa tabi ko, "Nurse Gigi, Nasan si Nurse Flores?" Tanong nito sa nurse na mukhang matanda lang ng ilang taon sa amin.

"Ah, May inaasikaso sa Hospital nila." Simpleng sagot nito at ngumiti habang nililinis ang sugat ko.

"May bibilhin lang ako," paalam ni Seven at agad na lumabas ng clinic.

"Jowa ka ni Seven?" Tanong ni Nurse Gigi sa akin.

"Hala, hindi po." Tanggi ko.

"Naku! Habang papasok nga kayo dito ay kitang kita ko na nag wo-worry siya sa'yo." Tukso pa nito

"Hindi po talaga, katunayan nga po ay siya ang dahilan kung bakit ako may sugat." Reklamo ko

"Oh, ano'ng ginawa niya? Tinulak ka—"

"Hindi po! Nadapa po ako kasi kinuha niya ulit yung strawberry juice na ibinigay niya sa akin." Sagot ko na nag patawa sa Nurse na kaharap ko.

"Nurse Gigi, nakikipag biruan ho ba 'ko?"

Napakurap ito at tumitig sa akin, "Pasensya  na—"

"Joke lang! Ikaw kasi tumatawa ka!" Naka ngusong sabi ko.

"Para kasi kayong mga bata," sabi nito at pinakatan ng band-aid ang tuhod ko.

"Okay na—"

"Excuse me," nanlaki ang nga mata ko ng makita ang dala ni Seven.

"Don't tell me.."

"I bought you a dozen of strawberry juice," naka ngiting sabi pa nito, pinag mamalaki ang isang kahong dala niya.

"Mga bata nga naman," umiiling na sabi ni Nurse Gigi bago lumabas sa kwartong kinaroroonan ko.

"Are you insane? Bakit bumili ka ng ganiyang kadami!? Mauubos ko ba 'yan?" Reklamo ko kay Seven.

"Hindi ko naman sinabing inumin mo 'yan ng isang araw lang. Lah gago, nadapa ka lang na alog na utak mo."

Agad na sinamaan ko ito ng tingin.

"Pag ako nainis hindi kita papasamahin sa karaoke!" Singhal ko

"Oh, sorry na." Naka ngiwing usal nito.

Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan bago pumasok sa utak ko ang nangyaring kissing scene namin ni Syden dito.

"Pag ba hinalikan kita ngayon, iiwasan mo rin ako?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Seven, agad na nilingon ko ito at mabilis na tumango.

Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa akin kapag hinalikan ako ng lalaking ito. Baka makasampal na lang ako bigla!

"Sabi ko nga hindi kita hahalikan dito," nag likot ang mga mata nito maya maya ay tumuro sa labas "Sa labas na lang kita hahalikan, pwede?"

"Yah, Seven De Silva! Do you wanna die!?"

***

"Inom pa, inom pa!"

"Cheers!"

"Sana Mama, ako na lang ang gawin mong Papa!"

Kanya kanyang kantahan na ang nangyayari sa loob ng Karaoke Club na ito, bumili kami ng mga juice at feel na feel naman ni Ari at Hadlee dahil kunwari daw ay beer iyon.

Si Luke na jowa ni Ari ay nakikisayaw at kanta na rin.

Habang ako ay nag ch-cheer lang, nasa magkabilang gilid ko naman si Syden at Seven.

"Kumanta naman kayo!" Reklamo ni Ari

"Oo nga!" Sigaw pa nina Hadlee

"Masakit lalamunan ko." Sagot ko

"Kayo namang dalawa ni Seven eh!" Pag mamaktol ni Zariah

"Tara na, arte!" Aya ni Seven at aktong dadamputin na ang mic ng biglang bumagsak din doon ang kamay ni Syden.

Napakurap ako ng ilang beses habang naka titig sa mic na hawak nila, pansin kong pinag aagawan nila iyon sa pamamagitan ng matatalim na tingin sa isa't isa at paghihilahan sa mic.

"Ilan mic dito!?" Sigaw ko

"Dalawa, p're!" Agad na sagot naman ni Luke.

"Kayo na lang munang dalawa kumanta," suhestyon ko na dahilan ng sabay na pag bitaw nila sa mic.

"Hay nako! bahala kayo dyan!" Tumayo ako at hinablot ang mic kay Zariah.

Nang lingunin ko ang pwesto ng dalawa ay si Seven ang unang naka kuha ng mic, naka ngisi pa ito habang pinapaikot ang mikropono sa kamay.

"Dalian mo, mang-asar pa e'." saway ko at nag-hanap ng kanta.

"Born for you, alam mo?" Tanong ko, agad na tumango ito. 'Yon ang ni-play ko at agad na ihinanda ang boses.

"Too many billion people running around the planet
What is the chance in heaven that you'd find your way to me," habang kinakanta ko ito ay naka tingin lamang ako sa screen ng Karaoke Machine.

"Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that happened
Though I search for an explanation," Napalingon ako kay Seven, His voice gives me goosebumps, ang lamig.. ang ganda.

"Only one thing it could be
That I was born for you
I bless the day that I was born for you," kanta ko pa, naka tingin pa rin kay Seven.

"It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe
Conspired to make you mine until the day I die," sabay na kanta namin, naka titig ang mga mata nito sa akin habang kumakanta..

"I bless the day that I was born for you," bawat pag bigkas nito sa mga liriko ay parang kinikiliti ang puso ko..

Ang ganda ng boses.. sobrang ganda.

"Too many foolish people try to come between us
None of them seem to matter when I look into your eyes
Now I know why I belong here,"

"In your arms I found the answer
Somehow nothing would seem so wrong here,"

"If they'd only realize that
I was born for you and that you were born for me," lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko gamit ang isa nitong kamay.

Nag-simula ng mag kantyawan sina Zariah na naka upo sa likuran namin. Agad na dumaloy sa katawan ko ang hiya, alam kong namumula na ako ngayon.

"And in this random world, this was clearly meant to be
What we have the world could never understand
Or ever take away until the day I die," ngumiti ako kay Seven na agad niyang sinuklian.

"I bless the day that I was born for you,"

"What we have the world could never understand or ever take away
And as the years go by until the day I die," hinigpitan nito ang hawak sa kamay ko at naka ngiting nakatitig sa mga mata ko.

"I bless the day that I was born for you.." pag tapos ko sa kanta.

Pabalik na ako sa upuan ng biglang hilahin ni Seven ang kamay ko,

"Until the day I die, I'll cherish the day that I was born for you, Maren.."

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 924K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
4.9M 260K 34
Those who were taken... They never came back, dragged beneath the waves never to return. Their haunting screams were a symbol of their horrific death...
11.8M 304K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
24M 570K 32
"Y-your H-highness? I-i'm sorry b-but t-there m-must b-be a-a m-mistake..." A loud growl sounded through the whole ballroom causing me to start shaki...