An : Dedicated po ang chapter na ito sa dalawa sa masugid kong mambabasa. MheanRamos8 & Jem_love28 :) Maraming maraming salamat pati pa po sa iba na matyagang laging nagaantay. <3
°°°
#ElitesRevelation
Tahimik ang paligid at payapa ang panahon kaya naisipan kong maglakadlakad na muna palabas. Maiinip lang ako kapag maghapon na naman akong nagkulong sa dorm.
Mabagal akong humahakbang habang kung saan saan ipinapadpad ang utak ko. I feel drain. Hindi ko maipaliwanag ang mood ko. Lumilipas ang mga araw pero ako, nanatili akong naglalakad pabalikbalik kung saan ako nanggaling. Akala ko umusad na ‘ko, pero parang paulit ulit akong bumabalik doon sa mga araw na gusto kong alisan pero kapag napapalayo na ulit ako, muli ko na naman yung babalikan.
I can no longer feel my worth. Hindi ko makita yung daang tutunguhin ko. Yung para bang wala akong goal, pero patuloy lang ako sa pagsipa at pagtakbo. Ganun yung pakiramdam ko. Parang pinagpapatuloy ko na lang ang buhay ko para 'mabuhay.' Hindi para sa kung kanino o kung para saan. Yung mga paninindigan, pangarap at gusto kong makuha, unti unting nagiging malabo sa paningin ko. Siguro nga talagang napapagod ako. Nagsasawa. Tumatakbo pero hindi alam ang pupuntahan.
Ganun pala kapag masyado kang naliligaw sa sarili mong pagkatao. Hindi mo na mahanap yung sarili mo. Hindi mo mahagilap ang tunay na halaga mo. Para magkaroon ka ng kwenta ulit, muli kang babalik doon sa mga unang araw kung saan matibay pa ang pinanghahawakan mo. Deretso pa ang tingin mo sa daang tatahakin mo. Yung alam mo kung anong mga dapat mong gawin. Mga bagay na dapat mong ipaglaban...
Seryoso akong naglalakad kaya't hindi ko napansing napadpad na ang mga paa ko patungo sa orangery. Ang tagal na rin simula ng mapadpad ako dito.
Nagkaroon ako ng kahit katiting na excitement. Alam kong gaganda ang mood ko kahit hindi ako masyadong mahilig sa bulaklak at mga halaman,
Bago pa man ako makapasok ay napansin ko na ang isang pamilyar na pigura. Nakaupo ito sa hindi kahabaang kahoy na upuan. Kaharap ang mga namumukad na mga bulaklak sa iba't ibang laking paso. May hawak itong gitara na marahan n'yang ini-strum habang bahagyang iniindak ang kanyang ulo.
Nakangiti lang s'ya habang ginagawa n'ya yun. Matagal ko s'yang pinagmasdan bago ako tuluyang pumasok ng hindi man lang n'ya napapansin. Nang umupo na ako sa tabi n'ya, saka lang n'ya yun naramdaman at mabilis na lumingon sa'kin.
“Candy crush!” Masigla nitong bati na lalong nagpaaliwalas sa kanyang mukha.
“Tumutugtog ka rin pala ng gitara.”
Lalong nagliwanag ang mata n'ya ng sulyapan n'ya ang hawak, saka muling nakangiting nagbalik ng tingin sa'kin.
He pursed his lip and cheerfully nod.
Nakakainggit naman itong si Winter, walang araw na hindi ko s'ya nakitingang nakangiti. His eyes are always joyful.
“Gusto mong tugtugan kita?” ngiting ngiti pa rin nitong sabi. At some moment, nakakahawa ng kaunti ang mood n'ya.
Napakainosente kasi ng ngiti n'ya. Parang hindi man lang ata nagkakaroon ng problema. Madalas na makita s'ya ng iba at asarin ang pagiging childish n'yang hindi na angkop sa edad n'ya. But for me, Winter is a very lively and carefree person. Kaya ka n'yang mapangiti ng hindi n'ya pinipilit. He's naturally pleasing to be with. He's very gullible.
“Uhm, pwede naman. Pero gusto sana, himig lang. Mas gusto kong pakinggan yung pagigitara mo.” halos nakangiti ko na ring sabi.
Masigla s'yang tumango at itinuon ang atensyon sa gitara.
Iginawi ko na ang tingin ko sa mga halamang nasa paligid. Buong akala ko ay masigla ang tutugtugin n'ya, pero nang magsimula na s'yang magstrum sa gitara sa mabagal at banayad na areglo ng kanta, nakilala ko agad ang isang pamilyar na kanta.
Kagaya ng request ko, hinimigan n'ya lang iyon at hindi s'ya kumanta. Napakaright timing naman ng kanta n'ya. I wonder kung bakit sa dami ng kanta, ito ang napili n'ya. Taliwas sa personalidad n'ya ang tumugtog ng ganito. Madalas kasi puro rap songs ang naririnig ko sa kanya.
Medyo nakakadala. Kahit hinihimigan n'ya lang, masasabi mong maganda rin ang boses n'ya kahit sa ganitong uri ng mga kantahin. Para ako nitong pinapatulog at pinapakalma.
.
“Magaling ba ‘ko Candy Crush?”
Nakangisi n'yang tanong ng balingan ako matapos s'yang tumugtog. Medyo matagal ko pa s'yang tinitigan at sinuri ang mukha n'ya bago magsalita.
“Oo. Mas bagay siguro sa'yo kumanta ng mga ganyang kanta.”
Panandaliang lumiit ang ngiti sa labi n'ya at muling tumipa sa string ng gitara. But this time, parang AdLib lang, walang partikular na grupo ng mga chords na bubuo sa isang kanta.
“Masyado kang masiyahin no. Palagi kang nakatawa.” Out of the blue kong sabi ng hindi na nakatingin sa kanya.
“Turo ng Daddy ko. Pamilyar ka ba? Rain Chua ang pangalan n'ya. Pero mas sikat daw s'ya noon sa pangalang RinRin. Dito rin kasi sila dati nagaaral, kaklase nila Mr. and Mrs. Hyun.” natutuwa at tila proud na proud kwento n'ya. “Sabi ni Daddy, piliin mo raw maging masiyahin lagi, para makapagpangiti ka rin ng iba.”
Ang laki ng pagkakangiti n'ya pagkasabi nun, pero nagdulot sa'kin yun ng kakaibang pakiramdam. Parang..bahagya akong nalungkot sa huling statement na yun.
“Bakit ‘Himala' ang kinanta mo kanina?" Tanong ko. Nakamasid pa rin ako sa bawat reaksyon ng mukha n'ya sa mga tinatanong ko.
Bahagyang lumiit ang ngiti n'ya saka yumuko. Tila kakalabit muli sa gitara, pero hindi tinuloy.
“Para kay Mommy.”
Nakangiti pa rin naman s'ya, pero may bahid na ng lungkot ang tinig n'ya.
“Lagi ko yung kinakanta at tinutugtog bago matulog at bago magdasal.”
Kaunting umawang ang labi ko. Medyo..na-amaze. Bihira sa mga lalaki ang masasabi kong God fearing o kaya naman ay umaamin na nagdadasal. Maybe, dahil ayaw ng ilan na makornihan ang iba. Kapag kasi patungkol na sa Diyos ang pinaguusapan, marami ang naiilang. May ibang kumikilala lang, pero hindi isinasapuso ang pagkilala at paggalang.
Naalala ko bigla na minsang n'yang nabangit na ang Mommy na tinawag daw n'ya ay yung Lola daw n'ya.
“Hindi mahanap sa lupa ang pagasa..nakikiusap na lang, himala.. Kasalanan bang..humingi ako sa langit ng isang himala.” Tila binabanggit n'ya lang iyon na parang tinotonohan na rin ng kaunti. “Sabi kasi ni Daddy may himala daw. Kaya pinagdadasal ko lagi na bumalik si Mommy. Pero narealize ko, baka inuuto lang ako ni Daddy. Wala namang himala para mabuhay ulit ang isang tao.” Bahagya s'yang natawa pagkasabi nun. Hindi ako umimik. Nagulat ako sa rebelasyong yun pero hindi ko ipinahalata. Para akong humanga kung paano n'ya casual na binanggit lang ang tungkol doon.
“Kaya imbis na yun ang lagi kong ipagdasal, hinaharana ko na lang si Lord ng kantang yun para ipagdasal na lang yung ibang tao.”
Lalo akong napatitig na lang kay Winter at mainam na nakikinig sa kanya. Seryoso ang tono ng pananalita, pero nakangiti pa rin s'ya. Paano n'ya kaya yun nagagawa?
“Sabi ko kapag ako naging Presidente ng Pilipinas, ipagbabawal kong sumimangot at malungkot lahat ng tao. Kaya yun din yung pinagdarasal ko. Sana wala na akong makitang nalukungkot at umiitak. Yun ang klase ng himala na hinihiling ko.”
Imbis na lungkot ang makita ko sa kanyang mata, para pa itong kumikislap na para s'yang nakakakita sa isip n'ya ng magagandang larawan o tanawin. Corny man kung papakinggan ng makakarinig, pero mababanaag mo sa boses n'yang sa puso n'ya iyon nanggaling.
“Kaya noong makita ko na umiiyak ka dahil sa Mommy mo, naalala ko si Mommy. Naalala ko rin yung sarili ko sa'yo. Naramdaman ko rin yung naramdaman mo. Pero kita mo naman, okay na ako. Lagi kasing pinapaalala sa'kin ni Daddy na kapag pinili kong mas maging malungkot, para saan na lang daw ang ang magiging purpose ko sa mundo? Kung hindi ko man daw yun mahanap, maging purpose na lang daw ako para sa ibang tao.”
Mahabang paliwanag pa n'ya na lalong nagpahanga sa'kin. Hindi ko namalayan na lihim akong napangiti sa sinabi n'ya.
Sinong nagsabi na mababaw magisip ang lalaking ito?
“Naging okay naman ako eh. May maayos akong pamilya at pamumuhay. Nakukuha ko lahat ng gusto ko. Tinanggap kong wala na si Mommy kasi alam kong masaya na s'ya sa kung nasaan man s'ya. Kaya para saan para magmukmok ako? Pwede naman akong maging masaya at makuntento. Kaya ngayon..ang pinili kong purpose ay maging masiyahin para sa iba.” Muling lumapad ang ngiti n'ya ng bumaling sa'kin.
Kagat labi akong tumitig sa mukha n'ya. I can say that he's genuinely happy and contented. Nawalan din s'ya maaga ng ina, pero kahangahanga ang paniniwala n'ya sa aspeto ng pagiging masaya. Sana kagaya n'ya na lang akong magisip.
“Ikaw ba Candy crush..” muli s'yang bumaling sa'kin ng tingin. “bakit kailangan mong magtakip ng mukha? Hanggang kailan mo balak ipagkait sa iba ang ngiti mo para makapagpasaya ka rin ng ibang tao?”
Hindi ko inaasahan ang tanong n'ya kaya saglit akong natigilan at nagisip ng isasagot. Masigla pa rin naman ang ekspresyon ng mukha n'ya, pero ang seryoso ng pagkakatanong n'ya. Para akong biglang nacorner sa tanong na yun. Wala akong maisagot.
“Mukha namang hindi ka bad breath. Kaya bakit?" Inosente pa rin nitong tanong habang nakanguso na.
Gusto kong matawa sa sinabi n'ya. Pero pinigilan ko na ko na lng dahil mukhang ganito s'ya magseryoso. Aakalain mong hindi pero sa lagay na ‘to, seryoso s'ya. Naalala ko tuloy bigla nung unang beses n'ya akong nakita. Kung nahihiya daw ba ako dahil sa bad breath ako kaya ako may takip sa mukha. Ipinagsigawan pa n'ya na okay lang yun. Parang pinalubag pa n'ya ang loob ko kahit medyo napahiya ako sa mga nakarinig.
“Kung ayaw mo namang ngumingiti ng magisa dahil syempre nga naman, baka isipin nilang baliw ka. Eh ‘di kami na lang na mga kaibigan mo ang bahalang magpapatawa at magpapangiti sa'yo.”
Para akong nanghina sa sinabi na iyon ni Winter. Pakiramdam ko ay bahagyang nahaplos ang puso ko sa sinabi n'ya.
Kaibigan.. Kaibigan ko na nga ba talaga sila?
“Sa tingin mo ba Winter, bakit kailangan ng kaibigan ng isang tao? Sapat na ba yung isang tao lang..o mas marami pa?”
Saglit n'yang nanahimik at nagisip habang nakanguso. Ang cute n'ya kapag ginagawa n'ya yun.
“Kailangan natin ng kaibigan para hindi tayo magisa.”
Buong akala ko ay ang common na sagot ang isasagot n'ya. Yung madalas na sinasagot ng iba na "para may malalapitan, mahihingahan o maiiyakan ka pag oras ng pangangailangan."
“Para kapag nawala tayo sa mundo, may alaala pa rin tayong maiwan sa iba. Kapag namatay ka ng walang kaibigan, tingin ko ang lungkot nun. Namatay ka lang, pero walang makaaalala sa'yo. Magkaroon ka man lang ba ng halaga sa ibang tao bukod sa pamilya mo."
Bumigat ang pakiramdam ko at napalunok sa dinagdag na paliwanag ni Winter. It hit me hard. Para akong tinampal ng katotohanan sa sagot na yun. Malayo ang katwiran na yun sa katwiran ko noon. Ang katwiran ko kasi noon, bakit ko pa hahangarin ng maraming kaibigan kung hindi naman sila lahat totoo? Pero hindi pala iyon ang number one issue ng tao sa pagkakaroon ng kaibigan. Kung hindi ang takot na maiwang magisa, o makalimutan kang tuluyan kapag nawala ka na.
“Hindi ka naman siguro bungi para ipagkait ang ngiti mo no?”
Nailing at natawa na lang ako. Hindi n'ya intensyong mangasar dahil inosente lang naman ang pagkakatanong n'ya.
“Gusto mo bang kumain? Treat ko.” nakangisi kong pagiiba sa usapan.
Biglang nagliwanag ang mukha n'ya pagkasabi na pagkasabi ko nun. Excited s'yang tumayo habang ang tamis ng pagkakangiti at tila nagniningning ang mga mata. Parang batang bibilhan ng candy ng Ate n'ya.
Kusa akong napangiti sa idea na yun. Magkaedad lang naman kami ni Winter, pero may kung ano sa akin na gusto ko s'yang ituring na nakababatang kapatid. Si Kurt kasi, umaakto na parang Papa ko s'ya at itinuturing akong parang ang layo layo ng agwat ng edad namin. Kaya parang gusto ko na ako naman ang may itratong kapatid na mas nakababata. Parang ang sarap siguro maging Ate.
Yung ako naman ang magcacare sa isang tao.
Mabuti na lang kahit anak mayaman itong si Winter, walang kaarte arte sa pagkain. Niyaya ko kasi syang lumabas ng campus at maglakadlakad para maghanap ng makakain. Sakto namang may street food vendor kaming nakasalubong. Walang pasok ngayon at araw ng Linggo kaya walang gasinong mga sasakyan sa daan.
Wala kaming ibang ginawa ni Winter kung hindi ang magkwentuhan at kumain lang. S'ya ang palaging nagsasalita habang nakikinig lang naman ako. Paminsan minsan ay nagkekwento rin naman ako pero tipid lang. May mga pagkakataong namamalayan ko na lang na tumatawa ako dahil sa mga unintentional na pagpapatawa at kalokohan n'ya. Mga bagay na sinasabi at ginagawa n'ya. Hindi s'ya mahirap kasama. Ang gaan lang at kahit sino, kayang kaya maging natural sa harapan n'ya. It's like you're being with your inosent younger brother. Masyado s'yang gullible kaya nakakahawa ang masayahin n'yang mood.
Hindi naman pala masama. Hindi naman pala masamang magkaroon ng panibagong kaibigan..
......
“Saan ka galing?”
Iyan agad ang bungad na bungad ni Blaze pagkapasok ko pa lang ng unit ko. Mukhang namimihasa na s'yang gawing tambayan ang unit ko dahil kahit wala ako, sa twing uuwi ako ay mukha n'ya agad ang bumubungad sa'kin.
“Naglakadlakad lang. May lakad ba?” tanong ko at deretso ng umupo.
Kumakati ang dila kong mas unang itanong kung bakit absent s'ya ng dalawang araw, pero mas pinili ko na lang manahimik tungkol doon. Baka sabihin n'ya pa, interesado akong malaman.
Saglit n'ya pa akong tinitigan ng maigi bago magsalita.
“Oo. Magbihis ka. Semi formal wear will do.”
Napalabi ako. Balak ko pa sanang magtagal sa pagkakaupo kahit limang minuto para makapagpaghinga pero hindi nga pala mahaba ang pasensya n'ya sa paghihintay.
“Hintayin na lang kita sa labas." Parang walang gana nitong sabi bago pa man tumayo.
Mabilis akong nagbihis kaya wala pang limang minuto ay lumabas na ako. Pagkalabas ko pa lang ng pinto at hindi ko pa man naisasara, nagsimula na s'yang humakbang paalis.
Kung minsan talaga hindi ko nasasakyan ang mood n'ya. Masyado s'yang bagobago ng mood at ugali.
Nasa loob na kami ng sasakyan n'ya ngunit nanatiling tikom ang bibig n'ya. Pasimple ko pa s'yang sinulyapan pero wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Masyado s'yang tutok na tutok sa pagmamaneho.
Hindi nagtagal ay binuksan n'ya ang radyo ng sasakyan. Pero hindi man nagtatagal, pinatay n'ya na agad ito.
“Ayon sa bagong House of Representative Speaker ng Senado na si Mr. Wesley Dalton, hindi n'ya raw inaakala na mas lamang ang magiging pabor ng mga myembro at mam———”
Mabilis akong tumingin kay Blaze. Kitang kita ko pagdilim bigla ng mukha n'ya at mahigpit na pagkapit sa steering wheel. Bumilis din ng bahagya ang pagmamaneho n'ya. Kaya ng mapansin n'yang malapit na naming mabangga ang likuran ng isang puting SUV van sa harapan namin ay marahas din s'yabng prumeno.
“Sh*t! Are you okay? Sorry.” Taranta at mukhang nagaalala ang ekspresyon ng mukha ni Blaze ng balingan ako.
Mabilis n'yang sinapo ang likurang bahagi ng ulo mo kahit na late na para doon. Napa-head bang na kasi ako. Mabuti na lang talaga may seat belt.
Tumango lang ako. Gusto ko mang mangusisa at itanong kung okay lang s'ya, mas minabuti ko pa ring manahimik na lang. Hindi ko naman s'ya pipiliting mag-open ng kung ano mang bumabagabag sa kanya ngayon.
“Candid..”
Tawag n'ya sa pangalan ko habang naglalakad na kami papasok sa isang sikat na mall. Mall na lahat na lang ng mga staff, guard at kung sino sino pang nakikita o nakakasalubong namin ay binabati s'ya. Wala akong alam pero kung pagbabasehan ko ang mga reaksyon at kung paano s'ya batiin ng mga empleyado, malaki ang chane na pagmamayari nila ang Mall na ito.
“Can you..pretend again as my girlfriend?” Mahina n'yang sabi.
Mabilis akong napatingin sa kanya. Hindi s'ya nakatingin sa'kin. Hindi n'ya tuloy makita kung anong naging reaksyon ko sa sinabi n'ya.
Oo nga pala. Dito rin sa Mall na ito n'ya ako ipinahiya sa mga kaibigan at pinsan n'ya ng pagpanggapin n'ya ako bilang ex psycho girlfriend nya. Tapos ngayon..pagpapanggapin na naman n'ya akong girlfriend n'ya. Akala n'ya ata nakalimutan ko na ang ginawa n'ya noong araw na yun. Hinayaan n'ya makadaupang palad kong muli ang isa sa mga taong nagpaalala kung gaano kadilim ang nakaraang mayroon ako.
“It won't harm you, I promise.” Mahina n'ya pang sabi ng hindi pa rin ako tinitigan. “I just want to make sure that it's me who can make you safe..this time." Seryosong pagkakasabi n'ya ng hindi pa rin ako binabalingan ng tingin.
Hindi ako nagsalita agad. Gusto kong marinig ang dahilan n'ya ngayon. Kung bakit kailangan ko yung gawin at kung bakit parang masyadong lumilipad ang isip n'ya ngayon.
Napatitig na lang ang sa mukha n'yang naka-side view habang sabay pa rin kaming naglalakad. Namalayan ko na lang ngang nakasakay na kami sa escalator pa-second floor pero hindi ko pa rin mapigilang titigan ang mukha n'ya. O basahin ang tumatakbo sa isip n'ya.
Napatigil na lang ako sa pagtitig n'ya ng maramdaman kong may kumapit sa kaliwang kamay ko. Awang akong napatingin doon at dahan dahang nagtaas ng tingin sa mayari ng kamay na humawak nun.
Dalawang beses pa nga akong napakurap ng makita kong nakabaling na s'ya sa'kin ng tingin. Hindi s'ya nakangiti..pero hindi naman s'ya mukhang galit. Mabigat ang mga titig n'ya na parang punong puno ng halohalong emosyong hindi ko mabasa sa kanya.
Mariin akong napalunok. Hindi ko magawang magprotesta. Ano mang kakaibang pakiramdam na hatid ng muling pagdampi ng balat n'ya sa'kin at ang paghawak n'ya ng kamay ko, hindi ko na yun inalintana. Mas bothered ako sa kung anong eskpresyon ng mukha n'ya. Mukha s'yang kalmado pero ang mga mata..kakikitaan mo ng pagaalala o pagkabalisa. Mahirap ipaliwanag lalo't hindi naman s'ya nagsasalita kung bakit kami na rito o anong gagawin namin.
Nakasakay na kami ng elevator at tanging kaming dalawa lang. Wala pa rin s'yang ibang sinasabi. Hindi n'ya pa rin binitawan ang kamay ko and in fact, mas lalo n'ya pa itong hinigpitan ng hawak. Animo'y may magbabalak akong higitin mula sa kanya kaya ganun na lamang n'ya kung hawakan.
Napansin kong hindi n'ya pa pinipindot ang floor na dapat naming puntahan. Hanggang limang palapag lang naman ang Mall pero matagal s'yang tumitig sa mga numero na parang nagiisip pa s'ya ng malalim.
Muli s'yang bumaling sa'kin ng tingin kaya mabilis din akong sumulyap sa kanya.
“It's time for you to know my secrets. And you pretending to be my girlfriend is my one and only choice to keep you safe.” his voice slightly quavered.
Hindi ko alam kung puso ko ba ang gumalabog o dahil iyon sa pagtunong ng elevator ng magsimula na itong umandar. Mabilis akong nagiwas ng tingin.
Napansin kong imbis na 1 hanggang 5 ang lumabas na numero sa screen ng elevator ay iba ang nakalagay rito. 12345. Buong akala ko ay may error lang ito kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Pero ng maramdaman ko ang pagpisil ni Blaze sa kamay ko ay muli akong napatingin sa kanya. Sinalubong n'ya na rin ang mga mata ko. But this time, malinaw na ang emosyon na ang nababasa ko sa kanyang mukha at mga mata.
He seems too bothered, worried..and scared.
Nang tumigil ang pagandar ng elevator at tumambad sa amin ang gumagalaw na mga salitang nasa screen. Doon ko napagtantong hindi error ang nabasa ko kanina. Kung tama ang hinala ko, wala na kami sa kahit anong palapag na pamimilian mula isa hanggang lima.
“Welcome..Enjoy!”
Tumingin akong muli kay Blaze. Gusto kong tanungin s'ya sa pamamagitan ng tingin pero hindi n'ya ako nilingon. Sa halip ay sa papabukas na pintuan ng elevator lamang nakatuon ang mga mata n'ya.
“Kung hindi man kita kayang ipagtanggol sa mundo mo, kaya naman kitang protektahan sa mundo ko.”
Kasabay ng pagbukas ng pintuan ng elevator ay pansamantala kong pinigil ang paghinga ko dahil sa sinabi n'ya. Ramdam kong sumulyap s'ya sa'kin pagkasabi nun pero para lang akong tuod na nanatili lang na nakatingin sa harap kahit na hindi agad nagsink in sa utak ko ang klase ng lugar na bumungad sa mga mata namin. Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang remehistro ng malinaw kung saan kami.
“Nasaan tayo Blaze?” Tanong ko sa kanya habang nasa paligid na ang atensyon ko.
Saang parte ito ng Mall? Malabo namang sumakay kami ng space ship at dinala kami sa ibang lugar ng ganun kadali. Pero yung pakiramdam kanina..yung pakiramdam ko sa elevator na para itong pababa. Does it mean..nasa underground kami ng Mall nila?
Hindi s'ya sumagot. Sa halip ay kagaya ko, nakamasid din s'ya sa mga taong nasa bandang ibaba. Elevated ang sahig na bakal na tinutungtungan namin na bungad agad ng elevator kapag bumukas ito. May daan patungo sa kaliwa na pababa sa kumpol ng mga tao. Habang ang kanang bahagi naman nito ay patungo sa isa pa ring parang kwarto na elevated rin lugar na ito.
Walang sinabi si Blaze dahil mabilis n'ya na lamang ako hinigit patungo sa daang pakanan. Isang lalaki na nakapormal na suit ang nasa pintuan ang bumungad sa kwartong pinuntahan namin. Walang salisalita nitong binuksan ang pintuan para paraanin kami ni Blaze. Naka-poker face lamang ito na hindi man lang tumingin ng deretso sa'min.
Patuloy lang ako na nagpahatak kay Blaze papunta sa loob ng nasabing kwarto. Mabilis kong inilibot ang paningin ko sa loob.
Pansin na pansin ang kalinisan kahit hindi ito kalakihang kwarto. Mukha itong office dahil sa table nasa kanang bahagi habang may swivel chair na naroon. May dalawa ring bangko sa kanan at kaliwanag harapan ng desk. Habang sa kaliwa naman ay may set ng sofa. Pansin na pansin rin ang isang book shelf na imbis na mga libro ang nakalagay ay mga mukhang puro folder na naglalaman siguro ng iba't ibang papeles.
Hindi pa man ako nakakapagsalita muli ay hinigit na naman ako ni Blaze patungo sa isang malapad at mahabang bintana na may makapal na salaming kung tititigan ko, alam kong one way mirror ito.
Kitang kita na naman namin ang mga taong nasa baba. Para kaming nanunuod sa isang 51 inches na flat screen television. Abalang abala ang mga tao sa kanilang mga kanya kanyang ginagawa. May kanya kanya silang table at grupo ng pwesto. Mga seryosong naguusap, nagkakape, umiinom ng wine habang may mga papeles na nasa harapan nila. Aakalain kong nanunuod ako ng corporate meeting na magkakaiba ang table at grupo.
Unang kita ko kanina akala ko ay isang lihim na pasugalan ang mayroon dito. Pero mukhang nagkamali ako. Mukhang mas malalim pa ang dahilan kung bakit narito ang mga mukhang kagalang galang na mga taong ito.
“Anong mayroon dito Blaze?” Maingat na tanong ko sa kanya.
“Ito ang sikreto ko.” Walang emosyon na pagkakasabi n'ya habang nakamasid sa kumpulan ng mga tao sa baba. “Estimated of 30-40 people ang narito. Mistulang impyerno sa ilalim ng langit. Dito sikretong nagtatagpo at nagpupulong pulong ang mga demonyo." Mariin at may tensyon na pagkakabanggit n'ya.
Medyo nabigla ako sa mga salitang ginamit n'ya. Hindi ko lubusang maintindihan agad ang nangyayare o ang gustong ipaalam sa'kin ni Blaze. Pero alam ko at nararamdaman ko na hindi ito tungkol sa maliit na bagay lang. May malalim at mabigat na dahilan kung bakit may ganitong lugar sa isang sikat at tanyag na Mall na pagmamayari nila.
“Naturingang niluklok at pinagkakatiwalan ng buong bayan, mga nangakong magaahon sa hirap ng mga mamamayan, pero tignan mo..walang ibang ginawa kung hindi ang magbilang at mangulekta ng mga kinulimbat nilang pera ng mamamayan.” Panimula pa lang n'yang sabi pero bahagya na akong natigilan. Tama ba ang mga narinig ko?
“Gumawa ng mga proyekto sa kanikanilang lugar na sila ang numero unong makikinabang. Mga politikong nangakong tataliwas at uubos sa mga masasamang taong lulong sa bisyo pero sila pa pala itong numero unong prorektor. Mga taong tagapagpamayapa raw ng sarisarili nilang pamayanan, pero sila pa pala itong hayok sa iba't ibang illegal na gawain para mas yumaman at mas lumawak ang kapangyarihan. Mga taong nangako ng patas na edukasyon sa lahat at handang tumupad ng mga maliliit na pangarap, pero sila naman palang pasimuno sa lahat ng maling gawaing sisira lang sa kinabukasan ng mga kabataan..”
Ilang beses akong napakurap sa sinabi n'ya. Halos magimbal ang buong pagkatao ko sa isiniwalat ni Blaze. Hindi dahil sa ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong mga tao, kung hindi dahil lahat ng mga pinakikilala n'ya ngayon sa'kin....konektado sa kanila.
Hindi ako naging matalino para hindi ko agad mapagdugtong o makabuo agad ng conclusion sa mga sinabi n'ya. Pero wala ako sa lugar para magkomento agad. Hindi ko rin kasi alam ang intensyon ni Blaze kung bakit n'ya ako dinala rito. I mean..nakakabigla. Hindi ko naman ine-expect na ito ang sinasabi n'yang sikreto. Na ganito kalaki ang sinasabi n'yang sikreto.
Do I deserve to hear more?
“Money laundering, extortion, human and drug trafficking..Smuggling, political corruption, illegal gambling. Ilan yan sa mga nagaganap rito.” Mapait n'yang dagdag na lalong nagpahigit sa kapit n'ya sa kamay ko.
Mainam ko s'yang tinititigan habang s'ya ay patuloy lang na pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba. Galit, pangamba, lungkot at takot ang nakikita kong emosyon sa kanya. Tila pinupuno noon ang mga mata n'ya.
“But the most dangerous people you can meet here, were those people who organized some illegal organizations. Those people who just committed and continuously committing serious crime. Mga taong mas halang ang kaluluwa kumpara sa iba. Mga taong buhay pa, pero paulit ulit ng sinusunog ang mga kaluluwa sa impyernong lugar na ito.”
Mabibigat na pahayag pa ni Blaze. Wala akong ibang naging reaksyon. Hindi man ako nakakaramdam ng takot para sa akin o kahit para sa kanya, alam kong hindi basta basta ang tungkol mga ganitong bagay. Hindi ito simpleng impormasyon na pwedeng malaman ng kung sino sino lang. Kung totoo ang mga sinasabi n'ya, ibigsabihin ay hindi pala basta basta ang mga taong narito. Mga taong kilala sa industriya at alam kong mga taong malalaki ang pangalan sa iba't ibang sulok at lugar dito sa bansa.
Ngayong sinasabi sa akin ni Blaze lahat ng tungkol rito, hindi ko alam ang iisipin ko. Kumpara naman sa mga sikreto kong alam na n'ya o kahit hindi pa n'ya alam, hindi naman ito kasing seryoso, kadelikado o kasing komplikado nito. Kaya medyo hindi na ako nagiging kumportable sa mga naririnig ko. Hindi ba dapat hindi n'ya sa'kin sinasabi ang mga ganito kasensitibo at kontrebesyal na usapin?
“Blaze..”
Namalayan ko na lang ang pagtawag ko sa pangalan n'ya habang tinititigan s'ya. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi ko rin alam. Gusto ko s'yang pigilan..pero parang wala akong lakas na gawin iyon. Habang pinagmamasdan ko s'ya, nararamdaman kong ang tanging kailangan n'ya ngayon ay taong mapagsasabihan n'ya ng lahat ng ito.
“Wanna know who their Lord is?”
Saglit na parang naipit ang paghinga ko sa tanong n'ya. Hindi pa rin s'ya bumabaling ng tingin sa'kin.
No. Alam kong hindi s'ya. Maybe Blaze is such a jerk but he's not the type of person that can lead and under of this huge controversial mess.
“The honorable Senator Wesley Dalton. Ang pinakapipitagang senador na maaari ring maging pangulo ng bansa pagdating ng panahon.” Isang sarkatisko at mapaklang maikling tawa ang lumabas mula sa bibig n'ya. “Anak ako ng isang talamak ng criminal, Candid. And that's my secret.” Dahan dahan s'yang tumingin sa'kin.
Nalunok ko na ata ang dila ko at lalong parang ayaw ko ng magsalita. Hindi ko na rin alam ang isisipin ko at mararamdaman ko. Ang alam ko lang ay nananatili pa rin akong nakatayo habang hawak pa rin ang kanang kamay n'ya. Patuloy na nakatitig sa kanyang mukha. I wasn't expecting him to say these information to me. This is too much..to hear. I don't deserve to keep this kind of secrets.
“Noon pa man, wala na akong ibang ginawa kung hindi i-please si Dad. Gusto ko lahat ng gagawin ko, maging pabor sa kanya. I want him to be proud of me. Gusto kong maramdaman yung pagiging ama n'ya. Hindi bilang ama ng bayan pero bilang ama ng sarili n'yang mga anak.” Bahagyang pumagal ang boses ni Blaze ngunit sa mga taong nasa baba pa rin nakaderetso ang kanyang tingin.
“Akala ko pwede ko ng ipagmalaki sa lahat ng achievements ko. Honors, awards, recognition, o lalo na ang pagiging Presidente ng isang buong eskwelahan. Proud na proud ako dahil kahit papaano, unti unti kong masusunod ang yapak n'ya. Kasi yun ang gusto n'ya. Kahit sa maliit na bagay o lugar lang, nasusunod at namumuno ako kagaya ng ginagawa n'ya. Isang maliit na hakbang na napansin n'ya. Naging masaya ako dahil doon. Pero saglit lang pala yun. Maliit na appreciation lang pala yun.” Tipid s'yang ngumiti. Napaiwas ako ng tingin saglit dahil doon. Bakit kailangan n'yang ngumiti gayong kabaliktaran naman noon ang nararamdaman n'ya?
“I was really trying the best that I can to be that kind of son he will be proud of. The kind of son he will proudly introduce to everyone and told them how excellent I am. Tang ina lang kasi masyado ko na palang prineressure yung sarili ko. Hanggang sa punto na binabago ko na pala yung sarili ko literal para sa isang tao. Sa isang taong hindi naman pala karapatdapat tingalain at hangaan ko.” He explained in a horribly weak voice. Nagawa n'ya pang ngumiti muli ng bahagya.
His eyes were heavy. He look vulnerable..and weak. Naramdaman ko ang kirot sa pilit na ngiti na iyon. Kagaya ng mga mata n'yang unti unti na ring nagtutubig na pilit n'ya pa ring pinipigilan at itinatago.
“Gusto kong hangaan at igalang ako mula sa taas pero hindi mula sa taas ng maliit na kwartong ito. Kahit na isa pa ito sa mga susi para maramdaman ko ng may Tatay ako, mas gugustuhin ko na lang na maging pulubi sa kalsada kaysa yakapin at manatili sa impyernong lugar katulad nito. Gusto ko noong maging kagaya n'ya dahil yun ang lagi n'yang tinatatak sa ulo ko. Pero wala sa plano kong maging kagaya n'ya sa ganitong gawain at aspeto."
Mabibigat ang bawat salitang binibitawan ni Blaze. Pakiramdam ko ay nabibigatan rin ako. Nababanaag sa boses n'ya ang lungkot na pinaghalong frustration. Tila nawala bigla ang masyadong mapagmataas, mayabang at antipatikong Blaze na kilala ko. Nakikita ko ngayon yung klase ng anak na gusto lang mapansin at ipagmalaki ng kanyang sariling ama. Ngunit nahahati ang kanyang puso sa pagmamahal rito at sa maling mga ginagawa nito. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya. Ang yaman yaman n'ya at nasa kanya na halos ang lahat..pero hindi pa pala. Isang tipikal na kwento ng isang anak na kulang sa pagmamahal at pagtanggap ng kanyang ama. Tama nga pala talaga s'ya..may mga bagay kaming pagkakapareha.
Unti unting lumuwag ang kapit n'ya sa kamay ko at dinala n'ya iyon sa kanyang buhok para hawiin ito paitaas. He looks very frustrated..and hopeless. Malayong malayo sa kilala kong Blaze.
“I don't want to be like him but this bullshit shopping mall was under my name. Sa mata ng batas at ng tao, pagmamayari ko ‘to. Including this underground hell place where these pure evil secretly gathering. Kaya pagbalibaliktarin ko man ang mundo...ako lang ang maiipit sa huli at hindi si Daddy.” Isang malungkot ngunit may bahid na iritasyon n'yang pahayag. “I was born just to protect his name.”
Malalim akong napabuntong hininga. Parang ang hirap pakinggan ng mga rebelasyon n'ya. Sinanay ko ang sarili kong maging manhid at huwag magkaroon ng pakialam sa buhay ng iba, pero habang naririnig ko ang kwento ng buhay at pinagdadaanan n'ya, para na rin akong naaapektuhan. Kahit ata makauwi ako at bago matulog, paulit ulit kong makikita sa isip ko ang imahe n'ya habang sinasabi n'ya ang mga ito sa'kin.
Ang bigat masyado. Isang sitwasyon na hindi gugustihin ng mga taong hindi maatim na gumawa ng masama kagaya na lang ng mga tao dito.
“I was admired by everyone. Most of them admired me by my looks, while most of them praised me by the surname I'm carrying. Pero alam kong sa kabila ng maraming yun, marami ring may ayaw sa'kin. Siguro nga mukhang wala akong pakialam at hindi ako apektado. They always see me as arrogant, jerk and self centered guy. I can't blame them. Iyon ang klase ng pagpapalaking kinamulatan ko. Gustuhin ko mang ipakita sa kanilang hindi ako yung Blaze na nakikita nila, it always leave me no choice. Anak ako ng kriminal na maaaring sumira o sumisira ng buhay ng kaibigan nila, nagpahirap sa pamilya nila, or worst..killed one of their love ones.” Lalong pumagal ang boses ni Blaze na parang s'ya rin ay nahirapang iproseso ang mga sinasabi n'ya. ”I can't be nice to everyone. Lalo lang akong hindi patutulugin ng konsensya ko gabi gabi. Iniisip ko pa lang kung ilang libong buhay na ang nasira n'ya, pakiramdam ko lahat na lang ng makikilala at makakasalubong ko, nabibilang sa mga taong yun.” he paused a bit and hardly breath in and out. “That's why I can't be at peace anywhere and anytime. Wala akong malugaran. Kahit saan ako mapadpad, hindi ko magawang maging proud sa sarili ko ni ultimo sa sarili kong pangalan. I feel lost..and it's slowly breaking and tearing me apart. My fathers deed was against my principles, but I always ended up with no choice."
Halos matulala lang ako sa haba ng sinabi n'ya. Alam kong kailangan ko magsalita o kahit man lang pagaanin ang loob n'ya, but it's hard for me to seek for the right words to say. Pagproseso pa nga lang sa utak ko, mahirap na. Alam kong sa tingin n'ya ay hindi naman ako nabigla sa mga rebelasyon n'ya, but believe me..sa loob loob ko ay hindi ko rin inaasahang ganito ang dadatnan at malalaman kong sinasabi n'yang sikreto.
“Hindi naman papayag ang Daddy mo siguro na ikaw ang mapahamak. He will surely help you..just in case.”
Napakagat labi na lang ako. Pakiramdam ko mali ang naging advice ko pero..hindi ko rin alam. Walang pumapasok sa utak ko na matino. Lutang pa ako sa mga impormasyong sinabi n'ya. Sa dami ay parang natatabunan ako pansamantala.
Unti unti ay tumingin s'ya sa'kin at deretsong tumitig sa mga mata ko.
“In case na magsasabi ka ng mga comforting words and advices..sa tingin ko hindi na yun tatalab sa'kin.”
Saglit s'yang yumuko at nagpakawala ng malalim na paghinga. Lalo kong sininop na itikom na lang ang bibig dahil sa sinabi n'ya. He's right. Kasi kahit ako, hindi ko alam ang unang gagawin ko sakali mang ako ang nasa sitwasyon n'ya.
“Ito na yung mundo ko. Wala akong magagawa kung hindi ang sumunod.” Malungkot n'ya pang pahayag.
“Wala kang gagawin? Papayag ka na lang? Magpapagamit ka na lang sa Daddy mo para pagtakpan at tulungan s'ya sa mga mali n'yang gawain?” sunod sunod na tanong ko habang nakakunot noo na sa kanya. “Akala ko ba panandalian lang dapat na sasabay sa agos? Pero huwag magpapatangay?”
Nagawa kong ibalik sa kanya ang sarili n'yang kasabihan na ipinayo n'ya sa'kin.
Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamay at marahas na paglunok ng sarili n'yang laway. Muli n'yang sinalumbong ang mga mata ko gamit ang pagod at mabibigat n'yang mga mata Parang ako itong mas naaapektuhan kapag tinitignan ko s'ya.
“I have no choice. My father was not only a powerful man. He's extremely manipulative. He have something in me...that I can't afford to loose.”
Natulala na lang ako ng mapansin ang unti unting pagsilip ng luha sa mga mata n'ya. Bago pa man iyon bumagsak at mabilis na s'yang bumaling sa ibang direksyon para hindi ko makita.
Mukhang hindi lang ito ang bigat na dinadala n'ya. I can sense it.
“I won't forget the day that he let my Mom to became someone's toy.. just to reach the place where he is right now. He made us believe all these years that it was my Mom who did something wrong.. Who cheated and betrayed our family.. Bagay na pinaniwalaan ko maraming taon na ang nakalipas. Nagawa ko pa s'yang tingalain at gawin ang lahat para lang maipagmalaki n'ya ako. Tapos yun naman pala...”
Hinayaan lang ni Blaze na sunod sunod na tumulo ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. His eyes were bloodshot now. He did not seems angry..but he's deeply frustrated and hurt.
Parang hinahapit rin ang puso ko habang pinagmamasdan s'ya. Parang gusto kong tapikin ang likod n'ya. Seeing him like this..was heartbreaking. Hindi kasi ito ang kilala kong Blaze.
“Pinababoy nya ang sarili n'yang asawa sa ibang lalaki sa mismong harapan namin para lang makuha n'ya ang mga gusto n'ya. He ruined our own innocent lovely mother in front of us twelve years ago... And it was f*cking hurt.. It was deeply f*cking hurt.” Mariin s'yang napapikit pagkasabi nun kaya lalong bumilis ang pagtakas ng mga luha sa kanyang mga mata.
Napahawak ako sa bibig sa pagkabigla. Para akong nahilo at nanghina sa narinig.
This is..too much. The revelation he said earlier was enough. But this is..crazy too much.
Bahagya ng bumilis ang paghinga ko. Ang bigat masyado ng sinabi n'ya. Parang hindi ko ito mabuhat. Naiimagine ko pa pa lang..kahit hindi sa akin iyon nangyari ay parang ako ang nawawasak.
“Isa lang naman kasi akong hamak na Presidente ng isang paaralan. Ngayon ko narealize na wala pala akong dapat ika-proud don. Wala akong magawa. Wala akong laban kahit saan kami makarating. I am nothing compared to him.”
Napalunok na lang ako at dahan dahang napatungo. Wala akong mahanap na mga salita para pagaanin ang loob n'ya. Ang tangi ko lang nagawa ay ang titigan s'ya. Ang saluhan s'ya sa bigat at sakit na nararamdaman n'ya. Alam ko at nakikita ko ang galit, takot at pagaalala sa mga mata n'ya. Para s'yang naging isang batang musmos sa paningin ko na walang inang kakalinga sa tuwing dumarating sa punto ng kailangan n'ya ng mapagsasabihan o magpapagaan ng kanyang loob. O malalabasan ng lahat ng itinatago n'yang sakit. He's cold and jerk outside, because he's a great pretender. He can hide the pain and sorrow, but he can't utterly hide his fear.
Wala man lang akong masabi at masabi at mapayo. Samantalang nitong mga nakaraan, napakarami n'yang sinabi na nakapagpagaan ng loob ko. Pero ngayon, wala man lang akong masabi. Mas nangingibabaw pa rin sa'kin ang pagkagulat sa mga rebelasyon n'ya ngayon.
“And that's the reason..” he finally turned again his gaze to me.“Why I keep on pestering you since day one. Sobra akong naiintriga sa nakatakip mong mukha at kung anong tinatago mo. Napapaisip ako kung paano mo yun nagagawa. Paano mo nagagawang itago ng matagal. I wonder kung kaya ko rin ba. Kung kaya ko ba itago ng matagal at hanggang kailan ako magpapanggap sa harap ng iba.”
“Wala akong idea na higit pa doon ang malalaman ko sa'yo. Kaya lalo ‘kong tinulak ang sarili kong mas makilala ka at malaman lahat lahat sa'yo. Eventually..marami pala tayong pagkakapareho.”
Napalunok na lamang ako habang titig na titig si Blaze sa mga mata ko. Hindi ko malaman kung sa pamamagitan ba ng mga titig n'ya kung bakit natatahimik ako, o kung sa mga mata n'yang namumula na dahil sa kanyang pagiyak. But maybe both. Parehas na mabigat sa pakiramdam na makita s'yang ganito. Hindi ako sanay.
“Maraming beses na napapahanga mo ‘ko. Napapatanong din ako sa sarili ko kung kailan kaya ako tatapang katulad mo.” he smiled bitterly and bite his lower lip. “Your freedom was stolen, while mine was stolen by my own father. You wanted to be free from something, and I wanted to get free free from him. Ang pinagkaiba lang siguro natin, kaya mong lumaban at kaya mong bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga mahal mo sa buhay. Nakikita ko yun. Kaya mong maging matatag at tumayo ng ikaew lang. Pero ako..masyado akong duwag. Wala man lang akong lakas para mailigtas yung Mommy ko..kasi kahit nga yung sarili ko, hindi ko rin magawang iligtas.”
Lalong nadurog ang puso ko sa muling pagbasag ng boses ni Blaze. Muli s'yang tumingin sa mga kumpol ng tao sa baba habang patuloy na lumuluha. He seems so helpless.. So broken and miserable.
Malinaw na sa'kin ngayon kung bakit kaya n'yang magtiis sa poder ng Daddy n'ya kahit labag sa loob n'ya. Kahit naman ako..kapag nangyari yun sa'kin, wala rin akong ibang pamimilian kung hindi magtiis alangalang sa mga taong pinoprotektahan ko
“Walang paraan para makalaya ako sa impyernong ito. Kahit palakihin ko ang galit na nararamdaman ko, hindi pa rin ako mananalo.” Banggit pa n'ya sa isang mahinang boses. Boses na parang..sumusuko.
Dinala muli ang mga mata ko sa kumpol ng mga tao sa baba.
Yung pakiramdam na ipagawa sa'yo ang mga bagay na labag sa loob mo at taliwas sa paninindigan mo..alam ko ang pakiramdam doon. Yung kahit anong gawin mong maganda para lang maipaglaki ka at mahalin ng buo ng taong ipini-please mo, ganoong ganoon rin ako. Kung para sa'kin ay mahirap at masakit na ang mga pinagdaanan ko, masasabi kong hindi hamak na mas mahirap ito kay Blaze. Hindi ko pa man nakakaharap ang Daddy n'ya, pakiramdam ko kikilabutan na ako presensya pa lang n'ya ang maramdaman ko.
Imagine, being a respectful and powerful man, na malaki rin ang posibilidad na s'ya ang mahalal ng tao bilang susunod na pangulo ng Pilipinas. Walang kaalam ang taong bayan na sa kabila ng maamo nitong mukha at matatamis na salita ay may itinatago pala itong sungay at imperynong ikinukubli sa ilalim ng Mall na ito. Kung nasisira na n'ya ang buhay ng tao kahit hindi pa s'ya ang pinuno ng buong bansa, paano pa kapag s'ya na ang pangulo? Kung kaya n'yang sirain ang buhay ng pamilya at mahal n'ya sa bubay, di hamak na mas kaya n'yang gawin iyon sa ibang tao.
Wala akong maramdaman kung hindi awa. Parang ako itong nanlulumo para kay Blaze. Kahit ako, wala akong makitang paraan para makalaya s'ya sa klase ng mundo na mayroon s'ya ngayon. Habang tinititigan ko s'ya, punong puno ng pangamba ang mga mata n'ya. Pangamba para sa mga darating pang araw. Mas nangingibabae pa iyon kaysa sa galit na nararamdaman n'ya sa Ama n'ya dahil sa kasamaan nitong ginawa sa sarili n'yang asawa.
I can't believe na mayroong ganoong klase ng asawa.
Isang tahimik na byahe muli ang nangyare sa pagitan naming dalawa. Nagsalita lang s'ya ng magyaya s'yang kumain daw muna kami sa restaurant bago n'ya ako susunduin pa daw n'ya si Lacey. And speaking of her..s'ya na rin mismo ang kusang sumagot sa mga tanong ko noon.
“Natatandaan mo siguro yung isa sa mga dahilan ko kung bakit gusto kong ikaw ang maging assistant ko at kung bakit gusto kitang maging kaibigan? Dahil gusto ko ng taong maiintindihan ako. Sinabi mo pang bakit hindi na lang ang girlfriend ko... Ngayon alam mo na kung bakit hindi pwede. Ikaw lang ang makakaintindi sa'kin. Sa sitwasyon ko. Ngayon medyo gumaan na ang pakiramdam ko. May isang tao na akong mapupuntahan kapag kailangan kong tumakbo ulit saglit." Pilit pa s'yang ngumiti ng matamis sa'kin na parang wala s'yang pinagdaraanan.“ Hindi na ako magiisa. So please..keep staying and always lend me your ears. Because that's one of your job description. But I'm not ordering you as your Captain or boss, I am asking a favor..as your friend..Hindi ko kailangan ng iba. Makinig ka lang sa'kin lagi, okay na.”
Bago kami maghiwalay ni Blaze ay isang malungkot na ngiti ang iginawad n'ya. Nakakapanibago. Hindi ako sanay makita s'yang ganito.
“Maraming salamat sa pakikinig Candid. I know you won't judge me, but I wanna make sure na hindi mo ako lalayuan dahil sa mga nalaman mo. Hindi naman di'ba?” medyo alanganin at kabado pa n'yang tanong ng nakababa na ako sa sasakyan n'ya.
Ngumiti lang ako umiling.
“Of course not, Apoy. Bakit ko gagawin yun sa'yo? Kapag ginawa ko yun..kanino ka pa tatakbo?”
Bahagya s'yang ngumiti na mukhang satisfied s'ya sa sagot ko. Pero ako mismo, nalungkot sa naging sagot ko.
Paano nga kung mawala ako? Sinong tatakbuban mo? Sinong mapagsasabihan mo ng mga sikreto mo? Sinong taong malalapitan mo na hindi manghuhusga sa'yo at hindi matatakot na ma- involved din sa gulo ng buhay mo?
Maliban sa'kin..malabong si Lacey yun.
Para akong lutang ng pabalik na ako sa dorm ko. Malalim na iniisip ang mga nangyari at nalaman ko kanina lang. Para kasing hindi pa totoo. Masyadong mabilis at hindi ko inaasahan ang mga malalaman ko.
Now I fully understand, why he needed to hire me. Kung bakit sa lahat ng tao, ako ang pinili n'yang pagkatiwalaan at piliting maging kaibigan. Kahit sa sarili n'yang girlfriend ay hindi n'ya magagawa itong sabihin. He really knows me well now. Alam n'yang hindi ko s'ya huhusgahan. Alam n'yang maiintindihan ko s'ya. Kaya naman pala minsan ay may mga laman at may pahiwatig ang mga sinasabi n'ya noong nagkakataong nakakasama ko s'ya sa mga gulo ko. Madalas n'yang sinasabi na hindi na sa kanya bago ang klase ng mundo na mayroon ako. Ito pala yun. Ito pala ang rason.
Mabilis akong bumalik sa reyalidad ng isang hindi inaasahang tao ang makita kong nagaabang sa pintuan ng unit ko bago pa man ako doon tuluyang makalapit.
“Sumunod ka.” Isang maawtoridad at monotonous na pagkakasabi n'ya ng sandaling nagtagpo ang mata naming dalawa.
Halo halo na ang tumatakbo sa isip ko, pero mukhang dadagdag pa ito.
Kahit nagtataka ay sumunod pa rin ako. Wala akong idea pero may kutob akong seryoso ang paguusapan namin. Hindi ang tipo n'ya ang para magpunta ng personal at magisa sa unit ko at hintayin ako kung mababaw lang ang dahilan.
Pagpasok na pagpasok pa lang sa office n'ya ay prente na s'yang umupo sa upuan. May kinuha agad s'ya sa drawer n'ya at isa isang ikinalat sa kanyang desk ang mga ito.
Mainam n'yang tinignan ang reaksyon ko habang nakatingin ako roon.
Mga litrato ng isang babeng nakasuot ng head scarf sa ulo at uniform na kagaya ng sa HFA. Iba iba ang kuha sa iba't ibang lugar. Madalas sa rooftop. Sa kada rooftop ng mga building dito sa HFA. Mayroon din sa parking lot, sa labas ng shool at kahit na mismo habang nakasakay ito sa motorsiklo nito.
“Hindi ako yan.” Kalmado kong sabi ng tumingin sa kanya.
Wala man lang s'yang naging reaksyon at nanatiling nakatingin sa mukha ko.
“I know." Simple nitong sagot at pinagsikop ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang desk. “But I know what you did, Azariah. Alam ko kung ano ano ang mga ginawa mo at alin doon ang hindi.”