Pinag-isipan kung mabuti kung tatanggapin ko ba ang offer ni Callex o hindi. Pero sabi nga nila once in a lifetime lang ito mangyari so grab the opportunity. Kaya tinanggap ko nalang ang offer niya. Sinabihan ko na din sina Mama at Papa about dito. Okay, lang naman daw sa kanila basta wag ko lang daw pabayaan ang pag-aaral ko.
Nung una tumutol pa si kuya pero wala din siyang magawa at pumayag na rin. Sinabihan ko kasi siya na magkakaroon din naman ako ng sahod sa pagiging personal assistant ko. At para na rin hindi na ako masyadong umasa kina Mama at Papa. Nangako din ako kay kuya na pag nagka-sahod na ako bibilhin ko 'yong matagal na niyang pinapangarap na libro. Saka sinabi ko naman sa kanila na pansamantala lang naman ito. Pagbumalik na' yong totoong personal assistant ni Callex galing bakasyon ay aalis din naman ako.
Tinanong ko naman si Callex kung hindi ba maaapektuhan ang pag-aaral ko. Sinabi naman niyang hindi raw. Saka, sino ba naman ako para tanggihan siya? Ang isang Callex Javier Santos ay hindi dapat tinatanggihan. Para kasi siyang isang mamahaling bagay na mahirap tanggihan para lang hindi ito masira o mabasag.
Saka ito na siguro ang paraan ni tadhana para matupad ko ang mga hinihiling ko sa kan'ya. Na sana manlang makasama ko si Callex ito na marahil ang sagot niya sa akin. Kaya hindi ko talaga sasayangin ang pagkakataon na ito. Gusto ko rin kasing malaman kung ano si Callex sa harap at likod nang camera.
Nagsabi din sina Abby sa akin na si Callex daw 'yong transferee kilig na kilig pa sila nung sinabi nila sa akin' yon. Sayang daw at umalis ako agad. Pero sinabihan ko naman sila na nagkita na kami ni Callex sa school at inaya pa akong maging personal assistant nito. Kaya ayon ipagdadasal daw nila na hindi na bumalik 'yong totoong personal assistant ni Callex para ako na daw ang maging forever personal assistant nito. Mga gaga talaga! Tinawanan ko nalang sila.
Naghanda na ako ngayon sabado kasi ngayon at wala kaming pasok. May taping din si Callex sa The Distened kaya ito ang first time ko bilang personal assistant niya. Ipapasundo nalang daw niya ako sa driver niya kaya tenext ko nalang sa kan'ya ang address nang bahay namin.
Hinanda ko nalang ang kaylangan kong dalhin kagaya ng mga damit. Naligo nalang din ako saka nagbihis. Nang masiguro kung okay na ang lahat ay lumabas na ako sa kwarto ko.
Naabutan ko pa si Papa sa may sala habang nag ka-kape at nagbabasa ng diyaryo. Kunot noo naman akong tinignan ni Papa.
"Bakit bihis na bihis ka naman ata ngayon, Aya? Diba sabado ngayon?" sabay simsim ni Papa sa kape nito.
"Papa, nakalimutan niyo na ba? Diba ngayon ang unang araw ko sa trabaho!" sabay upo ko sa upuan.
"Oo, nga pala! Pasensiya kana anak, makakalimutin na yata ang Papa mo!" tinawanan nalang namin pareho.
"Si kuya at Mama po pala?" tanong ko kay Papa. Nagtimpla nalang din ako ng kape may pandisal din naman na nakahanda.
"Ang kuya mo nasa kwarto pa mukhang tulog pa yata. Ang Mama mo naman nasa labas nag wawalis" napatango-tango nalang ako. Saka na ako nagsimulang kumain. Inaya ko pa si Papa nang pandisal pero tumanggi siya kanina pa daw kasi siya kumain. Ibinalik nalang ulit ni Papa ang atensiyon niya sa pagbabasa nang diyaryo.
Pumasok naman si Mama at sinabi nga niya sa akin na nang dito na daw ang sundo ko. Mabuti nalang at tapos na akong kumain. Nagpaalam nalang ako sa kanila. Sinabihan ko din sila na ipagpaalam nalang nila ako kay kuya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din talaga siya gumigising. Na puyat siguro 'yon kaka-aral ka gabi.
Binalinan lang nila ako na mag-iingat daw ako. At kung anu-ano pa. Para namang akong pupunta nang ibang bansa kung makabilin silang dalawa sa akin. Eh, uuwi din naman ako mamaya pagkatapos nang taping.
Paglabas ko nakita ko na nga sa tapat nang bahay namin ang puting SUV. Nang makita ako ng driver ay lumabas siya nang sasakyan at siya na mismo ang nag bukas nang pinto para sa akin. Nagpasalamat lang ako sa kan'ya ginantihan lang naman niya ako ng ngiti.
Sinabi din niya sa akin na nasa isang resort na si Callex kung saan gaganapin ang taping nila. Nauna na daw ito para makapag rehearse daw siya. At para na din daw makapaghanda.
Kaba at excitement ang naramdaman ko ngayon habang bumabyahe kami. Kaba dahil ito ang first time ko maging isang personal assistant nang nagiisang pinaka sikat na artista dito sa Pilipinas. Kaba din dahil si Callex lang naman ang kilala ko doon. Excitement naman dahil sa wakas makakasama kona ang dating pinapanood ko lang sa palabas. At makikita kona din silang umarte sa personal.
Mahigit isang oras din ang byahe bago kami nakarating sa isang resort kung saan gaganapin ang taping nila. Isa itong private resort walang kahit ni isang turista akong nakita. Mga kasamahan lang ni Callex ang nakikita ko. Siguro ay inupahan nila itong boong resort para hindi sila ma isturbo at para na din walang kahit na sinong turista ang pumunta.
Busy naman 'yong iba sa paghahanda nang kanilang gagamitin. Yong iba naman ay kanya-kanyang ayos nang mga tent.
May lumapit naman sa akin na bakla. At tinanong niya ako kung ako bayong bagong personal assistant ni Callex. Tumango naman ako sa kan'ya saka niya itinuro sa akin ang isang tent kung saan nang doon daw si Callex. Napagalaman ko na Brexton pala ang pangalan niya dahil tinawag din siya nang kasamahan niya.
Mababait naman pala ang mga narito dahil 'yong ibang nakakasalubong ko ay ngingitian ako. Akala ko talaga masusungit sila. Kaya kahit papano ay nawala ang kaba ko. Pero bumalik din ito nang tinahak kona ang daan patungong tent ni Callex. Doble ang kabang naramdaman ko ngayon kisa kanina.
Eh, kasi naman hindi naman kami masyadong close ni Callex sa isat-isa. Yong huling pag-uusap namin ay sa text lang nung sinabi ko sa kan'ya na tatanggapin kona ang offer niya sa akin.
Nagpakawala nalang ako ng isang buntong hininga saka ako pumasok sa loob. Walang ibang tao maliban kay Callex na nasa dulo habang nag memories nang script niya.
Nang makita niya ako ay tumayo siya sabay lapag nang script nito sa upuan kung saan siya naka upo kanina. Lumapit naman siya sa akin habang may ngiti sa labi nito. Para tuloy akong lumulutang sa ulap ngayon. Feel ko tuloy ako lang ang nagiisang babae na nag e-exist sa mundo.
Nakatitig lang ako sa kan'ya. Habang sinusuri ko ang kabuuhan nang mukha niya. Sa makakapal niyang kilay, patungo sa matangos niyang ilong, pababa sa mapupula niyang labi. Siguro nung nag paulan nang kagwapohan nasalo ni Callex lahat. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kan'ya. Habang nakabuka pa nang kaunti ang bibig ko. Natigilan lang ako sa pagpapantasya sa kan'ya nang marinig k siyang magsalita.
"Hey, you okay?" mababakas ang pag-aalala sa boses nito. Arrgh.. Nakakahiya ka talaga self! Iniwas ko nalamang ang paningin ko sa kan'ya.
"Salamat pala dahil tinanggap mo ang offer ko. What's your name again? Magiging assistant kita pero hindi ko pa alam ang pangalan mo!" he chuckled. Sabay lagay nang kamay niya sa bulsa nang pants nito. Ang cool niya tuloy tignan para siyang isang modelo.
"I'm Aliyah Bernards but you can call me Aya for short" maligaya kung sabi sa kan'ya. Dahil sa wakas kilala na ako ng dati ko pang iniidolo.
"Nice to meet you Aya!" sabay lahad niya nang kanang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito. Omg..pati ang kamay ang lambot. Parang gusto ko nalang tuloy hawakan ang kamay niya forever.
"Can I get may hands?" turo niya sa kamay niya na ngayon ay hawak-hawak ko parin. Mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Kaya ako na mismo ang kusang bumitaw nag sorry naman ako sa kan'ya. May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya naituloy dahil pumasok na si Brexton 'yong bakla kanina na nagtanong sa akin. Tinatawag na daw kasi si Callex ni Direk Joey.
Hinanda ko nalamang ang tubig, panyo saka damit ni Callex. Bago ako nagpasya na panoorin siya sa taping.
Paglabas ko sa tent ay nagsimula na sila. Hindi talaga makakaila na ang husay talagang umarte ni Callex. Pati na rin ang ka love team niyang si Letecia Villanueva.
Hanggang sa sinabi nang Director na may kissing scene pala sila. Ginawa naman nilang dalawa ang sinabi ni Direk hanggang sa makita ko nalang silang dalawa na unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng kirot sa may puso ko. Kahit scene lang naman ito nasasaktan parin ako.
May tumabi naman sa aking babae. Nagpakilala siya sa akin na personal assistant siya ni Letecia. At siya daw ay si Clarisse nagpakilala din naman ako sa kan'ya.
Madami pa siyang sinabi sa akin. Na bagay na bagay daw si Letecia at Callex parehas daw kasi silang may itsura. Kaya hindi na daw siya magtataka kung magkatuluyan daw ang dalawa.
Hindi ko nalamang pinakinggan ang mga sinabi niya dahil parang punyal ang mga ito na tumutusok sa puso ko.
*****************
#ABNBSB