Ablaze |Season 2| (Under Revi...

By EsorNori

471K 15.2K 9.3K

"Just say you love me, and I'll be more than willing to be your Sinner." _____ Ferish Asiah's unforeseen exis... More

Author's Note
Ablaze
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74

Chapter 67

10.3K 552 332
By EsorNori

FERISH

I CAN LITERALLY think of a thousand ways to put that Haji in absolute misery for touching my woman when my warning was clear and understandable. He is seeking for his own death.

Sumimsim ako sa iniinom na apple juice habang nakatitig sa malayo. Nasa loob ako ngayon ng cafeteria dahil ang init sa labas. Lunch time na pero hindi naman ako makakain ng kanina. Nanalo kanina ang team namin pero may laro pa kami mamayang hapon.

Now, I can very well remember how he touched her when I warned him not to dare. Ano bang hindi malinaw sa sinabi ko? Sinabi kong 'wag niyang hawakan. Wala naman siyang karapatan. I do not mind if he happen to own the whole university, but owning Octavia, saying that she is his', is utterly unacceptable.

Ngayon palang ay nasasabik na ako marinig kapag nagmakaawa siyang 'wag siyang patayin. Napangiti ako sa isipan habang nakikita ko ang sarili kong paano ko siya binabalatan ng buhay. Kung paano ko itatarak sa mismong mukha niya ang kutsilyo. Kung paano ko babaliin ang buto niya sa nakakatuwang paraan.

I can think of it.

I miss those times when I was allowed to make one suffer in my own hands. No, I am still allowed but not right now. I can already taste the insatiable hunger at the pit of my stomach while looking forward to see his flesh prepared right before my eyes. I can already depict the fear, the desperation, the sound of his cries. It makes me feel exhilarated.

Katatapos lang ng game. Lunch na ngayon pero hindi ko naman mahanap si Eight simula nang umalis siya kanina. Akala ko pa naman ay manonood siya sa laro. Kasama ko ngayon dito sa cafeteria si Summer pero wala akong ganang kumain kaya dark chocolate na lang ang kinakain ko.

Nandito na rin pala si mommy sa Pilipinas. Siya 'yung kausap ni Eight kanina sa bleachers, at kanina pa rin ako interesado sa kung ano ang pinag-usapan nila dahil ang sayang tignan ni mommy. Mukhang okay naman ang usapan. Knowing my mother, I am certain that she did not introduce herself to Eight.

Galit pa kaya siya sa akin?

Kasama niya rin 'yung Haji. Nakausap nga ni mommy. Sigurado akong tawang-tawa si mommy sa isip niya habang kinakausap 'yung Haji. Ik-kwento niya 'yan kay mama kapag dumating 'yon dito.

Kumagat ako sa chocolate habang nakatulala sa kawalan. I miss her so bad. Gusto kong tanggalan ng braso 'yung lalaki. I can think of skinning him alive, seeing his reddish flesh dripping with blood. I want to slowly slice it with a knife and pour an acid to that skin until it melts right before me.

I should've asked Evion, one of my friend, who loves watching theatre operas, to prepare one for me using that Haji. A different kind of opera.

I licked my lower lip when I felt the immense urge to make him feel my suffering. Does his Commander know about this? Hindi nakakatuwa.

"Ferish, tigilan mo 'yan," saway sa akin ni Summer kaya nag-angat ako ng tingin sa kan'ya nang matauhan.

"Alin?"

"I know what you're thinking," sinamaan niya ako ng tingin. Kumakain siya sa harapan ka nung cinnamon roll. "Nasa school ka."

Napatitig ako kay Summer. Kanina niya pa ako binabantayan dahil baka sumakit na naman ang dibdib ko. Mabuti nga at bahagyang humupa ang sakit dahil kung hindi ay baka hinimatay ako habang naglalaro.

"E 'di paglabas na lang ng school," solusyon ko kaya natigil siya sa pagnguya at sinukat kung seryoso na ako o nagbibiro, pero pinakita kong seryoso ako.

Hinilot niya ang sentido at nilunok ang kinakain. "At least, 'wag ngayon, okay? Hindi pa nga kayo maayos ni Octavia," inabutan niya ako ng kinakain niyang tinapay pero tinanggihan ko.

Nasulyapan ko ang mga estudyanteng nakatingin sa direksyon namin. Sa akin sila nakatingin at hindi ko alam kung bakit. Ang daming university ang invited dito sa HU, at maayos naman silang makitungo pwera na lang doon sa nasa gym kanina na tinulak ako. Hindi ko na lang pinansin dahil baka kapag tinulak ko rin ay sa taas ng building galing.

"Okay," walang ganang sagot ko at kumagat ulit sa chocolate. I can only taste it bitterness. "Tinataguan niya yata ako, Summer," sumbong ko dahil parang ayaw niyang magpakita sa akin. Ni hindi na nga siya nanood nung laro ko, kung kailan mas maayos na ang pakiramdam ko.

I'm honestly still scared to her anger. She makes me feel so vulnerable that everything that involves her existence is scaring me.

"Galit pa 'yon sa'yo," umiling siya. "Kinausap naman ni Tita kaya baka natauhan."

"Hindi 'yon magsasabi si mommy," pagtanggi ko dahil malabong may sinabing personal 'yon. Baka nga hindi niya sinabing anak niya ako. "Hindi nga rin siya nagpakita sa akin," ungot ko dahil akala ko ay pupuntahan ako ni mommy, pero hindi. Umalis din siya. Iniwan ako basta. Ni hindi man lang ako binati. Hindi ko nga alam kung nanood siya nung laro ko kanina. Lahat sila ay basta na lang umaalis.

"Busy lang 'yon si Tita. Baka gusto niya na ikaw ang lumapit sa kan'ya," hinawakan niya ako sa ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko. The gesture was somehow comforting. "Makakausap mo rin sila, okay?"

"Kapag siguro buo pa ako," mahinang sagot ko at nasulyapan na naman 'yung kabilang team ng mga taga-Aveira University na ang sama ng tingin sa akin. 'Yung nanulak sa akin kanina. Pakiramdam ko na nakita ko na sila dati. Baka barkada ni Jackstone kaya masama ang tingin sa akin, tulad ng sinabi ni Cj.

'Yung kabila naman ay kung tignan ako ay parang kilala nila ako. Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko naman sila kilala. Mga tahimik silang lahat. Their presence feels calm yet heavy at the same time. Seeing their appearance gives me a feeling that they are one of us.

"Kaya mo 'yan," sinamaan ko siya ng tingin. She said those words with a stoic expression. Ang motivating niya masyado. "Hindi na ba masakit?" Turo niya sa bandang dibdib ko.

"Buong pagkatao ko ang masakit, Summer," ungot ko at ngumuso. Naiiyak na naman ako. "I want her here..."

"Kakausapin ko siya na kausapin ka nga."

Umiling ako ulit. I doubt that Octavia will listen to her words. Hindi rin 'yon makikinig sa kahit na sino. We are both stubborn. And, I am thinking that she might need her time to think. I might make her feel overwhelmed once I show myself to her and make things worse.

"Hindi na. It is a misunderstanding between us, Sum. Kami na mag-ayos no'n," paliwanag ko sa kalmadong tono at inubos ang iniinom. Siya naman ay tumango lang na parang hindi naniniwala sa akin.

I know Octavia. Talking to her right now will make things worse. She is still mad at me, which is something that I completely understand even if she got the wrong idea. I'll let her calm down first before I talk to her, because once I do... I can never let her go again.

Not again.

"Hello."

Nag-angat ako ng tingin sa pamilyar na boses ng bumati at nakita si Lucy na nakangiti sa akin habang may dalang mga dessert sa hawak niyang tray.

Ang ganda ng ngiti niya sa mga labi. She doesn't look like it but she is actually friendly and cheerful. She is often deemed to be intimidating because of her beauty and attitude. She is transparent with her emotions, which makes one trust her. By the looks of her, she must be popular in their university. Tinitignan din kasi siya ng mga tao ng may paghanga sa bawat sulyap nila sa kan'ya.

Nakasuot siya ng uniform ng volleyball pero ang alam ko ay first year palang siya? Around the same age lang sila ni Octavia kung hindi ako nagkakamali.

"May I join you?" She asked with a small smile, asking for permission.

"Oo," tumango ako at umusog para tumabi siya sa akin dahil imposibleng paupuin siya ni Summer sa tabi niya. Nagtataka si Summer sa kung sino ang katabi ko base sa pagsasalubong ng mga kilay niya.

"Sorry. I'm Lucy, from Aveira University," inabot niya ang kamay kay Summer na kahit nagtataka ay nagpakilala pa rin pero hindi inabot ang kamay ni Lucy. Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa pero pasimpleng inirapan niya ako dahil sa ginawa ko.

"Blizzard McKinley," simpleng pakilala niya at ako ang tinignan. "I didn't know you have another friend."

"Hindi kami friends," mabilis na sagot ko. It takes so much to someone my friend. "Kakilala lang," paglilinaw ko dahil baka iba ang isipin niya. Mabait naman si Lucy, sadyang may tinatagong taray sa katawan.

"Here. Mukhang masarap desserts niyo rito. My treat."

Binigay niya sa akin 'yung isang bowl ng chocolate ice cream na may halong cookies and cream. Hindi na ako tumanggi at kumuha ng kutsara para kainin dahil masama ang loob ko. Si mommy na hindi ako pinuntahan. Si Eight na iniwan din ako. Si Maxi na hindi ko mahanap. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Summer nang makitang kumakain ako nung ice cream.

"Ano?"

"Hindi ka man lang mahiya."

Lucy chuckled as if reassuring us that it's fine. "It's okay."

Binigyan niya rin si Summer pero tumanggi siya kaya ako na lang ang kumuha nung slice ng chocolate cake. Ayaw niya raw kainin kaya ako na lang ang kakain. Gusto kong magtago at kumain na lang sa isang tabi dahil ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

I do not want to feel numb. I want to feel something, even if it's pain. I do not want to be back somewhere that I am begging myself to feel something other than endless emptiness.

Nag-indian sit ako sa kinauupuan ko habang kumakain ng ice cream. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat, pero naiiyak pa rin ako kapag naiisip ko.

"Paano kayo nagkakilala?"

"Sa The Shen, nag-away sila ni Eight," sagot ko at sinulyapan si Lucy na kumakain ng ice cream pero sa akin nakatingin. Mabagal ang pagkain niya. "Lucy, hindi ako ang pagkain. 'Wag mo 'ko tignan ng gan'yan," saway ko dahil hindi niya talaga inaalis ang tingin sa akin.

Natawa siya sa sinabi ko at napailing. Bahagyang namula ang mga pisngi niya pero tumikhim lang siya para pagtakpan iyon. "I can think of something else," natatawang sagot niya pero may bahid ng hiya. Hindi ko naintindihan, pero si Sunmer naman ay nakataas ang mga kilay na naintindihan iyon.

Hindi na ako nagtanong kung anong ibig niyang sabihin. Kumain na lang ako. Matamis 'yung ice cream pero sa panlasa ko ay parang walang lasa. Matabang. Walang buhay. It feels like I died again.

"Wala ka bang phone ngayon?"

"Wala."

"Gamitin mo muna 'yung sa'kin," inabot niya sa akin ang phone niya. Tapos na siyang kumain. "Kay Deyjen ka tumawag. Magkasama kami," bilin niya at tumayo na. Sumulyap pa siya kay Lucy na napatingin din sa kan'ya pero nginitian siya. "Take care, Ferish. Pupuntahan ko pa si ate."

Kumaway na lang ako sa kan'ya at sunod sunod na sumubo sa ice cream. Inayos ko ang suot na salamin dahil nahuhulog pababa. Nasulyapan ko si Lucy na mabagal na kumakain sa tabi ko. She is surely taking her time to eat beside me.

"Your friend doesn't seem to like me."

"Normal 'yan," tinignan ko si Lucy at kinuha ang binigay niyang cake kay Summer para kainin din nang maubos ko ang ice cream. "Gan'yan talaga mood niya lagi."

"I see," nangalumbaba siya sa lamesa at tinitigan na naman ako na parang ako lang ang nakikita. I can see the amusement in her eyes every time she gazes upon me. "You okay?"

"Hindi," sinulyapan ko siya at sumubo sa cake. Ayoko namang pag-usapan pa. "Anong laro niyo ngayon?"

"Mamayang hapon pa. Kalaban girlfriend mo," makahulugang sambit niya. Nalaman niya palang girlfriend ko si Eight. "Nag-break ba kayo?" Tanong niya. Ramdam ko na interesado siya.

Tumango ako nang maalala na naman iyon. "Siya nag-desisyon no'n. May kasalanan din naman ako."

"Why, did you cheat?"

"What?" Gulat na tanong ko sa kan'ya at kumunot ang noo. Bakit cheating? "Hindi cheating. About... past and secrets," paglilinaw ko. "I can never cheat. I am contented with Octavia. I never thought of having someone else. If it is not my woman, it will never be anyone else," I explained, giving an emphasis that it is only Octavia. I refuse to believe that it's not her who's for me. It is her. It will always be her.

She nodded her head but doesn't look like she believed me. "You still want her?"

"There's never a time that I didn't want her."

"You are free now. Why not savour that freedom?" Nilapit niya ang sarili sa akin kaya nahinto ako sa pagkain dahil ang lalim tumingin ng mga mata niya. "It is sometimes suffocating to be in a relationship."

Natawa ako nang pagak sa isipan. "Pero hindi sa kan'ya," mariin na sagot ko. "She never suffocated me."

"Hm-mm, I see," she nodded with a soft tone.

Humarap ako sa kan'ya para sana may sabihin pa, pero nagulat ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko kung saan may naiwang chocolate. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa.

Dinilaan 'yon habang nakatitig sa'kin.

Hindi ko na lang pinansin dahil baka gawain niya talaga. "Sweet," rinig kong bulong niya.

"Lucy---"

Halos mapaigtad ako sa gulat nang marinig na may magbagsak ng tray. Lumikha iyon ng ingay sa buong cafeteria kaya nawala ang ingay sa paligid at lahat ay tumahimik. Napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan at nakita si Eight na nakatingin sa direksyon namin, nakatayo, at madilim ang mga mata. Hindi salubong ang kilay niya pero mababasa ang matinding galit sa mga mata niya.

Those deep green eyes were painted with both misery and suppressed rage, but I can very well feel the scorching feeling of those in my skin and flesh.

Nandito pala siya.

I am aching to be with her. Seeing her again... the longing intensified even more. I badly want to hold her, to hug her, to hear her voice. I am desperately aching to each and every piece of her existence.

Naalala ko. Ayaw niya nga pala akong makita. 'Wag daw akong magpakita sa kan'ya. Maybe she didn't like the sight of me. Ang gusto ko ay kumalma siya at hindi lalong magalit.

Huminga ako nang malalim. With all the strength left in my body, I forced myself to stand up. Nakita ko siyang naupo sa table nila ng team niya at hindi ako tinitignan. Binalingan ko ng tingin si Lucy na nag-aalala ang mga tingin sa akin.

"Una na ako. Thank you sa pagkain," pilit ang ngiti na paalam ko kay Lucy at umalis na rin sa cafeteria para sundin ang gusto niya.

I can feel my tears pooling my eyes with a heavy feeling inside my chest while walking away from her. Mabagal na naglakad ako palayo na hindi alam kung saan papunta, basta makalayo lang sa kan'ya tulad ng gusto niya. May laro sila mamayang hapon bago 'yung sa amin pero baka hindi na rin ako manood. Ayokong ako pa ang maging dahilan kung bakit sila matalo.

Does the sight of me infuriates her? Kaya ba siya nagdabog?

May narinig akong tumahol kaya nilingon ko dahil pamilyar. Si Maxi pala. Dali-dali ko siyang nilapitan at binuhat habang pinipigilan ang mga luhang tumulo dahil pakiramdam ko ay nakahanap na ako sa wakas ng kakampi. Animals are much better companion than humans.

"Hi, baby," malungkot ang ngiti na bati ko sa kan'ya at inamoy siya. Bagong ligo. Binitbit ko na lang siya habang naglalakad patungo sa kung saan. "Maxi, ayaw niya na sa akin," sumbong ko sa kan'ya at nang makahanap ng magandang pwesto doon sa may garden na favorite spot ko ay naupo ako ro'n at inupo siya sa lap ko habang yakap pa rin siya.

Malakas ang hangin. Malamig. Payapa ang paligid, lalo na ngayong may bunga na pala ang mga bulaklak dito. Sumilong ako sa bench sa may ilalim ng malaking puno na tumatakip dito. Walang tao rito dahil ang karamihan ay kumakain sa cafeteria, canteen, mini park, o sa labas.

I was able to breathe. Walang tao. I can express the feeling inside with this adorable pet inside my arms.

"Ayaw niya raw akong makita," I sobbed. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang kausap siya. "Birthday ko ngayon... lagi akong binibigyan ng reason para pagsisihan na nandito ako," kwento ko sa kan'ya habang hinahaplos siya sa ulo.

Nakikinig siya sa akin. "Tuwing birthday ko na lang, ang daming masamang nangyayari. Si Shen, si Lee, 'yung pito... si Eight..." nagpunas ako ng luha at niyakap siya mula sa likod. The dog wag his tail, showing empathy towards me. "'Wag mo 'ko iwan, ha," pakiusap ko sa kan'ya. It feels like he understand me more than anyone else.

I savoured the solitude. Hindi naman din kasi ako makaiyak nang ganito kay Summer kahit na close kami. It is more comforting for me to open up with a pet rather than a person. I want to feel valid. That, this pain I feel is valid even if it is my fault.

I will still choose to do this. In a heartbeat. It was selfish. Absolutely selfish, but it is a way for me to let her see a bright side of this world... that there is more color to it than black and white.

"Love love ko 'yon si Eight... I never loved anyone but her," I added, reminiscing every moment with her.

Every smile, every tears and pain we shared with each other... how I held her hand every night. How I always visit her room to kiss her good night. How I always watch her from afar because I couldn't close the distance between us. I remember giving her so much reasons to get into her nerves, so she can notice my existence.

I remember how hard it is for me to keep myself conscious when she confessed her love for me. That, she chose me above all the fears she have... I remember living the happiest moments by simply being by her side.

Hindi na naman ako makahinga kaya tinanggal ko ang suot na salamin at sinubukang huminga nang malalim. Siniksik ko ang mukha ko sa bandang dibdib niya at nasa balikat ko ang mga paa niya. "I can never love anyone but her..." impit na bulong ko. I miss her. I miss all of her.

"'Yung marriage? Totoo 'yon," hinaplos ko siya sa likod at hinarap sa akin. "Totoong---"

Natigil lang ako sa sinasabi nang may maramdamang mga yabag palapit sa direksyon ko. Bago pa man ako kumalas sa yakap kay Maxi ay may humatak sa braso ko kaya nabitawan ko siya. Galit na berdeng mga mata ang bumungad sa akin.

She was fuming mad and her tears are pouring out from those gorgeous eyes. The sight of those precious tears was enough to crush me even more, knowing that I was the reason of her pain.

"You are so maddening," hinihingal na hinawakan niya ako sa balikat habang nakahawak pa rin sa braso ko ang kabila. I inhaled her fragrant scent when she closed the distance between us while I'm still sitting on the bench and she is standing in front of me, towering me with her height. "I no longer know what to do and this is your fault," puno ng diin na paninisi niya sa akin, pero naramdaman kong nahihirapan na rin siya.

"Octavia---"

"How can you put me into this kind of misery, Ferish? F*ck. Galit ako sa'yo. I am mad at you and yet I still keep on wanting you..." nanghihinang sambit niya. I can feel her frustration. For some reason, she looked so desperate to be saved. The madness is not because of me... but because of herself. "Hindi ko na alam... you caused so much devastation that I couldn't even bring myself to think of anything but you. I am mad at you but I am mad at myself even more for still wanting to be with you. I do not even know why am I here, telling you these things when I told myself that I do not want to see you," mahabang paliwanag niya sa nararamdaman.

Hinayaan ko siyang magsalita. Ang daming emosyon na makikita sa berde niyang mga mata na nakatingin sa akin sa paraang gusto ko. It wants me. She wants me.

"I do not know why. I just... had the urge to tell these things. Ferish, I'm..." another tear fell from her left eye; a single tear that holds the precious world that I'm trying so hard to protect.

"Octavia, mahal kita... the marriage---"

"I love you more than I am mad at you, Ferish. I cannot hate you..."

Umalis na siya dahil mag-uumpisa ang laro nila. Iniwan niya ako at nagmamadaling naglakad palayo. Nagkatinginan kami ni Maxi na nakahiga sa lap ko at dinidilaan ang kamay ko.

She wants me. 

_____

TUESDAY CAME.

Hindi pa rin kami nakakapag-usap hanggang ngayon. Sa tuwing lalapit ako sa kan'ya ay siya namang pag-iwas niya. Hindi ko na maintindihan. Does she want me? Does she not want to see me? 'Yung sinabi niya lang kahapon ay sapat na sa akin para puntahan siya, pero siya naman ang panay iwas sa akin.

Pinuntahan ko siya sa dorm pero hindi raw siya doon tumutuloy. Pinuntahan ko sila Victori at sinabing sa mansyon nila siya umuuwi. Pinuntahan ko naman siya sa mansyon pero ayaw pa rin akong kausapin. Wala pa akong maayos na tulog hanggang ngayon dahil siya ang iniisip ko.

Nanalo kami ng dalawang beses kahapon kaya maglalaro pa kami sa finals at semi-finals. May laro rin kami ngayon para sa elimination round ulit kasama naman 'yung isa pang university. Nanalo rin kahapon sila Eight laban kila Lucy, pero kaninang umaga ay nanalo sila Lucy kalaban ang ibang university kaya may chance na maglaban ulit sila.

Nanood ako sa laro niya kahapon kahit na sa malayo lang. Halatang galit siya sa bawat hampas niya sa bola.

Natulala ako habang nakatitig sa kung saan at nakatutok sa harapan ng electric fan. Yakap ko si Maxi na nakaupo sa lap ko. Wala akong phone kasi naiwan ko sa dorm. Pati nga ang motor ko ay hindi ko magamit dahil nasa dorm din ang susi. Even the money. Si Summer ngayon ang sumasagot sa lahat ng gastusin ko pero babayaran ko rin naman siya kapag may pera na ako.

Come on, come on, don't leave me like this

I thought I had you figured out

Something's gone terribly wrong

You're all I wanted

Come on, come on---

"Summer, ilipat mo nga 'yang kanta," inis na binalingan ko siya ng tingin na sinasabayan pa ang kanta.

Nandito kami ngayon sa may music room. May laro pa kami mamayang hapon pero dito na lang ako nag-stay dahil wala naman ngayon si Eight. Hindi ko siya makita. Ang sabi sa akin ni Victori ay umuwi daw sa kanila. Si Summer ay nakaupo sa kabilang couch. Nakita kong nilipat niya ang music.

---'cause one second it was perfect, now you're halfway out the door

And I stare at the phone, he still hasn't called

And then you feel so low you can't feel nothing at all

And you flashback to when he said, "Forever and always"

Oh, and it rains in your bedroom
Everything is wrong

It rains when you're here and it rains when you're gone

'Cause I was there when you said, "Forever and always"

"Summer!" Inis na pagtawag ko sa kan'ya kaya tinignan niya ako. Tumayo ako at kinuha ang phone niya.

"What?" Inis din na tanong niya sa akin.

"Wala ka bang ibang kanta? Puro kay Taylor Swift 'yan," ungot ko. Nakakainis namang sumasakto pa ngayon.

"Ang ganda kaya."

Kinuha ko ang phone niya at ako ang naghanap ng kanta. Nang i-play ko ay hindi makapaniwalang tinignan niya ako pero hindi ko siya pinansin at nilaro na lang si Maxi. She looked at me as if I came from another galaxy and she wants to kill me for that.

"Seriously?" There was a hint of sarcasm in her tone.

"The wheels on the bus go round and round

Round and round

Round and round

The wheels on the bus go round and round

All through the town..."

"'Wag natin 'yang pansinin si Summer, Maxi. Inaaway din tayo niyan," pagkausap ko sa aso na ngayon ay nakangiti sa akin na parang sumang-ayon siya.

"What the hell, para akong may kasamang bata," asik niya sa akin at akmang kukunin ang phone niya pero tinago ko sa akin habang buhat si Maxi.

Naka-connect sa speaker ng music room 'yung phone niya. Kaming dalawa lang naman ang nandito dahil sa last day pa ang performance ng banda namin, pero may practice kami sa hapon.

Padabog na naupo ulit siya sa may sofa at wala ng nagawa dahil nasa akin ang phone niya. Ang sama ng tingin niya sa akin. "Maririnig ko 'to mamaya habang naglalaro," sumimangot siya sa akin pero nagtago ako sa likuran ni Maxi. "Damn you. It feels so weird to play volleyball with Wheels on the Bus repeatedly playing in my head," sinabunutan niya ang ulo pero hindi ko pa rin pinansin.

"Okay lang, ako rin naman."

May pumasok sa loob ng Music Room kaya napatingin kami doon. Si Cj pala na may bitbit na mga papel. "Mga bading, attendance," inabot niya sa akin ang isang papel at ball pen kaya kinuha ko para magsulat.

"The wipers on the bus go swish, swish, swish

Swish, swish, swish

Swish, swish, swish

The wipers on the bus go swish, swish, swish

All through the town..."

"Anong bading? Ikaw lang," pagtanggi ni Summer pero tumaas lang ang mga kilay ni Cj.

"McKinley, 'wag mo na i-deny. Bading tayong lahat dito," turo niya sa aming tatlo pero hindi ko pinansin dahil silang dalawa ang nag-uusap.

Kumunot ang noo niya nang marinig ang tumutugtog sa loob pero kinuha ko lang ang papel para isulat ang pangalan ko at pumirma. Si Maxi naman ay kumakawag ang buntot na nilapitan si Cj para hinawakan niya sa ulo at hinimas sa tyan.

"Ano 'yon? May kasama kayong bata?" Nagtatakang tanong niya at hinanap kung may iba pa kaming kasama.

"Oo, si Maxi," turo ko sa aso.

Inuwi ko siya kagabi pero palihim lang dahil pagagalitan ako ng mga guard. Buti nga at kasya siya sa dala kong bag kahit na medyo malaki siya. Ayaw ko kasing mag-isa sa bahay kaya sinama ko na siya sa akin. Binalik ko rin naman dito sa school.

Nang makapag-attendance kami ay umalis na si Cj para hanapin ang ibang kaklase namin. May incentives daw kasi ang mga a-attend ngayon. Lumapit naman ako kay Summer at naupo sa tabi niya habang yakap pa rin si Maxi.

"Summer, hindi ko na maintindihan," I opened up.

"Alin?"

"Kapag nand'yan ako, lumalayo siya. Kapag naman wala ako, hinahanap niya ako."

Humalukipkip siya at nag-dekwatro sa tabi ko. "I told you, kidnap-in nga natin."

"Summer naman. Baka mas lalong magalit sa akin. Bad 'yan."

"Anong bad? Para namang hindi mo pa---"

"Oo na," pagputol ko sa sinasabi niya dahil balak niya na namang ipaalala ang nga kalokohan ko dati.

The signals on the bus go blink, blink, blink

"Si Haji ang gusto kong kidnapin, Summer," binalingan ko siya ng tingin. "Tapos puputulan ko ng braso."

Blink, blink, blink

"Oo, sige," pagpayag niya kaya mabilis na napatingin ako sa kan'ya.

"Pwede?" I asked in excitement. Kinuha ko ang phone niya at akmang ite-text si Deyjen pero mabilis niyang naagaw ang phone at pinatay ang music! "Sum naman."

"Mamaya ka na mag-gan'yan, Ferish. 'Yung laro mo muna ang isipin mo," pinitik niya ako sa noo kaya nilapit ko si Maxi sa kan'ya at mahinang hinampas ang paa niya sa braso ni Sum para gumanti.

"Mas importante si Eight."

HOURS PASSED, and I found Eight... with that Haji.

Nakakainis.

Ngayon ko lang siya nakita dahil nga kusa siyang umaalis kapag nasa paligid ako. She stays away from me as though I am a plague, so I decided to just follow her and not show myself to her. I contented myself watching her from afar even if I am dying to touch her, to hold her, to talk to her, and to feel all of her.

Kasama niya 'yung lalaki, si Haji raw.

Magkatabi sila ngayon sa isang bench sa may mini park. Gusto kong tanggalan ng dila 'yung mga kinikilig sa kanila kanina pa. Inaasar silang dalawa na bagay daw sila.

Halata namang ayaw siyang kausapin ni Eight pero kinukulit niya pa rin. He's been following her. Hindi ko lang magawang ipakita ang sarili ko dahil alam kong aalis na naman siya kapag nakita ako kaya hindi ko ginawa. Nandito ako sa likod ng puno at nagtatago.

Makita ko lang talagang mag-isa si Haji, hindi ako magdadalawang isip na kidnap-in siya.

I really want to severe his arms that touched my woman. A million brutal ways is currently running in my mind. He's been taking advantage that we are not okay. Naiinis ako lalo. Gusto ko siyang hatakin paalis doon pero lalo lang siyang magagalit sa akin.

Pero, ang nasaktan ako lalo ay nung makita ko na bahagyang ngumiti si Eight habang kausap siya. Ngayon ko lang siya nakita na napangiti ng gano'n. I used to be the reason of that smile. Ako dapat 'yung nandoon sa tabi niya. It was the smile that I've been wanting to see. It was supposed to be me and not anyone else.

"Ferish, don't look," may nagtakip sa mga mata ko mula sa likuran pero hindi ko binalingan ng tingin dahil kilala ko naman kung kaninong boses iyon.

I sighed and calmed myself. Hindi nga namang maganda na magalit ako rito ngayon mismo. The anger is untamable and will be uncontrollable.

"Zierra, can you call Parixia?" I asked and averted my gaze to her. Ramdam ko na natigilan siya kaya hinarap ko siya at tumingala sa kan'ya. She's almost cornering me with her arms.

"Yes... why?"

"That Haji needs to learn a lesson," turo ko sa katabi ni Eight na ang ganda ng ngiti sa kan'ya. Huling ngiti niya na 'yan. "Gusto mong sumali?"

"Saan?"

"Sa laro ko," alok ko sa kan'ya at bahagyang ngumiti. "Ikaw 'yung bumugbog kay Jackstone, 'di ba? Ikaw rin pumutol sa mga daliri niya."

"Yeah," nakangiting sagot niya nang maalala iyon. "You knew all along."

"Oo naman," nagkibit-balikat ako at tinapik siya sa balikat dahil kilala ko siya. "You are a Sinner, just like Victori and that man," turo ko kila Eight. She is from the Sin of Wrath. Victori is from the Sin of Lust. That man is from the Sin of Pride. 

She bowed her head in front of me as a sign of respect. "Whatever you desire must be granted, Ferish."

Napangisi ako sa isipan at humalukipkip. "Si mama nag-utos sa'yo?"

"Yes."

Tumango ako at nauna na maglakad kaysa sa kan'ya pero ramdam ko na sinundan niya ako. May laro pa kami. Pagkatapos ng laro ay saka ko ki-kidnap-in si Eight tutal wala silang laro bukas. Ayoko ng ganito na hindi kami maayos. Ayaw ko na tatakasan niya na naman ako kapag nagpakita ako sa kan'ya.

Kung ayaw niya akong kausapin at makita, ay hindi ko siya bibigyan ng rason para makatakas.

Nang makarating kami sa field ay handa na silang lahat. Marami ulit ang nanonood sa amin. Tumingala ako sa bleachers para hanapin kung nandito ba si mommy, pero wala naman akong nakita. Ang nakita ko ay si Cj na tumitili sa pangalan ko.

"OMG! SI PERRY 'YAN! BEBE KO 'YAN! I LOVE YOU! MWAH!"

Tumalikod ako at nagpanggap na hindi ko siya kilala dahil imbes na sa amin ang atensyon ay napupunta sa kan'ya. Nahiya pa ako at gusto kong magpalamon sa lupa nang makitang may banner silang dala at may lamang mga picture ko doon!

Nakakainis. Ang daming picture. Merong hawak ko si Maxi, merong kumakain ako ng chocolate, at merong nakasimangot pa ako. Tatlong malalaking picture ko iyon. Sa baba naman ay may picture nila Summer at Cj. Lahat ay puro stolen picture. Ang mas nakakaasar pa ay may background na parang langit dahil kulay blue na nga, may mga ulap pa. Sigurado akong siya ang nagpagawa ng banner na 'yan.

"Go, bebe! Ipakita mo na ang true colors mo! Rainbo---aray!"

Nakita kong hinampas siya ni Summer sa braso pero mukhang napalakas dahil mukhang nasaktan talaga. Nagtakip ako ng mukha dahil ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

"Ferish, kilala mo---"

"Hindi, hindi ko 'yon kilala," agad na pagtanggi ko nang kausapin ako nung kasama ko sa team. Lahat sila ay natatawa sa akin pero ako ay dumiretso kay coach at kinuha ang gloves dahil ako ang catcher.

Nakipag-shakehands muna kami sa kabilang team. Taga-Farrah University daw sila. Mukha naman silang mababait dahil nakangiti sila, hindi tulad doon sa ibang taga-Aveira University na sa akin pa rin masama ang tingin.

Pumwesto na ako, pero kumunot ang noo ko nang may masulyapan sa isang gilid. Si Jackstone ba 'yon? 'Di ba bawal 'yon dito sa university dahil inalis na siya?

Hindi ko na pinansin at sa harapan na lang tumingin. Si ate Rayven ang may hawak nung bola dahil siya ang pitcher. Agad na hinagis niya iyon sa direksyon ko.

Hinampas naman ng kalaban namin pero hindi tinamaan 'yung bola at nasalo ko.

"Strike 1!"

Napangisi na lang ako sa mga nangyayari. Buti na lang din at hapon na, hindi gaanong mainit. Alam ko rin na nanonood sa akin ngayon si Sum. Sana nga ay nanonood sa akin si Eight ngayon.

Sumunod na hinagis ulit ang pangalawang bola at hindi ulit natamaan at nasalo ko agad ang bola.

Mukhang kinakabahan kasi itong may hawak ng bat. Kita ko pa ang panginginig ng kamay niya at pamumuo ng pawis kahit nakasuot siya ng cap at hindi gaanong mainit.

"Relax ka lang, Miss," sabi ko ro'n kaya sumulyap siya sa akin. I smiled a little. Tumango siya at mukhang nakahinga naman nang maluwag, pero hindi niya ulit natamaan ang bola.

"Strike 2!"

Nagpatuloy lang ang laro at masasabi ko naman na nag-enjoy ako kahit papaano. Kami ulit ang nanalo at sa isang araw pa ulit ang magiging laro namin. Bukas ay wala. Tumagal pa nga ang laro namin kaya ngayon ay hapon na, halos magdidilim na rin.

"Nice game," bati nung kabilang grupo at kinamayan pa kami.

Binati rin namin sila. Magaling naman sila kung hindi lang talaga kakabahan. Mukhang pinaghandaan naman din kasi nila kaya ayos na 'yon kasi nag-effort pa sila.

We should acknowledge them. Hindi naman ibig-sabihin na natalo sila ay hindi na sila magaling. Losing the game is not the end of it; giving up is the end.

"Congratulations," nakangiting bati ni Sum pagkalabas ko ng banyo dahil naligo ako.

"Thanks," simpleng sagot ko.

Naglalakad na kami palabas. Gusto kong umuwi na lang doon sa bahay. Hindi ko na isasama si Maxi dahil baka mahuli na ako ngayon. Gusto ko sanang pumunta ulit sa bahay nila Eight pero hindi naman din niya ako kakausapin. I'm giving her the time that she needs, but giving her up is not something that I will ever do.

I heaved a deep sigh. Biglang may tumawag kay Summer sa cell phone kaya umalis muna siya sandali para sagutin iyon.

"D'yan ka lang, ah," paalala niya pa nang makarating sa parking lot dahil ihahatid niya raw ako.

Tumango ako. Wala naman din akong ibang pupuntahan dahil wala akong pamasahe.

"Ms. Asiah," may tumawag sa akin na mga taga-Aveira University kaya tinignan ko sila.

Seryoso silang mga nakatingin sa akin. Inayos ko ang salamin ko at hinarap sila. Sila 'yung isang grupo na laging nakatingin sa akin. Anim silang lahat at iisa lang ang ekspresyon na meron sa mukha. Intimidating. "Bakit?"

"It is our honor to meet you," they greeted with respect and bowed their heads before me the moment that they recognized me. "I hope you enjoy your game with us."

Tumango ako sa kanila. All of them... are like Zierra and Victori. Sinners. Kaya pala kilala nila ako. "Sure," I smiled softly. "Thank you."

Nagpaalam sila na aalis na habang ako naman ay humalukipkip para hintayin si Summer. Hindi naman pala gulo ang gagawin nila. I am not in the mood to fight. I just want to rest now.

Tumingala ako sa langit. Dumidilim na rin at lumalamig lalo ang hangin. Inaantok na ako. Ramdam ko ang panghihina sa buong katawan ko kaya hindi na ako masyadong gumalaw.

At saka hindi naman na ako gagala dahil wala akong pera---

May biglang huminto na itim na van sa harap ko at bumukas 'yon. It happened so fast---namalayan ko na lang na may tela na nakatakip sa mata ko at nakasakay na ako sa loob!

Hala, 'yung salamin ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Wait, what? Na-kidnap ako? Ako dapat ang mangki-kidnap, hindi ganito.

I groaned at the back of my mind when I realized something. Kapag napagalitan ako ni Summer dahil bigla akong nawala ay sila ang ihaharap ko sa kan'ya.

Continue Reading

You'll Also Like

22.9M 797K 66
Book Two in the I Am Not A Prostitute series. Warning: Mature Audiences Only!! -Strong Sexual Content -R-rated language -Adult situation #1 in Fict...
9.1M 317K 27
Erika Lovet is used to being in the background, always in her sister's shadow. Since she was a child, her parents have always doted on Alice, have al...
28.9M 1M 39
{#1 in teenagers} {#2 in fiction} {#2 in popular} "You better not tell anyone about this." "Aw why not? I'm sure your fandom of desperate girls wo...