COLEEN'S POV
"Mabuti naman kinausap mo na siya" bulong saakin ni Ate Brei pero 'di ko nalang ito sinagot
Nandito kami sa Mall while wearing our uniform pa together with Gabb and Chase, double-date raw. Confirm, magjowa na sila.
"Rupok mo naman, akala ko ba 'di mo kakausapin ng isang linggo?" Pangaasar niya kaya kinurot ko siya ng slight
"Saan niyo gustong kumain?" Biglang tumigil si Gabb kaya napahinto kaming lahat
"Kayo ba ni Coleen? Sabit lang naman kami neto e" Ate Brei answered
"Samgyup or nah?" She asked "Ano Coleen?"
"Sige, dun nalang" i said at naglakad papunta sa restaurant
Pagkatapos naming makahanap ng pwesto ay kaagad na ring nag-order si Gabb ng kung ano-ano diyan.
"Chase, umitim ba ako?" tanong ni Ate Brei
"Kahit naman umitim at pumangit ka pa, ikaw lang nandito" he said pagkatapos ay itinuro ang kaniyang puso sabay ngiti
Kadiri ampota.
"Siguraduhan mo lang, bugbog sarado ka sa'min ng mga Ate" pagbabanta ka rito
"Totoo naman e" he said "she's the light in my darkest night"
Kadiri ampota (2)
"And you're my darkest secret to my Dad" biro ni Ate Brei kaya sumimangot naman 'tong mokong na 'to.
Hindi pa kasi sila legal.
"Tama na yan, gutom na ako" singit ni Gabrielle.
"Ayan oh si Coleen, you can eat her now if you want" Wika ni Ate Brei kaya sinamaan ko 'to ng tingin
"Cannibalism?" Maang-maangan in Gabb
Putragis ka Gabb.
"Wala, kumain ka na nga lang." wika ni Ate Brei so we started to eat na.
Tahimik naman kaming kumakain dahil gutom kami until Gabb started asking some questions sa dalawa.
"So sino nagfirstmove sainyo? I mean, sinong umamin?" Tanong niya kina Ate Brei
"Ako, pakipot pa nga siya e kinikilig naman" sambit ni Chase
"Anong kinikilig ka diyan, ikaw nga yung nagbablush nung umamin rin ako e" sagot naman ni Ate Brei
"Atleast alam mo na kinikilig talaga ako" Chase answered
"Oo nga naman Ate Brei, he has a point rin" i said
"O' sige magkampihan kayong dalawa. Tara na Gabb, tayo nalang" biro niya tsaka akma na niya sanang hahawakan ang braso ni Gabb pero inunahan ko na ito
"No, shuu! Diyan ka kay Chase mo, maspogi Gabb ko" i said then smirked
Totoo naman ee.
"Coleen naman, huwag mo naman sanang ipamukha saakin na maspogi pa sa'kin ang babae" nakasimangot na sabi ni Chase
"Alam mo Chase? Hindi kita iiwan kahit maspogi 'tong Gabb na 'to kesa sa'yo" Ate Brei said
Kadiri ampota (3)
"Hindi ko alam kung kikiligin ako o magagalit e" biro ni Chase
"Ay char lang, syempre maspogi si ikaw" mabilis na sambit ni Ate Brei
Anlayo kayaaa, maspogi si Gabb no.
After we ate ay pumunta na kami sa PMC para bumili ng phone ko, mabilis naman akong nakabili dahil inisip ko na talaga kung ano ang unit na bibilhin ko.
Then Ate Brei wanna go to the arcades before going home kaya dumiretso na kami doon.
"Ate Brei, ang daming tao" i said
"Okay lang yann" she said pagkatapos ay nauna nang pumunta sa cashier para kumuha ng tokens.
Napagastos siya ng mga paybhandred kaya ayun, naglalaro na ang duwende kasama si Chase.
"Pati ikaw?" Tanong ko kay Gabb nang makita ko siyang naglabas ng 1k mula sa wallet niya.
"Yeah, it looks fun. Tara" wika niya sabay hinila ako sa basketball area.
"Ang dami mong ginastos, e you don't know how to play naman" I said then smirked
"Want to make a bet?" Mayabang niyang tanong
"Tss, sure. Kapag 'di ka naka-shoot ng 80 points within 1 minute, bibilhin mo yung unicorn na nadaanan natin kanina" i said
"Paano naman kapag nagawa ko?" She asked
"Edi ako bibili nun sa'yo" sagot ko tsaka ngumiti
"Sige bet" she said
Imposibleng makakapuntos siya ng 80 sa isang minuto lang, duh.
My eyes widened as she hurriedly threw the ball into the ring at ang mas-nakakabilib pa ay halos lahat pumapasok.
Napapatingin rin ang nga dumadaan dito kay Gabb, she's always attractive naman kasi.
"How many seconds left?" Tanong ni Gabb kahit nasa harapan naman niya yung timer kaya sinamaan ko 'to ng tingin.
Gusto pa niyang ipamukha sa'kin na talo ako sa bet, sarap hampasin.
Napansin ko namang tumigil siya sa pagtira ng bola kahit meroon pang 10 seconds.
"Oh, why did you stop?" I asked her pagkatapos ay tumingin siya saakin "5 points nalang kailangan mo oh" dugtong ko tsaka inirapan siya
"I'll let you win this time" she said pagkatapos ay ibinaba ang bola na hawak niya "tara, next game naman" wika niya pagkatapos ay hinila ako
"Yabang mo talaga" bulong ko rito
"Anong mayabang doon? Pinagbigyan na nga kita e" she answered pagkatapos ay tumigil sa harapan ng claw machine
"Oh ano nanaman?"
"Alin gusto mo? Eto ba or eto?" Pagtuturo niya sa mga maliliit na stuffed toys na nasa loob ng machine
"Hmmm, that one" turo ko sa isang teddybear
She started to put some tokens sa claw machine pagkatapos ginalaw-galaw ito at itinapat sa itinuro ko.
"Gotyou!" Malakas na sabi niya sabay talon
Shet, ang cute niya mukha siyang bata.
"Here, itago mo yan ha" sambit niya and she handed me that cutie little teddy.
"You know what? You don't need to buy the unicorn that i'm talking about na, okay na 'to" i said and smiled
"Are you sure? Kasi i'll gonna buy that talaga for you" she answered
"No, this is already enough okay? Sa susunod nalang yun" sagot ko pagkatapos ay inilagay sa bag ko ang teddy bear.
Kasinlaki lang ng palad ko iyon kaya sobrang cute hihi gandang pisil-pisilin.
"Okay, tara dun din tayo" wika niya kaya naglakad na kami papunta sa mga ibang arcade machines.
"Gabb namann! 'Di mo naman natatamaan eee!" Reklamo ko
"Anong ako, ikaw kayaa. Tignan mo nga score ko kesa sa'yo oh" sambit niya "18 sa'kin sayo 5, anong score yan Coleen?"
"Tumigil ka nga hampas—"
"Watch out!" Sigaw niya pero huli na ang lahat
Game over na para sa'kin, nakagat na ako ng zombie.
"Ayan, reklamo ka pa ha" nakasimangot ako habang pinapanood ko siyang itinutuloy ang laro.
"Tss, makagat ka rin sana" i said then rolled my eyes
"Talaga?" Tinignan niya ako tsaka ngumiti at ipinakita ang screen
'Victory'
"Edi wow, masmagaling pa rin ako sa'yo ble" i said at pinandilatan siya
"Sus, hilain ko yang dila mo e" she said tsaka kinuha na ang mga ticket na lumabas sa machine
"Woi! Kanina pa namin kayo hinahanap, uwi na tayo" bigla sumulpot sina Ate Brei at Chase na may dala-dalang stuffed toy na baboy na malaki.
"Ate Brei anak mo ba yan? Bakit kamukha mo?" Biro ko
"Cute kayaaa" sagot niya "Teka nga, bakit parang sobrang dami niyo atang tokens?" Dugtong niya
"Ayan oh si Gabb, 1k ipinalit niya" sagot ko
"Sabagay marami namang pera yan e" si Ate Brei
"Ibigay mo nalang yan sa iba" wika ko kay Gabb habang nakaturo sa mga ticket na unti nalang ay hindi na namin mahawakan
"Tara, samahan mo ako" sambit niya kaya naglakad na kami para maghanap ng mapagbibigyan nito
"Hi baby" bati ko sa isang batang babae habang nanunuod sa kapatid niyang naglalaro ng martilyo-martilyo haha basta yun
"K-kuya" tawag niya sa kaniyang kuya kaya napahinto naman ito sa paglalaro
"Ikaw naman, natakot ata sa mukha mo" pang-aasar ni Gabb kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Kapal mo" i said
"Hi, kapatid mo ba?" Tanong ni Gabb sa batang lalaki na mga nasa 12 or 13 years old
"Ah opo, parang kilala po kita ah" He said tsaka tumingin saakin
"Really? Anong name ko?" I asked
"Hindi ko po alam pero nakita na kita sa picture, crush ka kasi ng kuya ko" he answered
"Oh? Ano bang pangalan ng ku—"
"Ang tagal niyo naman, tara naa. Natatae na ako promise" Sabat ni Ate Brei habang papunta dito
"Tinatawag na kami ng kasama namin. Here, sainyo na 'to" Gabb said pagkatapos ay inilapag ang mga tickets
"Talaga po? Ang galing niyo naman po, ang dami" sagot ng batang lalaki kaya napangiti kami
"Aba oo naman, ako nakakuha lahat niyan" i said pero tinignan lang ako ni Gabb na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko "Gabb pati yung mga tokens ibigay mo na rin para magamit na nila" dugtong ko
"Ah oo nga pala, sainyo na rin 'to. Galingan niyo maglaro ha" sambit ni Gabb pagkatapos ibinigay ang isang plastic ng tokens
"Ang damiiii!! Look Sophie oh" tawag niya sa kapatid niyang babae
"Woww" nakangiting wika ni Sophie
Aww, she reminds me of someone huhu.
"Thankyou Ate, ang babait niyo naman po" wika nung boy
"Wala ba kayong kasamang matanda?" Tanong ni Gabb
"Meron po" sagot ni Sophie
"COLEEN! GABB!!" Sigaw ni Ate Brei habang nakahawak sa tiyan
Pfft.
"Ah sige naa, sainyo na yan ha. Uwi na kami babyeeee!!! Babyee Sophie!" Sigaw ko bago makalayo sakanila
"Oh bat mukhang malungkot ka?" Tanong ni Gabb
"Naalala ko kasi si Margaux!!" Reklamo ko
"Edi tawagan mo number ni Mrs. Clarisse" she said pero nginiwian ko lang ito
"Nahihiya na ako e" sagot ko
"Engot"
Nang makarating kami sa Mansion nina Gabb ay kaagad bumaba si Ate Brei at dumiretso sa loob. Kapal ng mukha ah.
"Natatae na ba ng sobra yon?" Tanong ko kay Chase
"Oo, kanina pa" natatawang sagot niya"
"Tara sa loob Chase, pakilala ka namin kina Manang" wika ni Gabb pagkatapos mai-parking ang wrangler niya
"Oh Gabo? Akala ko 'di ka uuwi" Bungad saamin ni Manang Cathy habang may dala-dala pang mga juice
"Manang, para saan yan?" Tanong ni Gabb
"Ah ipupunta ko sa Garden, may bisita kasi sina Daddy mo" she said "Sino naman 'tong napaka-poging lalaki na 'to?"
"Ah hello po, I'm Chase" he said
"Oh Chase, mukha kang koreano" Manang Cathy said
"Korean po si Daddy"
"Ah ganun ba, sige sige. Ipunta ko muna 'to doon at kayo rin hatiran ko ng makakakain mamaya" wika ni Manang Cathy bago tuluyang umalis papuntang Garden
"Tara sa taas, doon nalang natin hintayin si Brei" sambit ni Gabb pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad.