Los Ricos #2: A Man Once Mine...

By oppangelz

2.7K 616 6

Is it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though... More

Beginning
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Ending
Author's Note

Part 34

54 8 0
By oppangelz

Talo


Pagkatapos ng mahabang pag-iisip, nagawa ko ring magtimpla ng kape at pumasok sa office niya.

Like the usual thing, put down the coffee and reading his schedule. May dagdag nga lang siyang tanong.

"Did you like the chocolates?"

I pursed my lips. "Hindi po ako mahilig sa matamis, pero salamat." I gave him a thin smile.

He bit his inner chicks. "So, what do you like?" sabi niya hindi sinagot ang aking pasasalamat.

Napabuntong hininga ako sa tanong niya. "Gusto ko pong malaman kung bakit bigla-bigla kayong ganito?" lakas loob kong tanong.

He stopped what he's doing and leaned in to his table while pouting. "I felt guilty the other night, I just wanted to be nice."

"Pwede kayong maging mabait Sir sa simpleng pagtrato ng maayos, hindi kailangan ng cake at chocolates."

He tilted his head and rubbed his palm over the table. "Maybe for you," he made a face. "but I have my own way."

"Sir your way is too much, anyone might assume different meaning towards that act."

"If you want to assume, then go ahead. But me, I just really wanna be nice." he gave me a small smile.

My jaw moved on what I've heard. Is he doing it again? Isasama akong lumipad tapos iiwan ako sa ere?

O baka dala ng awa, siguro naalala ang sinabi ni Elize?

Nangunot ang noo ko sa naisip.

"Sir palagay mo, paano napunta sa akin ang cellphone mo kahapon?" it's out of the subject but I just wanted to know if he knew something about what happened the other night.

He shook his head. "I've no idea. I think, I'm supposed to be the one asking that, right?" I got conscious the way he stared at me, o nararamdaman ko iyon dahil may alam ako sa nangyari noong gabing iyon?

Ano ang isasagot ko ngayon? Bakit ba kasi itinanong ko pa iyon?

"Nevermind, let's just be thankful that you're the one who have it." sa huli ay sabi niya ng matagalan akong sumagot.

"Okay, Sir." I heaved a sighed.

"Okay what? Which one do you agree?"

"The last one, Sir."

He nodded languidly. "The being nice, thing?"

My eyes narrowed, doesn't agreed on what he just said. "No, the last one."

"Yes, that's the last one. The first was the church and the second one is me being nice."

"About the cellphone, Sir." pagtatama ko.

"Nah! That's not counted."

This tricky living cold compress.

Nahigit ko ang hininga at matagal bago nailabas iyon. Ganito ba talaga ang ugali ng tunay na Trez? Hindi nauubusan ng sagot. Kunsabagay kahit noon pa man.

"Anymore questions?"

I shook my head, ayaw ng magsalita.

"Alright, we'll go home together later, and we'll get your wheels on Monday."

My eyes narrowed, I can't believe this guy. Naplano na niya ang schedule ko ng hindi ko nalalaman.

"Hindi pa raw tapos, Sir."

"Precisely, reason why I want to get that owner of yours on Monday, before it gets done."

"Bakit?"

"I have a friend, he'll check it."

"Inaayos na po ng kaibigan ko, Sir."

He raised his brow. "My friend is way better than yours."

I pursed my lips but I control myself from talking. I have to calm down kasi konting-konti nalang masisigawan ko na siya.

Lumabas akong hindi naging malinaw ang tungkol sa sasakyan ko at nagngingitngit ang kalooban.

Padarag kong kinuha ang chocolate na dala niya at nilagay sa fridge. Padarag rin akong naupo sa swivel chair.

At ginulo ang buhok ko sa sobrang inis, maaga akong tatanda nito. Mauubos ang dugo ko rito.

Mas okay sanang isipin na babait siya sa akin kasi gusto niya talaga, pero sa nakikita ko, guilty lang siya sa nangyari noong isang gabi. Kung hindi siya guilty, e, di hindi rin niya gagawin 'to.

Pakitang tao.

Napasapo ako sa mukha at napahinga ang marahas. Nakakinis. Magiging mabait raw, ang lamig naman.

This Living Cold Compress.

Idinamay pa ang owner ko at ininsulto si Zach, wala namang ginagawa 'yung tao.

Ilang saglit pa kinalma ko na ang sarili at  bumalik na ulit ako sa trabaho. Naabala nga lang nag marinig na tumungo ang telepono.

"Hello, Buenavista Group of Companies Incorporated, office of the COO, how may I help you?" sagot ko sa telepono.

"Hello, may I speak to Miss Meliza Reign Ramirez?"

"Yes , speaking."

"Miss Ramirez, I'm Mr. Millers Secretary, he's asking if Mr. James Elias Buenavista could come to his resort next week? And held the meeting there?"

"I'll ask Mr. Buenavista po. May I call you back?"

"Yes, sure. Thank you."

"Thank you. Bye."

"Bye."

After we ended the call, I called Trez to ask him.

"Alright, tell them we will come."

We? Tama ba?

I called Mr. Miller's Secretary to notify her about Trez decision, we will just wait the invitation through e-mail. Para sa date noon. Si Mr. Miller na ang pinag-decide ni Trez, dahil kadarating lang niya. But he said he want it as soon as posible.

Natapos ang araw at naging busy kami pareho ni Trez, sa trabaho at dagdag pa ang mga dokumento. Sabay kaming bumaba noong uwian na, aniya'y sasabay ako pauwi. Hindi na ako nakipagtalo o siguro gusto ko rin naman talaga ang nangyayaring 'to.

I thought about it all day, kahit nagtatrabaho, kalahati ng utak ko lumilipad sa mga nangyari kanina.

Bakit nga ba hindi ko siya hayaang maging mabait sa akin. Malay ko, pag ginawa ko iyon, maumay ako at maglaho bigla ang nararamdaman ko sa kanya. Magulat nalang ako wala na pala.

Sieze the moment ika nga, but while seizing the moment, hopefully I can analize it better now and find out what I really have to do.

We're stucked on traffic as expected, tahimik lang siya ganoon rin ako. Pero hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya habang nagdadrive. Parang deja vu, kaibahan nga lang SUV ang sasakyan namin hindi iyong lumang owner ko.

"You're living with who?" he asked out of the blue.

I faced him. "Tita ko at si Elize."

He nodded. "You're parents?"

May dumaang pait sa dibdib ko. Hindi niya talaga naaalala na naging parte siya ng buhay namin at hindi niya maalala na wala na si tatay. Hindi pa rin niya alam na wala na rin si nanay na minsan ring niyang tinuring na Ina.

"Namatay na sila parehas si tatay matagal na, si nanay two months ago lang."

He glanced at me, traffic kaya medyo nagtagal iyon. "I'm sorry, my condolences."

Pinilit kong ngumiti. "Okay lang, thank you."

"That might have been hard for you."

"Mahirap pero kinakaya." 

I like how we talk now, mahinahon, hindi iyong laging may naiinis at nag-aaway.

He nodded, "Me, both my parent's are still with me. Dad is in the company, Mom is a house wife." I listened to him, and happy that he's opening himself to me now. Ibang-iba sa Trez na kilala ko noon na question mark ang nakaraan. Now he completely know who he is. "I have two brother's and a sister. How about you, any siblings?"

"None."

He nodded and drove the car because the cars outside started to move.

"So, you came here because of you're Tita?"

"Oo, sila nalang ang kamag-anak ko, kaya dito ako napunta."

Sandali siyang nag-isip. "How about you're boyfriend? Hindi mo pa ba nakikita?"

Napatitig ako sa kanya, hindi inaasahang babanggitin iyon. "Hindi pa, ayaw na yata magpakita."

He pouted and nodded slowly. "The man the other night? Nanliligaw ba sa 'yo?"

Seryoso lang siyang nakatingin sa unahan, tila walang anuman ang tanong.

"Ha?" natawa ako. "Hindi ah."

"Really?" sumulyap lang saglit at muling bumaling sa daan.

Parang nakita kong umangat ang gilid ng labi niya, ngunit dahil nakatagilid siya sa akin ngayon, hindi ko sigurado kung totoo nga ba.

"Oo." simple kong tugon. "Ah Sir, nalaman na ba, kung sino ang gumawa noon sa owner ko?" Naalala dahil nabanggit si Zach.

Natahimik siya sandali bago tumango. "Yes, and they'd punished already."

Nangunot ang noo ko. "Hindi mo sinabi sa akin?" iritable na ulit, akala ko matatapos ang usapan naming mahinahon.

"There's no need, they won't apologized so... I just gave them what they deserved."

"And what is that?" medyo tumaas ang boses ko. Bakit hindi kami makapag-usap ng walang ganito? "Ni hindi ninyo ako naisipang sabihan?"

"Miss Ramires, it happened in the company premises, so basically we're the one who should take action."

"Alam ko iyon, pero sana man lang nalaman ko. Sasakyan ko iyon, Sir."

"I know, but I think there's no use..."

"Kasi empleyado lang ako? Hindi na kailangan kasi kung sino lang naman ako? Ganoon ba?"

"It's not like that, they're dangerous, I don't want to take risks."

"What risk?"

"They might hurt you."

"How did you say that?"

He faced me. "I know." and said that seriously.

Naningkit ang mata ko. "Bakit ayaw mong saktan nila ako? Ako naman iyon, Sir, hindi kayo."

Huminga siya ng malalim. "Our employees are our responsibility, if we catched them already, but they'd find a way to hurt you, my Dad will lose his temper again. That's the reason why."

"Iyon lang ba talaga?"

"What else do you want to hear? I'm an employee of my father, I shouldn't give him a chance to lose his trust in me."

Napatiim bagang nalang ako at hindi na nagsalita. Ganoon rin ang ginawa niya, tumahimik at seryosong nag drive.

Pero naiinis ako na ginawa niya iyon, owner ko ang sinira nila. Kaya dapat lang na malaman ko kung sino sila. Dahil pati kawawa kong sasakyan dinamay.

Pero naglaho rin naman matapos ang maraming buntong hininga at makarating ng bahay. 

"Thank you Sir." sabi ko ng huminto ang sasakyan.

"You're welcome."

I went inside and go straight to the window, I removed the curtain and take a peek outside.

I saw his car moved.

"Anong sinisilip mo?"

"Ay, anak ng palaka!" nagulat ako, hindi ko namalayang katabi na ng mukha ko ang mukha niya.

"Hoy, ang sama mo hindi palaka ang mama ko!" madramang sambit ni Elize. "Ma! Si Liza!" she shouted.

Tinakpan ko ang bibig niya. "Ano ka ba?"

Natatawa niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. "Ikaw kasi, para kang magnanakaw na nahuli sa akto. Ano ba kasing tinitingnan mo?" tanong niyang panay pa rin ang silip sa labas.

"Si Trez."

"Ah!" biglang siyang huminto sa ginagawa. "Handa na ang pagkain, kain na." yaya niyang binalewala ang sinabi ko at biglang tumakas.

I grinned, now I know how to shut her up.

We ate and went up after, naligo ako at humiga na sa kama. Nagpaalam na ako kanina kina Tita na hindi ako makakasama sa pagsimba bukas dahil may pasok at sa malapit na simbahan sa BGCI building nalang ako sisimba.

Naningkit ang mata ni Elize kanina pero hindi naman nagsalita.

Hindi ko mapigilang mangiti kapag naaalala na sisimba kami ni Trez bukas. Ano kayang itsura niya kapag nagsisimba. Si Trez noon makulit, paano kaya siya ngayon?

Nainis ako kanina pero ngayon parang wala na. Ilang beses ba akong nainis sa araw na ito sa kanya, na agad din namang nawawala.

"Huli ka." si Elize na nakadungaw sa pinto ang ulo.

Napapitlag ako. Dapat talaga nagla-lock ako. Para hindi nagugulat ng ganito.

"Bakit ka ngiti ng ngiti diyan, may nangyari bang maganda? Kuwento ka dali."

Bumangon ako at tinali ang buhok, inilahad ang kamay sa kanya, inaanyayahan siyang umupo sa kama. 

"Si Trez ang kasama ko bukas sumimba." panimula ko.

"Totoo?" manghang tanong ni Elize.

"Um, um." tikom bibig kong sagot habang tumatango at palagay ko'y nagniningning pa ang mga mata.

"Teka, natanong mo ba kung may naaalala siya sa nangyari?"

Umiling ako. "Hindi."

"Pero tingin ko din wala, kasi kung meron baka wala na akong trabaho ngayon."

"Malay mo naman Elize kahit maalala niya iyon, hindi ka i-terminate, kasi outside naman nangyari, hindi sa workplace, 'di ba?"

"Siguro, pero mabuti na 'yong hindi talaga niya naaalala, mas safe." kindat niya. "Teka balik tayo sa sinabi mo, bakit kayo sisimba magkasama? Tapos bakit may pasok ka bukas?"

I shook my head. "Kasi dahil sa mga dokumento na aayusin namin, kaya hayun doon na rin ako sisimba at sabi niya sama raw kami." paliwanag ko.

"Ingat ka baka mamaya, umiyak ka na naman." biglang paalala ni Elize.

"Elize hindi pa naman ako tumitigil umiyak simula ng iniwan niya ako." mapait akong ngumiti.

Iyon ang totoo.

She frowned. "Ikaw, Liza, napakamartyr mo. Hindi ka ba naaawa sa puso mo? Baka mamaya bumigay 'yan? Alagaan mo naman."

"Mas mabuti nga siguro kung bumigay na, Elize. Kaya lang ayaw pa e, patuloy na umaasa."

"Ganyan ba talaga kapag first love?"

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang mahal ko siya, nasasaktan ako pero hindi ako makabitaw kasi mahal ko siya." I pursed my lips.

"Paano kung hindi na niya maibalik 'yon Liza, hanggang kailan ka aasa?"

"Pag nagmamahal ka Elize, hindi ka naman naghihintay ng kapalit, makokontento ka sa kung anong maibibigay niya sa 'yo, maliit man o malaking bagay, sasaya ka roon."

"Bakit naman ako nagkaboyfriend din naman ako pero hindi ganyan." ngumuso siya at tumaas ang kilay.

"Siguro hindi ganoon ka intense ang nararamdaman mo? Siguro may matatagpuan ka pa na talagang magpapaikot ng mundo mo. Iba-iba ang lebel ng pagmamahal, Elize. Sa maniwala ka at sa hindi sinubukan ko na noon na ipaanod nalang sa galaw ng panahon ang nararamdaman ko, pero sa huli umaasa pa rin ako. Sa huli laging si Trez pa rin ang naiisip ko, ngayon ko pa ba pipigilan ang damdamin ko na bumabait na siya sa akin?"

Mataman lang na nakikinig si Elize sa 'kin.

"Sabihin mo ng tanga o bobo ako. Wala tayong magagawa, e, mas makapangyarihan ngayon ang puso ko kaysa sa utak ko. Anumang galit ko sa kanya, walang magawa 'yon. In the end siya pa rin, kahit pa sinabi niyang mahal pa niya ang ex niya." huli na ng marealize ko ang sinabi ko.

Namilog ang mata ni Elize. "Sinabi niya na mahal pa niya ang ex niya? Kailan? At kailan niya naging ex? Kakabalik lang niya, imposibleng nagka-ex girlfiend agad siya ng sandaling panahong iyon." sunud-sunod niyang tanong.

Hindi ko na dapat binanggit 'to.

"Ex girlfriend na naiwan niya bago siya nagka-amnesia." sagot ko sa maliit na boses.

"Liza, sa panahong iyon naging kayo 'di ba? Kung mahal pa niya iyon hanggang ngayon, ano kayo noon?"

"Hindi ko alam, Elize." Umiling ako. "Hindi ko alam."

"At hindi mo sinumbatan? Bakit hindi mo sabihin na naging boyfriend mo siya at pinangakuan ka niya. Hindi man kayo kasal pero malaking bagay ang pangako lalo pa mahal mo siya."

Napabuntong hininga ako, nangingilid na ang luha. "Hindi siya maniniwala, iisipin lang niyang nababaliw ako."

"Bakit hindi? Hindi ba siya nagtataka na iba na ang date ng bumalik siya sa pamilya niya? Hindi ba siya nagtataka na dalawang taon ang lumipas sa buhay niya na wala siyang matandaan at hindi niya alam kung saan siya namalagi ng panahong iyon?"

"Elize, dalawang taon lang iyon, kahit sino iisiping maikling panahon lang iyon. Siguro hindi na rin mahalaga sa pamilya niya kung ano mang nangyari sa kanya ng panahong iyon, ang mahalaga nakabalik siya....."

"At kung hindi dahil sa dalawang taon na iyon na inalagaan ninyo siya at kinupkop baka hindi na siya nakabalik, hindi ba nila naisip iyon? Hindi ba naisip ni Mr. COO 'yon? Wala man lang siyang balak hanapin ang tumulong sa kanya at magpasalamat? Sigurado naman naaalala niya na hindi maganda ang kalagayan niya noon bago siya nawala. Sabi mo may tama siya ng baril, sigurado akong may peklat 'yon, kung sakali mang hindi niya naaalala 'yon, hindi man lang ba siya nagtaka sa peklat niya?" medyo mataas na ang boses ni Elize.

"Hindi natin siya mapipilit, tulad ng hindi namin pagpilit sa kanya noon."

Marahas na huminga si Elize. "Tama lang pala ang ginawa ko sa kanya. Hindi mo siya deserve Liza." mamungay ang mata niya. "Kung sabi niya mahal pa niya ang ex-girlfriend niya, paano ka? Paano kung magpakasal na sila?"

"Patay na siya."

Napamaang si Elize, pero nakabawi rin agad. "Kahit pa, kung sabi mo mahal pa niya hanggang ngayon, paano ka niya minahal noon? Ano 'yon multi-tasking? Kayang tumibok para sa dalawa sa iisang panahon?"

"Wala siyang naaalala noon Elize." pangangatwiran ko.

"So paano ngayon? Hindi ka niya naaalala kaya mahal na niya ulit 'yong isa?" she frowned. "Mahirap 'yan."

"Alam ko 'yon."

"Alam mo pero patuloy ka pa rin." ther's pain on her voice.

"Gaya ng sabi ko sa'yo dati, hindi ganoon kadali."

Muli siyang huminga ng marahas at ganoon rin ako. Binalot kami ng katahimikan.

"So, ngayon aasa ka na naman?" basag niya sa katahimikan.

Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga. "Papagurin ko lang ang puso ko, malay natin siya na ang kusang sumuko, mapagod."

She smirked, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Sino nga bang gaga ang gagawin ang ginagawa ko. I-torture ang sarili at hintayin nalang sumuko ang puso? Malaking kalokohan 'yon.

Ganoon ko ba talaga siya kamahal, kaya kong magpakababa ng ganito?

Pero anong gagawin ko? Kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko, hindi sumunod ang puso ko.

"Okay lang sana, Liza, kung sa lahat ng binibigay mo may sinusukli siya, pero sa nakikita ko, parang ngayon palang talo ka na."

"Mali ka, Elize. Hindi ngayon, kasi simula palang talo na ako, alam ko iyon. At ang masakit alam kong talo, patuloy pa rin ang laban ko." natawa ako ng mapakla, wala na rin ang luha kanina. "Ang unfair ng buhay 'di ba? Ang tagal kong inireserve ang puso ko at hinanda para sa taong mamahalin ko, tapos nagmahal ako sa tao pang walang maalala. Pagkatapos ganito, hindi na rin ako maalala."

Nakatitig lang si Elize at ako nama'y lalong natawa. "Hindi lang alaala niya ang kalaban ko, pati puso at sarili ko kalaban ko."

Muling bumuntong hininga si Elize. Lumapit sa akin at hinila ako para mayakap. "Basta kahit anong mangyari nandito kami ni mama." alo niya.

Mabigat ang loob ko pero hindi ko maramdamang gusto kong humagulhol. Tumulo lang ang luha ko kanina. Pero paglipas noon nawala na. Marahil alam ko sa sarili ko na matagal ko ng tanggap kung ano man ang kahihinatnan nito, hindi ko lang talaga mapigilang umasa.

Kahit katiting na pag-asa panghahawakan ko para sa kanya.

Akala ko galit ako kay Trez, ngayon ko lang natanto na talagang hindi pala, anuman ang nangyari, hindi ako nakaramdam ng galit. Hinanakit oo, pero maliit na bagay iyon kumpara sa nararamdaman ko. At hindi ko maikakailang lihim akong kinikilig sa mga ginagawa niya, ayaw lang aminin ng tuluyan.

Ayaw pa akong iwan ni Elize, pero malalim na ang gabi at kailangan na naming matulog, kahit wala siyang pasok bukas maaga siyang gigising para magsimba kasama ni Tita.

Unang tunog palang ng alarm ko bumangon na ako sa kama. Nanligo at nag-ayos, bumaba na rin para kumain.

"Good morning, kain na." bati ko kay Elize, pero masamang tingin lang ang ipinukol sa akin.

"Ang aga ha." puna niya pagkatapos umupo sa tabi ko.

"Napaaga lang." pagtatama ko.

"Hmmp, napaaga. Kung hindi ko lang alam."

"Sige na una na ako." sabi ko at tumayo na. Tapos na akong kumain.

Alam ko na ang sasabihin niya. I'm too aware of that, yet too naive to stop.

Lumabas ako ng bahay at napamaang ako ng makita ang SUV ni Trez nakapark sa labas ng gate.

Lumabas siya roon bago pa man ako makalabas ng gate. Akala ko ba sa BGCI kami magkikita?

"Good morning." he greeted.

He looked so fresh, white longsleeves folded until his elbow, faded jeans and gray sneakers.

New shaved look, messy hair, thick eye brows, his unfathomable deep dark gray eyes contrasted exceptionally with his light brown toned face, narrow nose, his red bow-shaped lips and chiselled jaw.

Paano ba naman ako aahon kung ganito?

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 823 42
He became my anchor, I became his destruction. Sometimes the things we planned out don't happen. Before, I want his happiness with me. Now, I want hi...
Unfated Hearts By 열의

General Fiction

18.8K 487 33
Engineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020
98.6K 1.3K 54
Galina Isabella Higuera is the most popular girl in school. Her beauty is very alluring na kahit ang pinaka populyar na lalaki sa school ay nahumalin...
24.6K 1.2K 44
DJC Series #2: Annleigh Erica Dizon Teasing with every boys was all she wanted before, but she ended up falling for a playboy. She gave everything, e...