Ace

By sobrilis

1.2K 104 0

[FIL] 'Ate, hindi ako magiging katulad mo at kuya, hindi ako magkakagusto kahit na sa babae.' Mapanindigan ka... More

Episode 1: Ako Si... (January 1, 2021)
Episode 2: Ang Kinasal (January 2, 2021)
Episode 3: Amang Bigo (January 3, 2021)
Episode 4: Amnesia (January 4, 2021)
Episode 5: Away (January 5, 2021)
Episode 6: Affair (January 8, 2021)
Episode 7: Alam Na (January 9, 2021)
Episode 8: Adorable (January 10, 2021)
Episode 9: Asawang Sawa (January 11, 2021)
Episode 10: Ayaw Na (January 12, 2021)
Episode 11: Apoy Na 'Di Mapatay (January 15, 2021)
Episode 12: Alamin Ang Kasarian (January 16, 2021)
Episode 13: Ano 'To? (January 17, 2021)
Episode 15: Ambag (January 19, 2021)
Episode 16: Amang Bumalik (January 22, 2021)
Episode 17: Alaman (January 23, 2021)
Episode 18: Alarakas (January 24, 2021)
Episode 19: Ang Nanalo (January 25, 2021)
Episode 20: Accusation (January 26, 2021)
Episode 21: Are We The Same? (January 29, 2021)
Episode 22: Afraid (January 30, 2021)
Episode 23: Agreement (January 31, 2021)
Episode 24: Alliance (February 1, 2021)
Episode 25: Anger (February 2, 2021)
Episode 26: Arrangement (February 5, 2021)
Episode 27: Alibi (February 6, 2021)
Episode 28: Adjustment (February 7, 2021)
Episode 29: Amin (February 8, 2021)
Episode 30: Akin Siya (February 9, 2021)
Episode 31: Argument (February 12, 2021)
Episode 32: Attempt (February 13, 2021)
Episode 33: Appearance (February 14, 2021)
Episode 34: Alok (February 15, 2021)
Episode 35: Ayaw (February 16, 2021)
Episode 36: Araw (February 19, 2021)
Episode 37: Asawahan (February 20, 2021)
Episode 38: Advance (February 21, 2021)
Episode 39: Akyat (February 22, 2021)
Episode 40 (Finale): Ako Ay... (February 23, 2021)

Episode 14: Aliw (January 18, 2021)

31 3 0
By sobrilis

Lester: Tara na, Tine. H'wag kang mag-aalala, hindi ako magluluto. Magpapa-deliver na lang tayo.

Christine: Bakit ka ba ganito, Lester? 'Di kita naiintindihan.

Lester: Ayaw ko lang na mahirapan ka. Gusto kong maging malakas ka lalo na kung totoong buntis ka nga.

Christine: Sure ka ba? Ipalalaglag ko na lang 'to. Ayos lang sa 'kin.

Lester: Mahal kita. Mas mahalaga ka sa 'kin. Pasok na tayo.

Pumasok na sina Lester at Christine sa kanilang tinutuluyan.

Samantala, sa school...

Exy: Thanks, Ace. Ilang beses ko na kasing hindi makabisado 'yong mga articles na need nating basahin. Kahit anong subok ko talaga eh wala.

Ace: Ayos lang. May times talaga tayo na nagse-space out tayo haha. Sandali lang ha? Kukuha lang ako ng novel? Gusto ko kasing magbasa pa. Anong oras na ba?

Exy: Ano pa lang, 11 AM pa lang. May 2 hrs pa tayong break. Take your time. Dito lang ako.

Ace: Okay. Thanks.

Pumunta sa mga shelves si Ace para maghanap ng magandang libro.

Ace: (Ito kaya? Parang bago 'to eh. Hindi ko pa s'ya siguro nababasa.)

Kinuha ni Ace ang libro at nakita n'ya si Michael sa likod nito kaya mabilis siyang pumunta patungo sa likuran niya.

Michael: Tanggalin mo 'yong kamay mo, Ace. Nakita na kaya kita.

Tinanggal na ni Ace ang kamay niya sa mukha ni Michael.

Michael: Tinitigan mo pa nga ako tapos tatakpan mo pa ako. May pagkabaliw ka talaga.

Ace: Sorry na. Ano bang hinahanap mo?

Michael: Naghahanap kasi ako ng quote book para sa pageant. 'Yong madadala 'yong mga judges pati na rin 'yong mga audience.

Ace: Alam mo, sa totoo lang, hindi mo talaga mapasa-satisfy 'yong mga judges sa 'yo.

Michael: Bakit naman?

Ace: Kasi naghahanap ka nga r'yan pero 'yang sasabihin mo na galing d'yan eh hindi na manggagaling sa puso mo. Para kang nagpapatalo agad-agad.

Michael: Wala kasi akong maisip na sasabihin kapag nagpakilala na ako.

Ace: No'ng practice no'ng lunes, pa'no ba 'yong pagpapakilala mo?

Michael: Wala, sinabi ko lang name ko. Wala pa nga kasi akong masasabi.

Ace: Maghanap ka na kasi magiging disappointed ako sa 'yo.

Michael: Manonood ka ba sa sabado?

Ace: S'yempre naman. Support kita. Kaya galingan mo.

Michael: Thank you, Ace.

Niyakap ni Michael si Ace. Natulala lang si Ace.

Ace: Gusto mo, samahan kita mamaya. Tulungan kitang mag-isip.

Michael: Sige, gusto ko 'yan. See you, Ace.

Ace: See you.

Bumalik na si Ace sa kinauupuan nila ni Exy.

Exy: End of the world na yata. Bakit namumula ang nag-iisang Ace, ha?

Pinunasan ni Ace ang mukha niya gamit ang kaniyang panyo.

Ace: Ako, namumula? Mainit kasi eh. Kaya gan'yan.

Exy: Maniwala ako sa 'yo, Ace. Alam kong hindi mo pa alam 'yong pakiramdam ng in-love pero parang gano'n na gano'n ka ngayon. Sino 'yan nang mapasalamatan?

Ace: Parang lang, pero wala talaga. Asa ka pang ma-in love ako sa kahit kanino. Nadidiri ako.

Exy: 'Di ko nga alam sa 'yo eh. Halos lahat ng mga kaklase natin, nagkakagustuhan na sa isa't isa tapos nagkakatuluyan na rin. Ikaw na lang ang isa sa mga hindi pa.

Ace: H'wag mong kalimutan na kasama ka rin sa mga 'yon. Saka, wala namang masama kung hindi ka iibig. Marami akong dapat atupagin. Hindi ako tutulad sa ginagawa ng maraming tao na pag-ibig ang inuuna Jaya hindi umuunlad bansa natin kasi 'yong mga iba, masyadong mga martyr.

Exy: Alam mo, may point ka at bago mo ako busugin ng mga words of wisdom mo ay kumain na lang tayo ng lunch para hindi tayo magutom mamaya sa test.

Ace: Good idea. Libre mo?

Exy: Sariling bayad muna. Bumili kasi ako ng ticket sa Miss Gay. Masaya ro'n, pupunta ka ba?

Ace: Kapag wala akong ginagawa, pupunta ako.

Exy: Ito, para hindi ka na bumili ng ticket, sa 'yo na 'tong ticket na 'to.

Ace: Bakit dalawa 'yong ticket na binili mo? Para sa crush mo, 'no?

Exy: Tumpak ka. Kaya lang, homophobic pala s'ya o ayaw n'ya lang sa akin kaya hindi s'ya pumayag. Siguro both.

Ace: Malay mo, mapabago mo s'ya. Kaya lang pala, hindi pala uso 'yon.

Exy: Tara na. Baka saan pa mapunta 'tong pinag-uusapan natin.

Umalis na sina Ace at Exy para pumunta sa cafeteria.

Samantala, sa tinutuluyan nina Lester at Christine...

Christine: Ito na 'yong delivery, daddy.

Lester: Pakikuha na lang, baby ko. Magbabanyo muna ako.

Christine: Sige. Thank you, kuya.

Kinuha na ni Christine ang in-order na food ni Lester. Hinanda na niya ito hanggang makalabas na si Lester galing ng banyo.

Lester: Kumusta 'yong pinabili ko?

Christine: Wow, 'yong favorite ko. Salamat, Lester.

Lester: Kain na tayo. Magpakabusog ka.

Christine: Subuan mo ako, please.

Lester: Sige na nga. Open your mouth.

Ngumanga si Christine at sinubuan na siya ni Lester ng pagkain. Sumubo rin si Lester ng para sa kan'ya.

Christine: Isa pa, daddy.

Ngumanga ulit si Christine ngunit nang susubuan na siya ni Lester ay bigla niyang hinalikan sa labi si Lester.

Christine: Sarap naman.

Lester: Mahal kita, Tine.

Christine: Love you too.

Lester: Matulog ka muna tapos paggising mo, pupunta na tayo sa clinic para magpa-check up.

Christine: Tabi tayo, daddy. Yakapin mo rin ako.

Lester: Sige. Ililigpit ko lang 'tong pinagkainan natin.

Pumasok na si Christine sa kuwarto nila samantalang si Lester naman ay naghugas ng kanilang mga pinagkainan. Ilang sandali pa...

Lester: Baby, narito na 'ko. Tulog na tayo.

Christine: Yes, daddy. Sweet dreams.

Nagyakapan ang dalawa at tulayan nang nakatulog ang mag-asawa.

Samantala, sa school...

Exy: Salamat talaga, Ace. Kung hindi dahil sa 'yo, baka hindi ako magkaka-49 sa test natin kanina. Nakailan ka nga pala?

Ace: 49 lang din, Ex. Nalito ako ro'n sa isang question. Baka bumaba na ang grades ko n'yan.

Exy: Ang OA ah. Isa lang ang mali mo. Hindi ka naman babagsak katulad ko. Ang tali-talino mo kaya.

Ace: Basta. Disappointed pa rin ako sa sarili ko. Simpleng quiz lang na ganito, binabasta ko lang.

Habang nag-uusap sina Ace at Exy ay tinapik ni Michael si Ace sa balikat nito.

Michael: Ace, tara na.

Exy: Sige, Ace. Uuwi na ako. Ingat kayo ng kasama mo. Ano nga pala ang name mo?

Michael: Michael.

Exy: Ako si Exy. Best friend ni Ace.

Michael: Hiramin ko lang ang best friend mo ah. Yayayain ko s'yang mag-date.

Exy: Iba naman pala, Ace. May lalaki rin palang nagkakagusto sa 'yo. Akala ko babae lang.

Ace: Ang sabi ko kanina, tutulungan lang kita sa activity mo.

Michael: Gano'n na rin 'yon. Ikaw nag-aya no'n pero gusto rin kitang yayaing mag-date.

Exy: Bahala na kayong mag-usap. Kailangan ko nang umuwi eh.

Ace: Sige, Ex. Bye bye.

Lumabas na si Exy ng gate at naiwan sina Ace at Michael sa loob.

Michael: Ex mo pala s'ya?

Ace: Hindi, palayaw n'ya lang 'yon. Hindi pa ako nai-in love sa totoo lang.

Michael: Kailan mo balak? Patanda ka na nang patanda.

Ace: Wala akong balak. Alis na tayo, may alam akong magandang lugar.

Lumabas na rin ng campus sina Ace at Michael at sumakay ng taxi. Samantala...

Lester: Narito na tayo, Christine.

Lumabas si Lester ng sasakyan at binuksan ang pinto para kay Christine.

Christine: Thank you, daddy.

Lester: Buhatin na rin kita.

Christine: H'wag na. Kaya ko naman. Hawakan mo na lang ako.

Naghawakan ng kamay sina Lester at Christine habang papasok sa clinic.

Lester: Doc, good afternoon po.

Doctor: Good afternoon, Mr. Sual. Are you here for your medication?

Lester: Yes, and also check my wife if she is pregnant.

Doctor: Noted, Mr. Sual. Mrs. Sual, shall we?

Lester: Sure, Doc.

Pumasok na silang tatlo para ipa-ultrasound si Christine.

Samantala, sa taxi...

Michael: Saan ba tayo pupunta, Ace?

Ace: Nadaanan na natin s'ya kahapon.

Michael: Talaga? Saan ba 'yan?

Ace: Kung saan ka nag-door bell. Nar'yan na pala tayo eh. Kuya, ito po 'yong bayad. Thank you po.

Bumaba na sina Michael at Ace ng taxi.

Ace: Tara na, pasok na tayo sa loob.

Michael: Papapasukin ba tayo? Hindi ba tayo banned r'yan kasi dahil nga ro'n sa doorbell?

Ace: Hindi 'yan. Akong bahala.

Papasok na sana sina Ace at Michael nang...

Guard: Kuya, kayo po si Ace, tama?

Ace: Tama, ito 'yong I.D ko para sure. Kaibigan ko pala, si Michael.

Guard: Sige po, binilin po kasi kayo ni Sir.

Ace: Sige, kuya, salamat. Papasok na po kami.

Binuksan na ng guard ang gate at pumasok na sina Ace at Michael.

Michael: Ang galing mo ah. Kakilala mo 'yong guard, ano?

Ace: Hindi kaya. Ngayon ko lang s'ya nakita. Tara, doon tayo sa likod. Malawak ang garden doon tapos presko pa ang hangin.

Naglakad na sina Ace at Michael sa likod ng bahay at umupo sa isang bench.

Michael: Magiging restaurant pala ito, 'no?

Ace: Oo raw, sabi ni Ex. Nabasa n'ya raw sa kung saan.

Michael: Ikaw ba Ace, nangangarap ka ba ng ganitong kalaking bahay? Ako kasi, gusto ko ng ganitong buhay, 'yong maginhawa.

Ace: Sa totoo lang, hindi 'yon mahalaga para sa 'kin. Mas sasaya ako 'pag natanggap na ng mga tao ang mga kapatid ko. 2020 na kaya. Mulat na tayo dapat sa mga ganito.

Michael: Iba pala ang priorities mo. Mas inaalala mo ang iba kasya sa sarili mo.

Ace: Wala naman kasi akong kailangan para sa sarili ko. Kaya nga ako mag-aabugado dahil do'n. Gusto kong ipaglaban ang mga taong deserving na tanggapin ng lahat. Alam kong imposible pero darating din 'yong panahon na matatanggap na ng lahat na hindi lahat ay straight at magiging straight.

Michael: Pero bakit sa catholic school ka nag-aral? Alam mo namang tutol sila sa gan'yang paniniwala o prinsipyo.

Ace: 'Yon kasi ang kaya ng scholarship ko. Pero hindi ibig sabihin ay tutulad na ako sa kanila kasi may sarili akong pag-iisip.

Michael: Hindi pa man tayo nag-iisip pero ang dami mo nang binibigay para sa pa-quote sa pageant.

Ace: Wala pa nga 'yon. Nagda-drama pa lang ako, promise 'yan.

Michael: H'wag ka nang pa-humble, Ace. Malawak naman kasi talaga ang pag-iisip mo.

Ace: H'wag mo 'kong pinupuri-puri d'yan. Hindi 'yan maganda. May itatanong nga pala ako.

Michael: Ano 'yon, Ace?

Ace: Anong masasabi mo sa tulad ni Belle?

Michael: Hindi ko alam pero bad influence s'ya kung sakaling magiging kaibigan ko s'ya.

Ace: Bakit naman?

Michael: Masyado s'yang liberated. Hindi man halata pero nasa loob ang lahat ng kulo n'ya.

Ace: Sandali. Pa'no mo nasasabi 'yan? Ano bang ginawa n'ya sa 'yo?

Michael: No'ng nasa States pa kasi ako, dumaan muna ako ng bar tapos natanaw ko sina Belle pati na 'yong sister-in-law mo.

FLASHBACK

Pagpasok ko sa bar ay umupo agad ako hanggang sa bigla kong napansin sina Belle kasama ng hipag ni Ace.

Emcee: The bidding for Groan King is open.

Michael: (Nagsimula na pala 'yong bid. Sayang naman. Akala ko sasayaw lang sila.)

Belle: Do you want that guy earlier? I promise you won't regret it.

Christine: I would though because doing so is cheating on my husband.

Belle: He's not even a real man. Don't you wanna at least experience heaven with a real man?

Naasiwa ako sa pinag-uusapan nila kaya lumayo ako nang kaunti kahit na nalasing na ako dahil sa mga ininom ko. Ilang sandali lang ay mapunta ako sa mga kuwarto. Nagising ang diwa ko nang makita kong may kahalikan na dancer ang hipag ni Ace kaya kinuhanan ko ng litrato at binigay ko kay kuya Lester.

BACK TO PRESENT

Ace: Kilala mo na pala kung sino ang lalaki ni Ate?

Michael: Hindi, nakamaskara s'ya no'n kaya hindi ko s'ya namukhaan.

Ace: Ah okay. Ayaw ko nang pag-usapan 'yan. Ikaw ang pag-usapan natin. Anong nararamdaman mo kay Belle?

Michael: Galit, siguro kaunti lang. Mas inggit siguro.

Ace: Dahil ba sa akin?

Michael: P'wede pero hindi 'yon. Nakita ko kasi kung gaano ka-supportive ang mga magulang n'ya. Sana ganoon din si dad sa akin kaya lang ang gusto n'ya lang makita sa akin ay 'yong magkanobya at basta gano'n.

Niyakap ni Ace si Michael.

Ace: Ako rin naman eh. Magpakatatag ka.

Habang magkayakap ay may biglang tumawag kay Ace.

Continue Reading

You'll Also Like

15.5M 472K 32
"We can't do this." I whisper as our lips re-connect, a tingling fire surging through my body as his hands ravage unexplored lands; my innocence di...
24M 571K 32
"Y-your H-highness? I-i'm sorry b-but t-there m-must b-be a-a m-mistake..." A loud growl sounded through the whole ballroom causing me to start shaki...
24.6M 849K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
1.7M 17.5K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...